kabanata 15

327 10 0
                                    

Nakakahiya mang sabihin---- ako ang naka-ubos sa dala nitong pagkain. Eh sa masarap kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na ubusin lahat iyon.

Nandito parin kame sa rooftop at kasalukuyan kame namamahinga. Ako na ang nag-ayos nung Lunch box para kahit papaAno ay may na-itulong ako hindi pwedeng kain lang.

Nakahiga lang ako habang nakaunan sa dalawang braso ko at si Neiji naman ay nakahiga patagilid sakin habang naka-unan din sa isa nitong braso.

Aaminin ko na kanina pa ako ilang sa mga tingin nito lalo pa't ang gwapo nito. Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay nakikita ko parin siya sa gilid ng mata ko.

Pinagmamasdan ko ang mga ulap sa langit na pa-iba iba ang guhit. Kanina ay dragon ang guhit pero ngayon parang tao na nakalahad ang kamay.

"Prez... Am i hard to be loved?" Biglang tanong nito na halos ikatawa ko.

Sa dami dami ng masasabi ay pinili pa nito na magtanong at sa dami rin ng tanong, bakit iyan pa?!.

Gusto ko nalang na tumayo at bumalik na para hindi ko na masagot ang tanong nito.

Yun na nga ang gagawin ko pero ulo ko pa lang ang na-iangat ko nagsalita na ito.

"Don't try to make excuses prez, and just answer my question"

Na pa higa ako ulit ni hindi ko siya tinignan. Alam kong matalino ako at madali lang ang tanong niya pero bakit hindi ko masagot?!

Bakit mabirap mahalin ito?
Mahirap nga ba?!!

Umubo ubo muna ako kunyari saka napasuklay sa buhok gamit ang kamay ko at tinignan ito na seryoso lang ang mukha.

Tumingin ulit ako sa langit at sinagot ang tanong nito na sa tingin ko ay tama.

"Depende yan sa tao Neiji"

"How about you?" Hindi ba maka gets ang isang ito na ayaw ko na sagotin ang tanong nito?!

Putragis naman oh!

Napapakunot ako sa aking noo at medyo pinagpapawisan din ang kamay ko. Saka ito sinagot.

"Para saAkin ay Hindi. Hindi ka naman mahirap mahalin dahil na sa iyo naman ang lahat ng gusto nang isang babae. Bunos na yung Kagwapuhan mo, Katalinuhan at Anak mayaman ka rin."  Mabuti naman itong tao pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa ugali niya.

"Are you saying that You love me prez?"

Halos mabingi ako sa sinabi nito na agad kong kinaupo at hindi makapaniwalang tinignan ito na ngayon ay malaki na ang pagkakangisi.

"A-a-anong sinabi mo?!------huh! Ni pagkagusto nga sayo wala ako nun, mahalin pa kaya?? Nahihibang ka na ata!" Wala sa sariling naibulalas ko sakaniya.

At gusto ko na lang na sabunotan ang sarili ko at bawiin ang na sabi ko dahil nakita ko ang sakit sa magagandang asul nitong mga mata.

"N-neiji Sor-------"

"I get it prez. Thank you for your honest answer" sabi nito at nginitian ako na hindi man lang umabot sa mata nito.

A-anong ginawa ko? Nasaktan ko ba ito o namamalik mata lang ako kanina?

Isang Leonard Neiji Steinberg masasaktan ? Ako ata itong nahihibang eh. Ito nga ang nagpapa-iyak ng girls eh. Balita ko rin na marami rami ng ex girlfriends ito na iniiwan niya lang sa ere.

Psh... Imposible!

"M-ma-uuna na ako sa iyo---- salamat pala sa pagkain at saka paki sabi na rin sa nagluto na Ang saraaap nito magluto." Nakangiti kong saad dito saka tumayo at pinagpag ang sarili ko at umalis.

Sa locker na ako dumeretso para magpalit ng uniform pagkatapos ay pupunta na sana sa office pero nakabanaag ko si Harry na nagmamadali sa paglalakad at mukha atang di ako napansin.

Pagdating ko ay agad akong umupo at tinapos yung trabaho na na-iwan dito sa lamesa ko.

6:12 pm na ng matapos ako at halos hindi ako makatayo ng maAyos dahil sa ilang oras na pagkaka-upo.

Agooyyyy..... Ang sakit ng tuhod ko.

Inikot ikot ko ang dalawa kong paA saka tumalon talon at sumipa-sipa hanggang sa maibsan ang sakit ng tuhod ko. Lima lang kame ang natitira dito dahil umuwi na ang kasamahan namin.

