#25: Si Daphney,ang panibagong kontrabida ng buhay ko

1.6K 18 1
                                    

Muling nanumbalik ang sigla ng buhay ko buhat ng magkaayos kami ulit ni Nathan Kyle Catasmalapot. Nang sumapit ang gabi ay nakatanggap ako ng message ni Nathan.

"Magandang gabi para sa pinakamamahal kong si Menard Dela Fuente.... goodnyt ang sweetdreams, I love you.... Mwah... Mwaah", ang laman ng kanyang mensahe sa text.

"Magandang gabi din sa iyo Nathan Kyle Catasmalapot... takecare and I love you too", reply ko sa kanyang text.

Tanghaling tapat ay nagpasya akong pumunta sa Department Store para mag grocery dahil wala ng laman ang aming refregerator, kaunti lang ang aking binili na grocery dahil malapit nang maubos yung savings ko na galing kay Gabriel na umaabot ng 500,000 pesos,ganon ako kamahal ni Gabriel pero nasaan na siya, bakit hindi na siya nagpaparamdam sa akin,mga katanugan kong ang hirap sagutin.

Nakaramdam ako bigla na kumakalam na yong sikmura kaya pagkalabas ko ng Department store bitbit ang kaunting grocery na binili ko ay naghanap agad ako ng foodcourt, di naman ako nabigong makahanap ng foodcourt at iyon ang ang Mcdonald.

Agad-agad akong pumasok at umorder, inilapag ko ang sa mesa ang pagkain. Habang kumakain ako ay natapunan ako ng softdrink sa aking dibdib ng isang Dalaga na ubod ng seksi.

"Hahahahaha... sorryyyyy", sabay alis na sana patungo sa mesa kung saan naroon ang dalawa niyang kaibigang babae na tumatawa habang nanood sa aming dalawa pero siya ay natigilang humakbang nang galit akong nagsalita sa kanya.

"Bastos ka Miss ah! .. is that the way you apologize towards a certain person? Oh, where is your manner by the way, and besides, ur just showing your being uneducated with bad manner, pweh!", galit kong naisaad sa kanya.

"Wag mo nga akong ma ingles ingles dyan Sir Menard Dela Fuente, hindi porket nakapagtapos ka ng kolehiyo na may napakataas na karangalang natamo ay ganyan kana kayabang... Anyway I am Dahny Maharot, ang babaeng inagawan mo ng boyfriend kaya nababagay lang yan sayo",sabay alis at umupo sa mesa na kinauupuan ng kanyang dalawang kaibigan na mukhang bruha. Nagtatawanan silang tatlo habang tumitingin sa aking kinaroroonan.

"Nais ko pa sanang sugurin siya kaya lang pinagtitinginan na ako ng mga taong naroon sa loob ng Mcdonald kaya hindi ko na inubos ang pagkaing nasa mesa sa halip ay mabilis akong lumabas sa Mcdonald na baon baon ang pagkakapahiya na ang may pakana ay si Daphney.

Mga maiinit na tagpo sa bahay-kuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon