kabanata 10

414 12 0
                                    

Andito kame ngayon sa Rooftop ng Dean's office. Dito kame palagi kumakain ng lunch at madalas dito ako nagpapahangin upang makapag-isip isip. Wala namang issue nito kay Dean. Sa totoo pa nga siya ang nag suggest sakin dito nung makita niya ako na nakahiga sa Garden.

"Curious ako sa nangyari kanina. Magkwento ka nga" sabi ni Euna habang sumubo.

Linunok ko muna yung pagkain sa bibig ko saka nagsimula magkwento.

"Kung may maayos sa magandang usapan, ayusin. Hindi yung nauuwi kayo sa gulo.
Iba ang trip ng mga yun. Humingi ako ng paumanhin sakanila pero sinabi nilang tatanggapin lang daw nila yun kung mapapatamaAn ko sila. So i have no choice kundi saktan sila ng pisikal. Patas lang kame dahil lumaban din sila. At sa huli, naayos na rin at saka sabi pa nila Kasali na daw ako sa grupo nila na hindi ko naman pinahintulutan. Yun lang" Paliwanag ko. Kung ang gulo ay maayos sa magandang paraan huwag na niyo na saktan ng pisikal ang isa't isa.

Pagkatapos naming kumain ay pina-una ko na ang dalawa at dumito muna ako.

Naalala ko palang di ko pala napuntahan si Domenic at Rohan sa Detention. Bukas ko nalang sila ipapatawag.

Bumili muna ako ng icepop sa canteen at bumalik na ako ulit sa rooftop saka tinupi yung blouse ko at kita ko ang medyo malaking pamamaga nun, ito ang sanhi ng pagharang ko sa sipa ni Gernan na tatama sa ulo ko. Saka ko nilagay ang icepop. Napapangiwi nalang ako.

Masasabi kong malalakas ang Apat. At may alam din sila ng Karate kaya nahirapan ako. Mabuti nalang at ito lang ang natamo ko.

(Bogghhssh!!!)

Agad ako'ng napatingin sa pinto ng bumukas nalang ito bigla saka bumungad ang isang lalaki na habol ang hininga. Saka napasuklay sa buhok at ang isang kamay ay sa beywang nito at kagat labi na naglakad papalapit sakin.

Timing! Kung kelan ayokong nakikita ako ng iba na nagkakaganito saka pa ito dumating. Ang malala pa nito ay ang lalaking si Neiji!!

Umupo ito sa harap ko saka kinuha yong icepop na hawak hawak ko at hinawakan ako sa braso't siya na ang naglagay nung Icepop.

"You're always made me Mad and worried at the same time"

Anu daw? Teka nga lang. Palagi nalang ito ang nagdedesisyon sa sarili at di manlang ako tinanong kung papayag ba ako na siya na ang maglagay ng icepop sa braso ko.

Babawiin ko na sana yung braso ko ng diinan niya ang pagkakakapit dito kaya napa tili ako ng wala sa oras.

"Aray ko! Pwede ba! Umalis ka na lang, kaya ko na to. Salamat" sabi ko pero hindi ito natinag at pinagpatuloy ang ginagawang paglagay nung icepop.

Tinignan ako nito na para bang pinapabasa niya sakin---- hindi, may pinapaintindi siya sakin na Ayokong malaman.

"And you're Always pushing me away prez."

Hindi ko kayang makita ang mata niya na nagkakaganyan kaya bago ko pa tanggapin ang pinaparating nito ay iniwas ko na ang tingin ko saka pinabayaAn na siya sa ginagawa niya.

Alam na alam ko ang sinasabi niya at gusto niyang iparating. Pero sadyang ayoko lang na tanggapin ito.

"I know that you  already know why I'm being like this. And I'm begging you to don't deny-----"

Tumayo na agad ako bago pa niya matapos ang sinasabi.
Alam kong masama ang ginawa ko pero ni pagkakaibigan nga di ko maibigay sakaniya ang hinihiling niya pa kaya.

Inayos ko na ang sarili ko upang umalis.

"Tumayo ka na jan. Salamat" saad ko saka nauna ng umalis.

Dali dali ako'ng pumunta sa opisina namin at sinara ang pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko at kahit alam ko kung ano'ng rason ng pagkakatibok na mabilis nitong puso ko ay tinanggal ko nalang ito sa isip ko.

There's no way Georgia Paz Quimby. NO WAY.

_________________

Quarter 6:29 pm na at andito parin ako habang tinatrabaho ang lahat ng test ng nag exam.

Nag text din ako sa bahay na hindi muna ako makaka-uwi ngayon.

899 score. Kinuha ko ito sa machine saka nilagyan yung score saka nilagay sa kahon dito sa right side ko. Sa left side kasi ay ang mga failed habang sa right side naman ay ang mga naka passed.

Tinawagan ako kanina ni Dean at sinabing ibaba ko raw ang passing score sa 730 at yun naman ngayon ang ginagawa ko.

Kahit mag-isa lang ako dito ay hindi ako nakakaramdam ng takot. Sanay na rin naman ako eh. At saka ako yung tao na hindi naniniwala sa mga multo. At kung totoo man sila ay hindi ka naman nila mahahawakan kaya keri lang.

"Prez..." Napapikit ako ng mata kasabay nun ang paghinga ko ng malalim.

Bakit hindi pa umuuwi ang isang ito! Class hour is over. Di bale ipapadala ko siya sa detention room kasam nung dalawa, total magkakaibigan naman sila.

Ramdam ko na papalapit ito sakin at saka ito komportableng naupo sa  gilid ko.

Alam ko na kahit hindi ako nakatingin ay tinititigan ako nito.
Kung sorbetes lang ako kanina pa ako tunaw dito sa kinatatayuan ko.

"Huwag ka mabibigla kung kasama ka sa ipapatawag ko sa detention room" saad ko rito habang  nakikinig lang ito.

"No problem prez" sige lang, hindi ako magsasawa na kundi sa detention ay sa disciplinary room kita pinapadala.

"You're Avoiding me this last few days." Napahigpit ang kapit ko sa machine at bumibigat na rin ang paghinga ko.

Kung napansin niya yun, ede dapat ay hindi na niya ako pinapansin at siya na ang kusang iiwas saakin!

"Busy lang ako't isa pa, sa dami dami ng tao dito sa school ay talaga namang di mo ako makikita." Saad ko rito saka kinuha yung test at nilagay sa right side ulit saka ako ulit naglagay.

"Definitely right! And you're also worried to people to the point na ikaw ang mapapahamak and you didn't even think that someone is going insane cause of being worried to much" hindi ko alam kung matutuwa ako sa pinagsasasabi niya.

Nahihimigan ko rin sa boses niya na para bang iba ang ibig sabihin niya sa sinabi niyang "Definitely right!"

"Ginagawa ko lang ng trabaho ko ng maayos-----"

"To the point na kahit masaktan ka basta huwag lang iba? Isn't it too selfish prez?"

Wala na. Na inis na ako ng tuluyan. Hinarap ko ito at di ko pinahalata ang pagkabigla ko dahil sa pagkakasalubong ng makakakapal niyang kilay at ang mga mata nito ay nag-liliyab na anytime ay bubugahan ako nito ng apoy.

"Anong pinapalabas mo?" Tinapangan ko ang mukha ko at nakipagtitigan sa nagliliyab nitong mata. Hindi nagtagal ay umamo na ito saka tumayo at inayos yung necktie nito kahit hindi naman tabingi.

"Nothing... Take care" sabi nito saka ito naglakad papalabas. Nakahinga naman ako ng malalim ng dahil duon.

"Always remember..... YAM PREZ. And....






Gòa chìn siāu-liām Lī."

Rinig ko pang sabi nito bago tuluyang isara ang pintuan.



Anong sinabi niya?????


-------------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon