Kinabukasan ay masiglang pumunta si Nathan Kyle sa aming bahay. Nais kasi niya akong yayain na maligo sa malinis na ilog nasa likuran lang ng aming bahay ngunit ang distansya nito ay aabot ng 500 metro.
Hindi na ako nakatanggi pa kay Nathan Kyle dahil sa aming pagkakabalikan.
"Hintayin mo ako Nathan at ihahanda ko lang saglit yung mga iilang gamit na dadalhin ko... Hehehe", sabi ko sa kanya nang nakangiti.
"Sige lang Menard... Take your time... Hehehehe", nakangiti niyang turan sa akin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay tinahak na namin ang daan patungo sa ilog, hanggang sa kami ay nakarating na nga doon. Nagpahinga muna kami ng kalahating oras doon sa ilalim ng malaking kahoy saka kami nagpasyang hubarin ang aming mga saplot sa katawan para makalusong na sa malinis na ilog.
Nang tuluyan ng mahubad ni Nathan Kyle ang kanyang mga saplot ay napatitig ako sa kanyang hubad na katawan, tila nangangayat siya ng kaunti pero naroon pa rin yung matipuno niyang katawan at maumbok na maumbok na hararapan.Kaya lang di na katulad ng dati na ubod ng ganda.
"Nangangayayat ka yata ng kaunti Nathan Kyle", sabi ko habang nakatitig sa kanyang dibdib at tiyan.
"Oo nga eh... Paano kasi, buhat ng mawala ka sa piling ko ay nawalan nako ng ganang kumain, palagi nakong naging malungkot at napapadalas na yong pag-iinom ko ng alak kasama ng aking mga katropa... Palagi kitang iniisip Menard gabi gabi bago ako matulog... Ganun kita kamahal", pagtatapat niya.
"Hmmmmp... Pasensya ka na talaga Nathan Kyle kung nang dahil sa akin ay napahirapan ko yang damdamin mo... Hayaan mo Nathan... Babawi ako sa iyo", ang sabi ko sa kanya.
Tuwang tuwa naman si Nathan Kyle sa mga narinig niya sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata at matamis na ngiti ang tunay na kaligayahang kanyang nadarama ng mga oras na iyon.
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at dahan-dahang naglapat ang aming mga labi.
BINABASA MO ANG
Mga maiinit na tagpo sa bahay-kubo
General FictionAng kuwentong inyong matutunghayan ay RATED SPG, may mga eksena dito na hindi angkop sa mata ng mga kabataan, PATNUBAY NG MGA MAGULANG AY KINAKAILANGAN. Ito ay isang tunay na karanasan ni Menard, isang uliran at baguhang guro na nahumaling sa isang...