#34: Malagim na Pangyayari.

1.1K 14 1
                                    

Sa aking pagdilat ng aking mga mata ay madilim pa rin ang buong paligid at ito ay dahil nakapiring ang aking mga mata habang nakagapos naman ang aking mga kamay.

Ang tanging naalala ko lang ay may pumasok na isang lalaki sa aking silid kagabi na naka ninja at bigla na lamang sinutok ang sikmura ko kaya nawala ang malay ko. Bigla na lamang nagsalita ang boses na pamilyar sa aking pandinig. Boses ito ni Dave at isang Babae.

Dave: Hindi nyo ba pinakain itong mga bihag natin?

Tauhan#1: Oo bosing, sinunod po namin ang utos mo.

Tauhan#2: Bosing, ano bang sunod nating gawin sa ating mga bihag?

Tauhan #3: Oo nga naman bosing, ano bang plano mo sa kanila?

Babae: Hon, iligpit na lang natin itong tatlo na ito, nakapaghigante na naman tayo sa kanila.

Dave: Huwag kang mag-aalala mahal kong Eustakia, mamaya lang ay mawawala na sila sa ating landas...hahahaha.

Gabriel: Pakawalan mo kami dito Dave, wala kang awa, isa kang hayop, pati ibang tao ay dinadamay mo sa iyong paghihigante,pakawalan mo kami dito.

Eustakia: Hoy hangal, tumahimik ka nga dyan at baka pag di ako nakapagtimpi ay mabaril pa kita dyan.

Doon ko lang napagtanto na ang babaeng boses pala na iyon ay kay Eustakia, ang dating x gf na Gabriel.

Nang sumapit na gabi ay kinalagan na kami ng pagkakagapos at inalis na ang piring sa aming mga mata ayon na rin sa utos ng kanilang boss.

Dave: Hoy kayong tatlong mga hanggal, makinig kayo, kayong tatlo ay aming pakakawalan sa isang kondisyon, bibilang ako ng 10,kailangang makatakbo at makatakas kayo ng mabilis dahil pagkatapos ng sampo ay pagbabarilin namin kayong tatlo.... Hahahaha.

Bumilang na si Dave ng 1 isa kaya kumaripas kaming tatlo sa pagtakbo, nang 100 metro na ang layo namin sa mga tauhan ni Dave ay siya namang hiling bilang ni Dave ng 10.

Kaya pinagbabaril na nila kami at buti na lang ay pazigzag ang pagtakbo naming tatlo kaya wala ni isa ang nabaril sa amin hanggang na corner na kaming tatlo dahil isang malawak na ilog ang nasa harapan namin na nasa ibaba.Kaya para makatakas ay napagpasyahan naming tatlo na tumalon sa ilog.

Gabriel: Menard, Nathan, sumunod kayo sa akin sa pagtalon ng ilog.

Nakatalon nga kaming tatlo subalit dahil sa pagod at gutom na nadarama ko ay nawalan ako ng malay at sa halip na sa ilog ako babasak ay gumugulong gulong ako at napunta sa maliit na sapa na napapaligiran ng makapal na damo. Inilawan ng flashlight ng mga tauhan ni Dave ang buong paligid para hanapin kami at pagbabarilin, mabuti na lamang ay di nila ako nakita.

Tauhan #1: Wala na sila dito.
Tauhan#2: Oo nga eh... Malamang nalunod na ang tatlong iyon.
Tauhan#3: Tayo na mga pare, sabihin na lamang natin sa ating boss na natigok na ang tatlo, na nalunod na sila sa malalim na ilog... Hahahahaha.

Kinaumagahan ay bumalik na aking malay at ng idilat ko ang aking mga mata ay nasa lumang bahay kubo na ako na nakahiga sa kama na yari sa kawayan.

Mga maiinit na tagpo sa bahay-kuboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon