#18: Paglisan

2K 26 1
                                    

Nang lumabas na ang Doctor na umieksamin kay Gabriel ay sinalubong agad siya ng desenting babae na may edad na at saglit silang nag-usap nang bigla na lamang sumigaw sa iyak ang nasabing babae kaya nasisiguro kong masamang nangyayari kay Gabriel. Pumasok na ang babae sa loob ng silid kung saan naroon si Gabriel at humagolgol ito sa pag-iyak.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin ako at doon sa silid mismo ay nakita ko si Gabriel na kinumutan ng puting kumot mula paa hanggang ulo, agad agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sabay iyak ng malakas.

"Gabriel..... Gabriel.... Bakit mo ko iniwan.... Huhuhuhu.... Huhuhu... Ang daya daya mo naman...huhuhuhu....di ba marami pa tayong pangarap sa buhay.... Gabriel.... Gabriel.... Gumising ka Gabriel..... Huwag mo kong iiwan", nang bigla na lamang akong niyuyog ng malakas ni Gabriel sa aking tabi na siyang ikinagigising nang biglaan kasabay ng paghangos nang malakas. Mabilis na bumangon si Gabriel at kumuha ng isang basong tubig.

"Inumin mo tong tubig babe, tila ang sama sama ng iyong panaginip ah... Iyak ka ng iyak at sigaw ka ng sigaw ng aking panaginip... Hehehehe.. Ano ba yung laman panaginip mo babe at nagkaganun ka? ", tanong niya habang iniaabot niya ang isang basong tubig sa akin.

" Oink.... Oinnnnk... Oinnnnk", tunog ng tubig na ininom ko.

Tama ka babe... Ang sama sama ng aking panaginip, nabaril ka daw ni Dave dahilan kung naging critikal yung sitwasyon mo sa hospital hanggang.... ", hindi na natuloy kong pahayag dahil sumapaw si Gabriel sa aming usapan.

"Hanggang sa natigok ako.... Hahahahahaha... Kaya ka pala umiiyak nang umiiyak at isinisigaw mo ang aking pangalan", natatawang pahayag niya sa akin.

Kinabig niya ang aking ulo at pagkatapos ay niyakap niya ako. Sabay sabing" Masyado mo kasing sinariwa yung mga ikinukwento ko kay Dave kaya tuloy ay nananaginip ka ng masama... Kalimutan mo na iyon babe at bumalik na tayo sa pagtulog".

Hinalakan muna niya ako sa noo at saka siya bumalik sa pagtulog. "Matulog ka na ulit babe... Ok!", utos niya nang mahinahom.

Mga maiinit na tagpo sa bahay-kuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon