[Georgia Point Of View]
"Prez..."
Nagising ako sa isang boses na tumatawag saakin kanina pa.
Gustong gusto ko pa sana matulog ngunit naisip ko yung naiwan kung trabaho sa office.Minulat ko ng dahan dahan ang mga mata ako at bumungad sakin ang ceiling na kulay puti.
Nasan ako? Ang alam ko ay nasa labas ako malapit sa court at Aalis na sana ng mahilo ako saka mabingi at nawalan ng malay.
Tama! Nawalan pala ako ng malay.
Ilang segundo pa muna akong nakatitig sa ceiling ng bigla nalang mag-iba ang nakikita ko dahil embes na ceiling ay isang Gwapong mukha dahilan ng pagtibok ng puso ko.
Teka nga lang muna. Tila pamilyar sakin ang mukha. Bakit kamukha niya si Neiji?
Namamalikmata lang ata ako. Pinikit ko ulit ang mata ko saka dinilat pero si Neiji parin ang nakikita ko.
"How are you feeling prez?"
Si Neiji nga!!
Dahil sa gulat ay agad akong bumangon dahilan ng pagkaka-untog namin sa isa' isa.
Agoooyyyy....
"Aw! Goodness gracious!" Bulalas ni Neiji habang nakahawak sa noo niya.
Agoooyyy... Ang sakit ng pagkakauntog ko.. Ang tigas ng ulo nito. Hinimashimas ko ang nasaktang noo saka tumingin sa paligid.
Nasa clinic pala ako.
Bakit andito to?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito habang tinutupi nito ang sleeves niya hanggang siko.
"Isn't it obvious? Binabantayan kita" sagot nito.
Sa dami dami ng kilala ko dito ay bakit ikaw pa ang nagbantay sakin.
Alam kaya ni Emma at Euna ang nangyari sakin? Segurado akong kapag nalaman nila ay sesermunan nanaman nila ako lalo na si Euna. Siya ang tumatayong ate naming apa't. 5th year college na ito. Kame naman ni Emma ang mag ka batch.
"Hindi ba pumunta si Emma at Euna dito?" Tanong ko bigla.
Agad akong napatapik sa noo ko ng maAlala na hindi pala kilala ng lalaking ito ang dalawa. Naapektuhan ba ang pag-iisip ko?. Haynakuuu....
"They did. Emma is the one who had a wavy short hair right?"
Tumango naman ako.
"And Euna had a long but curly hair?"
Tumango ulit ako. Pumunta talaga ang dalawa pero bakit hindi sila ang nagbantay sakin? Ah baka may klase sila.
"I already meet them lately."
Oo na. Nakilala mo na sila. Ano naman kung gayon?
Mag-iilang minuto na ba ako rito?.Anong oras na ba?
"5:32 pm" napatingin naman ako rito sa sinabi niya.
Hindi ko naman siya tinatanong pero bakit alam niya ang laman ng isip ko?
Teka! Don't tell me na mind reader na pala ito?
Waahhh!!! So All this time alam niya ang nasa-isip ko?!
"I'm not a mind reader prez, let's go, i'll drive you home" sabi nito saka tumayo.
Mabuti naman kung ganon dahil pag-nagkataon hinding hindi na ako magpapakita sayo dahil sa hiya.
Pumunta muna kame sa SSG office saka kinuha yung bag ko at saka dumaan din kame sa locker room ng mga babae upang kunin ang uniform ko, andun pa naman yung cellphone ko sa bulsa nung skirt.
Pagkatapos ay ayoko namang iwanan dito ang bisekleta ko kaya sinabi kong huwag na ako nitong ihatid. Ngunit kinuha niya ang bisekleta ko at nilagay sa second seat. Mabuti naman at nag kasya duon. Nadumihan tuloy ang kotse nito.
Habang nagmamaneho ito ay nakatingin lang ako sa labas at hindi umiimik.
"We're friends already. I don't care if you like it or not" bigla nalang nitong sinabi na kamuntikan ko pang tawanan.
