#1: Panimula

14.7K 112 1
                                    

Ako si Menard L. Dela Fuente, 26 taong gulang, medyo matangkad at medyo maputi, medyo chubby lang ang pangangatawan at pantay pantay na maputing mga ngipin, marami ang nagsasabi na mas lilitaw daw lalo ang pagka gwapo ko kung magbabawas lang ako ng kaunting timbang kasi medyo chubby na daw ako.

Natapos ko ang aking kursong Bachelor of Science in Chemistry sa University of the Philippines na may akademikong parangal na Summa Cumlaude.

Agad agad din akong kumuha ng 18 units sa professional education dahil nais ko talagang magturo maliban sa pagiging isang chemist.

Nang matapos ko na ang 18 units ay agad akong kumuha ng pagsusulit sa LET at sa awa ng Diyos ay nakapasa ako at naging top-1 sa top-10 out of 175,000 examinees na kumuha ng nasabing pasulit.

Agad agad akong nag apply sa mga pribadong paaralan at hindi sa pagmamayabang ay pinag aagawan ako ng mga pribadong paaralan pero syempre mas pinili ko yung paaralan na mataas magpasahod sa kanilang mga trabahante.

Nang dahil sa payak lang yung pamumuhay ko gawa nga ng payak lang yung pamumuhay ng mga magulang ko ay nagtatyaga na lamang akong mag commute pagkatapos ng aking trabaho.

Doon ko nakilala si Nathan Kyle na palaging nagkataon na nadadaanan nya ako sa highway na nag aabang ng dyip na masasakyan.

Sa una ay maraming beses ko na siyang inayawan na sumakay sa kanyang napakagandang motor pero dahil araw araw na niya akong niyaya at dahil hirap na rin akong makasakay ng dyip pag ganoong mga oras ay napapayag din niya ako na sumakay sa kanyang motor.

"Mabuti naman Sir at nahikayat din kita sa wakas na mapasakay sa motor ko... Ay oo nga pala... Ako nga pala si NATHAN KYLE... NATHAN KYLE CATASMALAPOT....ikaw sir, anong pangalan mo? ", tanong niya sa akin habang dahandahan na nagmamaneho ng kanyang motor.

" Ahmmm... tawagin mo na lang akong MENARD...MENARD DELA FUENTE",sagot ko sa kanya habang nakayakap sa kanyang likuran at 6 packs abs na tiyan.

"Nice to meet you Menard... hehehe", nakangiti niyang pahayag.

"Same here Nathan Kyle Catas.... Catasmalapot?.... Hahahahaha", natatawa kong pagkabanggit sa kanyang apilyedo.

"Oh, bakit ka dyan natatawa....hehehehe",nakangiti niyang tanong sa akin.

"Eh paano kasi, sa dinamidami na pweding gamitin na apilyedo ay yan pa ang napili ng lolo mo... masyadong malaswa sa pandinig... Pasensenya ka na sa akin ha... Opinyon ko lang naman iyon", paliwanag ko.

"Ok lang yun... Heheheh.. Oo nga eh, iwan ko ba sa yumaong lolo kong iyon kung bakit iyon pa ang apilyedong napili nya... Hahahaha",natatawang pahayag niya.

"Hayaan mo na lang yan Nathan, eh gwapo ka naman at masarap pa",pagpuri ko sa kanya.

"Eh bakit mo naman nasabi yun eh hindi mo pa nga ako natikman... Hahahaha", natatawa na naman niyang tanong sa akin.

"Adik!... Hahaha... ang ibig kong sabihin na masarap ka ay dahil may 6packs abs ka... So napakaswerte naman ng iyong asawa sa iyo", sagot ko.

"Single na single pa ako noh... Baka ikaw dyan may asawa na... Hehehe", wika niya.

"Single na single pa rin ako noh... Hehehehe", katwiran ko.

Si Menard ay mabait na binata tulad ko, masasabi mong kung ulam lamang siya ay tiyak nabubusog na ako dahil sa nakakatakam niyang kapogihan, super ganda ng katawan na maamoy mo talaga sa kanya ang lalaking lalaking amoy.

Nang dahil sa napapadalas na ang pag aangkas ko sa kanya sa oras ng uwian ay nadevelop ako sa kanya subalit kinimkim ko na lamang ang lahat dahil natatakot ako na baka tuluyan na niya akong lalayuan pagnalaman niya na may lihim akong pagtingin sa kanya.

Mga maiinit na tagpo sa bahay-kuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon