Pinapanood ko ang mga taong nasa gilid ng kalsada at nakapila para maka sakay ng tren, mahaba iyon at nasa ilalim pa sila ng sikat ng araw. Mahirap siguro ang kalagayan ng ganiyan, iyong gigising ka ng maaga para lamang makaabot sa paroroonan. Bigla akong napaisip, darating kaya ang panahon na masususubukan ko iyan?
Nasa labas na kami ng paaralan nang mabalik ako sa reyalidad. Malaki ang gate nito, its color is black and it screams luxury. Bumaba ako sa sasakyan habang ang black large boy Chanel handbag ko ay nasa aking kamay. Dito ko nakita ang kabuuan ng gate. It's big. Sa itaas ng gate ay may 'Diaz University' at sa magkabilang gilid nito ay may emblem pa na nakabukas na libro na may espada sa gitna.
Nagsimula akong maglakad papasok at nakitang marami na ang mga estudyanteng naroon, at pinag titinginan ako. Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso na lamang sa pag lalakad. Nadaan ako sa isang building na may school signage at sinasabi roon na ang building na 'yun ay para sa mga business ad students. I think I am in a college department...
"Phoe!" liningon ko kung saan nang galing ang tawag, sa ikatlong palapag ng building na nasa tapat ko.
Kinawayan ko si Saint at agad naman itong bumaba at pinuntahan ako sa kinaroroonan. May dala dala itong papel sa kaliwang kamay niya.
"What's that?" tanong ko.
"These are your documents. Kagabi dumating kay Dad galing sa previous school mo."
I pursed my lips. Naalala ko ang pagmamadaling utos ni Lolo kay Tita Julie at panananakot na ititigil ang donations sa dati kong school. Agad din naman din itong ipinadala matapos ang dalawang araw kaya ito ako ngayon at mag e-enroll na.
"Samahan mo lang akong iabot ito sa registrar at sila na ang bahala. It-tour na kita." sabi niya na iitinango ko naman.
Mula sa building ng business ad ay tumawid kami sa harap ng outdoor stage, matapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating kami sa isa pang building. Pumasok kami at bumungad ang grand staircase na ikinalaglag ng panga ko.
"Grand staircase... really?"
"Yep, andito sa building na ito ang clinic, dean's offices, faculty rooms, registrar, cashier at ang office ni Daddy pag nandito siya." paliwanag niya. It's airconditioned at iilan lang ang nariritong estudyante para ata mag enroll.
Naglakad kami papunta sa registrar at pumasok si Saint doon, sandali lang at lumabas na rin.
"Tara na?" aya niya at tumango ako.
Pag labas namin ay maraming tao ang nakatingin sa amin. Well, owners of the school...
"Phoe, marami talaga ang humahanga sa akin. Sa dimples kong ito, wala ng hihilingin pa ang mga taong yan." pag mamayabang niya.
"Tanga, nakatingin sila kasi maganda ako and my Chanel bag screams 275,000 pesos!" sabi ko at umirap.
"Ang yayabang niyo," napatingin kami ni Saint kay Santon na bigla na lang sumulpot sa harap namin.
Nag patuloy na ang dalawa sa pag iikot ng campus kasama ako. Ipinakita nila kung nasaan ang bagong gawang Senior High building, kung saan ako papasok. May football field doon, malawak at maraming puno sa gilid.
"Hindi na masyadong ginagamit iyan, wala na kasing masyadong interesado." sabi ni Saint.
Malapit doon ay may malawak na hardin kung saan may mga benches sa gilid ng pathway at may fountain pagdating sa gitna. Magaan ang pakiramdam ko sa lugar na ito, malamig ang simoy ng hangin at dahil mag hahapon na, hindi na masyadong mainit. Pagkatapos ng garden ay may malaking daanan doon papunta sa isang malaking multi purpose court.
BINABASA MO ANG
Between Us and Our Past
RomanceSabrina Phoebe Dawson Diaz is the princess of a strong and wealthy family. She was known as the heir to the Diaz Empire so her parents sent her abroad to study but her Grandfather seemed to have lost his trust in her so he decided to change his deci...