Friends? Well.... Okay lang naman. Sa ugali niya ay para lang kaming magkaibigan. Kagaya nalang ngayon na ito ang nagbantay sakin at nagmaneho pauwi.
Mabuti na rin kong friends kame,
Pagod na rin akong mainis rito.Pagdating namin sa tapat ng bahay ay lumabas na ako at si Neiji na ang bumaba ng bisekleta ko pagkatapos ay hinarap ako.
"Take a rest prez. See you tomorrow" saad nito at bago pa makapasok ng tuluyan sa loob ng kotse niya ay tinawag ko ang pangalan niya.
"N-Neiji! S-salamat pala ulit" ayokong makita niya ang mukha ko na nahihiya kaya tinalikuran ko na ito.
"Pfft.... Always welcome prez"
Rinig ko pang sabi nito at pagpasok ko ng gate namin dala ang bisekleta ko ay ang pag-Alis rin ng kotse nito.
_________________
Kakadating ko lang sa office galing sa Detention room. NatatandaAn niyo ba yung dalawang nahuli ko na lumabag sa patakaran ng school? Ang isa ay si Mr.Yamuri at si Mr.Hans yung kasama nito.
Nilagay ko si Mr.Hans sa detention room ng 2 hours sa pagkakasala nang hindi nito pagpigil o pagsuway kay Mr.Yamuri na mag yosi kahit na alam naman niyang bawal. Habang si Mr.Yamuri naman ay pinasama ko sa disciplinary room upang ituro ni Ms. Gomez ang fifty-five rules and regulations. At sinabi kong bigyan ito ng isang oras na pag-aralan niya lahat yun pagkatapos ay ipa recite at tanongin ito.
"Pres... I'm very very sorry... Tatanggapin ko kung anong ipaparusa mo sakin" nabigla ako kay Jason ng sabihin nito sakin ng maupo ako sa swivel chair dito sa SSG office. Ngayon ko lang din siya nakita simula kahapon. Nalaman ko na pinuntahan nila ako sa Clinic at kaninang umaga lang ay dinumog ako ng kasamahan namin saka kinamusta. Sinabi din nilang nagtrabaho nalang sila embes na bantayan ako dahil Alam naman daw nila na ayaw na ayaw ko na pabayaAn ang trabaho dito kahit na regarding pa sakin. At sinabi nilang si Jason na dapat ang magbabantay pero pina-ubaya nalang ako nito kay Neiji. Tsk..
"Hindi ko na gusto pang marinig ulit ang pag-sosorry mo Jason. Besides wala ka namang ginawa sakin na masama. Huwag ka sakin humingi ng tawad kung hindi naman malala ang kasalanan mo. Besides trabaho natin lahat to, responsibilidad natin to kaya walang ibang masisi dito. Nagkakalinawan ba tayo?" Na sa baba lang ang tingin nito saka lang ako tinignan ng hawakan ko ang balikat nito at saka ko lang din napansin ang sigat nito sa ibabang labi.
"Anong nangyari diyan?" Seryosong tanong ko rito pero inilingan lang ako.
"Halika, gamutin natin yan" saad ko ulit rito.
"Nagamot ko na pres. Salamat" nakahinga naman ako ng malalim saka napangiti ng makitang nakangiti na ulit ito.
Palaging nakangiti si Jason kaya nag-Aalala ako. Ayoko pa naman itong nalulungkot lalo na kapag ako ang dahilan. Para ko na rin siyang kapatid kaya mag-Aalala talaga ako.
Pumalakpak ako upang kunin ang atensyon nilang lahat.
"We have a task to do tomorrow around 10 am. May malaki tayong surpresa sa lahat ng org." Nakangisi kong saad.
Let's see kong sino pa ang lumalabag sa patakaran ng school, patalikod. Bwahahahaha......
----------------------
Vote!
![](https://img.wattpad.com/cover/231270171-288-k473264.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are Mine Miss President
عاطفية"No matter who you are or where you came from, If you work hard and play by the rules, you should have the opportunity to build a good life for yourself and your family."_ Goergia Paz Quimby. " I could spend hours on that question. But suffice it to...