Kakalabas lang ni Ma'am Suzanne matapus namin e' submit ang 500 items na quiz, mabuti naman at kahit papaAno ay naka sagot naman ako."Okay ka lang ba Jason?" Tanong ko rito.
Kanina ko pa kasi napapansin na wala siya sa sarili niya. Nakatulala pa ito sa papel niya kaninang nag quiz kame. Kundi ko lang ito siniko ay hindi siya mababalik sa huwesyo.
"President...... Wala bang sinabi si Michelle sayo?"
Huh? Bakit? May dapat bang sabihin sa akin si Michelle?
"Wala naman, bakit?"
Napapa-iling si Jason habang nakakagat sa ibabang labi niya at pansin ko sa mga mata niya ang pamumula nun.
Ano bang nangyayari sa kanila?! Akala ko ba okay na sila nung pa welcome namin sa freshmen?!
"S. S-she's t-t-taken"
ANO?!? Akala ko ba walang boyfriend si Michelle?! Tinanong ko pa nga siya at ang sabi niya ay wala naman daw. O baka, tinago niya lang sa akin at nahiya itong aminin ang totoo.
"A-akala ko, wala siyang ka relasyon----- Paano mo naman nasasabi yan?, sinabi niya sayo?" Tanong ko ulit.
"H-hindi ko na siya dapat tanongin pa dahil kitang kita ng dalawang mga mata ko ang paghatid niya kay Michelle ngayong umaga."
Tinapik ko na lang ang likod ni Jason saka hinagod. Baka naman hindj niya iyon ka relasyon? Pero ngayon ko lang na laman na may humatid sa kaniya. Palagi naman, pero driver nila iyon. O baka naman yun yung driver nila?----- Ah basta! Tatanongin ko na lang mamaya si Michelle.
"Come on Jason, baka na misunderstand mo lang--- gusto mong sumama sa amin mag Lunch?" Nakangiting tanong ko.
Tinignan naman ako nito saka ngumiti lang siya ng slight.
"Salamat na lang pres, baka maka-istorbo ako sa inyo------ ayon na pala yung sundo mo" saad niya at ngumuso sa labas.
Tumalikod na ako at nakita ko si Neiji na hinihintay ako. NagpaAlam muna ako kay Jason at pinuntahan si Neiji na naka kunot ang noo.
Hahaha nagseselos na naman ata ito. Masyadong seloso.
Pagkalapit ko ay hinawakan ko ang dalawa niyang kilay at pina tuwid.
"What are you doing?"
"Wala lang. Matagal ko na kasing gusto hawakan ang kilay mo" saad ko rito at napangiti na lang ako ng iniwas nito ang tingin niya.
Nahihiya nanaman ba ito?
"Let's go" sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko.
As usual, marami ang studyante na nakatingin sa amin. Masasanay rin sila.
Pagdating namin sa rooftop ay meron ng nakahanda na dalawang tag five layers na lunch box.
NatatandaAn ko pa nung hilain ako nito dito sa oras ng trabaho ko. Nakakahiya dahil ako ang mas malaki ang nakain at na ubos ko na rin. Waaaaaaahhh..... Baka iniisip niyang matakaw ako kaya dinalawa niya ang lunch box? Amp........
Umupo na kame sa lapag at saka niya binuksan ang Lunch box.
Waaaaaaahhhhh!!!!!!!! Ang gaganda ng pagkakagawa nung sushi!!! Meron ding fried chicken, fried rice, omelette at iba pa!.
Baka tumaba ako nito ng wala sa oras.
"Wow! May chief ka ba sa condo mo?" Tanong ko rito. Na sabi niya kase sa akin na naka condo daw silang tatlo nina Domenic nung time na naAmin ko sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Nakakahiya...
"I cook this for you"
Natigil ako sa pagnguya sa sinagot nito at saka sumubo ng sushi habang naka ngiti.
Ako bay pinaglololoko ng lalaking ito?
"Huwag ako, iba na lang Neiji" saad ko saka sinubo yung isang sushi at napapangiti na lang ako sa sarap nito.
Waaahhh!!!! Ang saraap talaga. Di bale, balang araw ay gagawa rin ako ng ganito.
"I'm telling the truth Yam. I'm also the one who cook the first time we ate here together"
TOTOO?!? WOW! nahiya ako sa cooking skills nito.
Uminom ako ng tubig saka ko tinapik ang braso niya at nag thumbs up na kinatawa niya.
M-may i gagwapo pa pala ito. Para itong anghel na bumaba sa lupa at seguro kung may nakakakita sa kaniyang ibang babae ay baka maglumpasay na ito sa kilig.
Delekado.
"HaHaHa--- sorry. It's just that---- i can't stop myself from laughing, and I'm always like this when it comes to you"
Iniwas ko ang tingin ko rito dahil alam ko sa sarili ko na namumula na ako ngayon. Juicecolored! Mas lalo akong mahuhulog sa lalaking ito. Natatakot ako.
Kita ko sa gilid na mata ko ang pagkuha nito ng litrato sa akin kaya hinarap ko ito at nag peace sign na kina tawa nanaman niya.
Aba! Hindi ako papayag na kuhanan niya akong naka side view lang, hindi makikita ang ganda ko. Bwahahahaha......
Dahil sa ginawa ko ay napag pasyahan naming kumuha na muna ng maraming maraming litrato. Pa iba iba pa ang mukha ko dahil minsan ay naka pout ako, naka wacky, naka sad face, naka ngisi at kung ano ano pa habang siya naman ay nakangiti lang.
"Akin na, ako nanaman ang hahawak" saad ko, saka niya binigay sa akin ang phone niya. Nahiya naman yung selpon kong cherry mobile.
Tinapat ko ang front camera sa amin at saka ako ngumiti at pinindot yung selpon at saktong hinalikan ako nito sa pisngi.
Naiilang akong tinignan ang litrato namin at namula nanaman ang pisngi ko dahil Malaki ang ngiti ko sa camera at si Neiji naman ay nakangiti rin pero nakadikit ang labi niya sa pisngi ko.
"I Love you so much Yam..." Bulong niya sa akin na kinatingin ko rito. Nakatingin rin pala sa litrato namin.
Nginitian ko lang ito saka ginunulo ng ka unti ang buhok niya.
"Ang sweet naman ng Boyfriend ko..." Saad ko rito na mas lalong kinalaki ng ngiti niya at niyakap ako. Tinignan na lang namin ang lahat ng picture's sa selpon niya at ngayon ko lang na laman na halos Stolen shot ko ang nanduon, sa pagkakaAlam ko ay ito pa yung mga panahon na kina-iinisan ko siya.
At tuluyan na nga akong nahulog sa malalim nitong pagmamahal. I never thought na matagal na pala niya talaga akong gusto. Hindi ko alam kung ma-iiyak ako o matutuwa pero sa mga oras na ito ay Ayaw ko ng pakawalan pa siya.
Mamahalin kita sa lahat ng makakaya ko Loenard Neiji Sternberg. At hinihiling ko sa diyos na sana ay walang mag-bago.
________________
Vote!
BINABASA MO ANG
You Are Mine Miss President
Dragoste"No matter who you are or where you came from, If you work hard and play by the rules, you should have the opportunity to build a good life for yourself and your family."_ Goergia Paz Quimby. " I could spend hours on that question. But suffice it to...