Isang hapon ay mahimbing akong nakatulog. Ginising ako ng aking ina at sinabing may bisita daw ako sa labas.
"Sino daw yung bisita ko Ma", tanong ko habang naghihilamos at nagsisipilyo ng ngipin.
"Si Nathan Kyle", sagot ng ina ko.
Nagulat ako bigla at nagtaka kung bakit siya naparito. "Oi Nathan Kyle, ikaw pala yan",wika ko.
" Oo nga Menard, nabalitaan ko kasi na umiwi ka na raw sa inyong bahay kaya hindi nako nag-aatubi pang pumunta agad dito.... Menard, sana muli tayong magkaayos, hindi ko kayang mawala ka", wika niya sa akin.
"Gusto mong magkaayos ulit tayong dalawa kamo? akala ko ba may nahanap ka ng bagong jowa.. di mo kasi nirereply yung mga text ko sa'yo", sabi ko sa kanya nang mahinahon.
"Sana mapatawad mo ako Menard.... Nilason kasi ni Dave yung isipan ko, sinabi niya na nagtanan na raw kayo ni Gabriel at tumira sa malayong probinsya", malungkot niyang sagot.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat na di ko talaga ginusto ang sumama kay Gabriel.
"Pakana lahat ni Gabriel kung bakit ako napasama sa kanya nang walang kamalay-malay, inaamin ko na nahulog na yung loob ko sa kanya... Oo naging kami nga pero tapos na kami... mag iisang buwan na siyang hindi nagparamdam sa akin, matagal na rin akong nakamove-on kahit pa masakit", malungkot kong wika sa kanya.
"Kung ganun, bakit di natin muling ayusin at ibalik ang naudlot nating pagmamahalan Menard... napag isip isip ko na di ko talaga kaya kapag wala ka sa piling ko... Madalas na akong naglalasing kasama ng mga tropa ko kasi lagi kang hinahanap ng puso Menard", panghihikayat niya sa akin.
"Hmmmmp.... Bweno, kung iyan ba talaga yung gusto mo eh walang problema... tinatanggap ko yung gusto mong mangyari, kahit papaano ay may pinagsamahan naman tayo Nathan at saka... patuloy ka pa rin namang nanatili dito sa puso ko kahit nahulog pa ang loob ko kay Gabriel",pagsang-ayon ko sa kanya.
Labis labis na natuwa si Nathan Kyle sa naging disisyon ko. Napayakap siya ng mahigpit sa akin at naluluha sa saya na kanyang nadarama ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Mga maiinit na tagpo sa bahay-kubo
General FictionAng kuwentong inyong matutunghayan ay RATED SPG, may mga eksena dito na hindi angkop sa mata ng mga kabataan, PATNUBAY NG MGA MAGULANG AY KINAKAILANGAN. Ito ay isang tunay na karanasan ni Menard, isang uliran at baguhang guro na nahumaling sa isang...