CHAPTER 7

10 2 0
                                    



Matapos namin mag usap ni Papa ay pumasok na ako sa kwarto para makapag palit na. Doon ko lang napansin ang denim jacket na pinahiram sa akin ni Joaquin, naka pulupot pa sa bewang ko. I removed it and hung it inside my walk in closet. It somehow lifted up my mood. Hindi ko maitatanggi na ang saglit na pag iisip kay Joaquin ay naging distraction ko para sa mga ipinapagawa ni Papa sa akin.

Matapos ko maligo ay humiga na ako sa kama at binuksan ang phone ko. Pumasok ang mga message nang mabuksan ko ang wifi. Some are from group chats and some are from Saint and Maureen. Nang maalala ko na nag friend request ako at follow kay Joaquin ay agad akong pumunta sa app para tignan iyon.

Hindi niya pa ina-accept o in-approve man lang. It saddened me, but then i remembered that maybe he's still working, may kasalanan ako sa parteng 'yon. Hindi ko naman kasi alam at kung alam ko lang ay hindi ko na siya kukulitin pa...

I sighed and put the phone down. Nilingon ko ang makapal na folder na nasa study table ko.

Weird. Wala akong nararamdaman na kahit ano. Hindi ako interesado. Hindi ako nae-excite man lang. Hindi katulad ng dati na kapag may kini-kwento tungkol sa kumpanya ay nakikinig akong mabuti. I was dedicated but now... It just died down.

Baka dahil 'yon sa pagkawala ng tiwala ni Lolo sa akin para maging taga pagmana niya. I used to believe that it's fair because Saint and Santon deserve to have a chance, pero ngayon na nakita ko, they are pampered. They stayed here with a good life while I was away... getting prepared for something na sa huli pala ay pag dududahan rin.

I know myself, I'm not jealous. It's just I lose interest because I know I'm trying too hard but then I'm being ignored.

I sighed heavily again.

But I have no choice but to prove Lolo that he's wrong. I have to regain his trust. I can't just let everything that I worked hard for go to nothing.

Bago pa ako malunod sa mga iniisip ko ay may kumatok sa pinto.pinag buksan ko ito, si Basha na may dala dalang gatas para sa akin. Tinanggap ko iyon at isinara na ang pinto, binuksan ko ang bintana habang inaabangan ang pag dating ng lalaking palaging nasa labas.

Mga ganitong oras ay dumadating na iyon pero lumipas ang ilang minuto ay kahit anino, ay wala.

"Balita ko sabay kayo ni Joaquin umuwi kahapon, ah?" tanong ni Maureen habang nag t-take down kami ng notes at may nagtuturo sa harap.

"Yeah... I just found out that he's working, and because of me hindi siya nakapasok ng maaga." sabi ko.

"That's good." sabi naman nito kaya nilingon ko siya.

"What's good in that? I'm guilty!"

"Maganda 'yon. Binigyan ka niya ng oras, imbis na pumasok ay pinili niyang makasama ka." si Mau.

Napaisip ako sa sinabi niya.

He chose to be with me even if he knows that he has work to attend to. Does that mean... I really do have a chance to make him like me?! But that doesn't change the fact that I made him not go to his work causing him to work night shift.

"Pero... hindi niya pa ako ina-accept." sumbong ko kay Mau.

"Hmp. Ico-confirm ka rin niyan wait ka lang."

"Pero masyado na ata akong inaamag don sa list!-"

"Girl, kahapon ka lang nag request. Chill!" putol nito sa akin.

But I feel weird not being accepted quickly! At... ngayon lang talaga ako nag-add ng lalaki kaya nahihiya ako.

"Patience is a virtue, okay? Kailangan mong tanggapin na ang pagiging malandi ay kinakailangan din ng oras." dagdag niya.

Between Us and Our PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon