Nakatungo lang ang halos lahat sa mga kaklase ko dahil hinihintay namin ang darating daw na Supreme Student Government o SSG. Ang sabi ay maga-announce raw ito ng kung ano tungkol sa papalapit na pagbubukas ng mga clubs. Nakapag desisyon na rin naman ako kung saan ako sasali, at sa Art Club iyon.
"Phoe, saan ka sasali?" tanong ni Mau sa akin.
"Sa Art Club, kasama ko si Bell." sagot ko.
Tumango siya, "Ako sa Theater Club." sabi niya.
"Oh? Magaling ka umarte?" tanong ko.
"Oo naman, best actress ako, no." sagot niya.
Natigil kami sa pag uusap nang pumasok na ang isang grupo ng mga estudyante. Umayos ng upo ang mga kaklase ko at namukhaan ko naman ang isa sa mga kasama sa grupo.
"Kuya mo?" tanong ko kay Mau.
"Oo, siya President." sagot nito.
Pumwesto sila at tinawag ang atensyon namin, isa isa silang nagpakilala at napag alaman ko na ang mga kasama pala ni Mateo ay mga presidente ng school clubs.
"Hey guys, I am Mateo Sy, the current President of SSG and you all know that next week our clubs will open, I am with the presidents to invite you, we urge you to join any club you are interested in, let's not waste our time as senior high students and enjoy." sabi nito at isa isa na na pinag salita ang mga Presidente ng Clubs.
Marami palang clubs ang School namin, mukhang ang lahat ng kaklase ko ay desidido na kung saan sasali. Mayroong Subjects related, Sports related, Anime, Theater, Photography, Art, Cheerleading, Dance, Drum and Lyre clubs. Halos dalawang oras rin sila magsalita sa harap.
Nahihilo na ako dahil sa pagkaboring na nararamdaman ko sa loob ng classroom. Tumingin ako sa bintana. Ano kaya ang ginagawa ni Joaquin? Nasa court kaya siya? Baka nasa classroom at gwapong nakikinig sa teacher?
I pouted. I'm imagining how good he looks while he's so focused on studying. A man of integrity...
I bit my lip. I'm completely besotted with Joaquin.
"So, ayon nga mukhang tapos na sila... mamaya may orientation ang mga clubs sa designated rooms, sana um-attend kayo..." narinig ko ang pag papaalam ni Mateo kaya liningon ko ito, only to see him looking at me.
Ngumiti ako.
Ngumiti rin ito at kumaway matapos mag salita. Naglalabasan ang mga president ng club nang lumapit ito sa amin ni Mau, nakita kong nakatingin ang mga kaklase ko. Nang titigan ko ang mga ito ay agad din naman umiwas.
"Kaya ka pala nag palipat..." sabi nito sa kapatid at tumingin sa akin.
"Yeah, can't lose the chance to befriend Saint's cousin you know." si Mau.
Natawa ako sa sinabi nito. Well, kinaibigan niya ako dahil sa pinsan ko pero... hindi naman siya nagpapatulong. It is somehow strange but I have a lot of things to think and I have no time for that.
"Saan ka sasali, Phoebe?" si Mateo.
"Art Club..." sagot ko.
"Oh? yayain sana kita sa Dance Club eh."
Kumunot ang noo ko, "Sumasayaw ka?" tanong ko.
"Kung hindi siguro ako president ng SSG eh, ako sana ang president ng Dance club." sabi nito, nagmamayabang ang tono.
"Ang yabang mo Kuya umalis ka na nga." si Mau at itinulak na ang kapatid palabas, liningon ako nito.
"See you around, Phoebe." sabi ni Mateo na tinanguan ko lang.
BINABASA MO ANG
Between Us and Our Past
RomanceSabrina Phoebe Dawson Diaz is the princess of a strong and wealthy family. She was known as the heir to the Diaz Empire so her parents sent her abroad to study but her Grandfather seemed to have lost his trust in her so he decided to change his deci...