Hayy... May report pala kame kay Mrs. Dizon, History teacher namin. Ngayong gabi ko na iyon gagawin pagdating ko sa bahay.

NagpaAlam na ako sa kanila at umalis na.

[Rohan Point Of View]

Medyo madilim at nakakabingi ang music dito sa Bar ng pamilya ni Pareng Shwe. Kanina pa kame dito nung 3 pm at 7:35 pm.

Nung nasa school pa kame ay nahirapan kame sa paghahanap kay Pareng Leo. 5th year college na kame pare-pareho ng schedule dahil sinabi ko kay Mama na huwag kame paghihiwalayin. <wink>

May sasabihin ako sa inyo pero secret lang natin ha?. Ahmm.. Ahmm...

Kahapon kasi ay bumisita kame ni Pareng Shwe sa condo ni Pareng Leo at HulaAn niyo kung anong ginagawa nito.

Nagluluto lang naman si Pareng Leo na kinagulat namin ng husto! That's the first time na nagluto ito habang nakangiti. Inlababo ang pareng Leo at ang worst ay sa malakas pa kesa sa Tigre! Na walang iba kundi si Miss President!! Nalaman namin iyon noong one time na nawawala nanaman ito. Tinawagan kasi kame ni Tita Alice na tignan kung naka-uwi na ba si pareng Leo sa sarili nitong Condo at dahil magkakatabi lang ang Condo naming tatlo ay pinuntahan ko ito at kusa ko nang binuksan. Alam naman namin ang pass code ng isa't isa kaya nakapasok ako. At wala siya sa lungga nito at di ko na ginising pa si Pareng Shwe dahil baka sakalin ako nun, hindi dapat ginigising ang isang iyon, delekado. Nag drive ako nung gabing iyon at bumalik sa school at halos halughugin ko na ang buong school at nakita ko na may ilaw sa SSG office at pumunta naman ako duon at Hindi ko Alam kong Tatawa ba ako ng malakas o Makakaramdam ng Awa nang makita ko si Pareng Leo na nakaupo sa lapag habang ang isang kamay ay nakapatong sa tuhod nito at nakasandal sa pinto. Sinilip ko kung sinong tao sa loob at nakita ko si Miss President na nagtatrabaho. Grabe! Hanga ako sa sipag nito. Tatawagin ko na sana nun si pareng Leo pero naka lagay ang hintuturo nito sa labi niya na nakatingin sakin at senenyasan akong umalis kaya no choice. Napapailing akong umalis duon.

Uhugin palang kame ay magkakasama na kameng tatlo at hindi ko ma-ikokompara ang Leo noon at Leo ngayon. Dahil malaki ang pinagbago nito.

Noong elementary kame ay halos kame lang ang nag-uusap ni Shwe at ni hindi namin makita na tumawa ito o ngumiti manlang hanggang sa mag second year high school kame. Duon na namin napansin ni Pareng Shwe ang pagbabago nito na talaga namang natutuwa kame para rito. Minsan ito na ang kusang kumaka-usap samin at nakikingiti rin siya at tumatawa naman sa kalokohan namin pero slight lang. Hindi ko nga rin mabilang kung gaano karami ang taga hanga nito, dinaig pa ang artista sa dami ng nagkakandarapa rito pero ni isa sa kanila ay hindi niya nahawakan at mas lalong wala itong naging JOWA! Ssshhhh... Lang kayo baka suntukin ako nito. Minsan pinagtatawanan namin si pareng Leo dahil sa mga die hard fan niya na pinagkakakalat na girlfriend daw sila nito. Hahahaha.. Minsan nga rin ako tanongin ni Tita Alice kung may napapansin ba kameng kakaiba ni pareng Shwe kay Pareng Leo at halos gumulong kame nun sa kakatawa dahil alam namin ang ibig niyang sabihin na kong bakla ba ito. Bwahahahaha natatawa pa rin ako kapag na-iisip iyon.

Pero heto kame ngayon sa Bar at dinadamayan ang pusong sawi ni pareng Leo.

Ayyyyyyggooo..... Nakakatakot ma-in love. Tignan niyo ang nangyayari ngayon kay pareng Leo. Nakatitig lang ito sa baso nito habang malalim na nag-iisip. Seguro iniisip nito si Miss President.

Narinig ko pa ang nakakatakot nitong bulong bago tumayo at umalis.
Ayyyyggoooooo..... Ayyyggooooo....


"I -I'll do everything to make you fall in love with me........












YAM prez"


----------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon