kabanata 11

394 16 0
                                    

Halos magulat ako sa sarili kong itsura ng pumunta ako sa CR upang mag maghilamos.

Klaro sa mata ko ang pamamaga dahil sa walang tulog at pangingitim ng ibabang mata ko. May eyebag din ako pero hindi gaAno kalaki.

Uuwi na ako ngayong umaga upang magpalit at maligo na rin. Duon na rin ako mag-aalmusal at baka Ala una na ako bumalik dito. Marami pa akong hindi natatapos na trabaho. Everyday ako may trabaho. Konti lang ang free time ko.

Kinuha ko yung sling bag ko at hindi ko na inabala pa ang sarili ko na isuot yung blazer, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko, hindi kasi ako nagdala pa ng suklay, uuwi naman ako eh.

"Good morning pres!" Bati sakin ni Michelle.

Tinaas ko lang ang kamay ko saka walang ganang naglakad papunta sa parkingan ng bisekleta.

Habang naglalakad ay bigla ko nalang nakita sina Rohan at Domenic kasama si Neiji na naglalakad din habang nagtatawanan except ang isa. Tsk.

Putragis! Makakasalubong ko pa ata ang mga to.

Dali dali akong tumingin sa baba na halos natatabunan na ng buhok ko ang mukha ko.

"Hahaha... You got an eye bags bro.." Si Rohan yun. Kilala ko ang boses nila.

"Tita Alice called me last night. Tinanong ka sakin.. Don't worry. Sinabi ko lang na may binantayan kang tigre hahaha" kaboses naman ni domenic to. Segurado talaga ako.

At ano daw? May binantayang isang tigre? Whoaaahh.... Iba rin ang taste nito.

"Shut up." Ay! Si Neiji to malamang. Na immune na ata ang tenga ko sa boses nito eh.

derederetso na akong naglakad at halos pigil hininga ko silang nalagpasan saka lang ako tumingin ng deretso at sumalobong sakin ang Tatlong female students na nakangiti na ng mapatingin sakin.

"Good Morning pres!!" Bati nila sakin ganun din ang ginawa ko.

"Miss President!"

Automatic akong napatigil sa paglalakad at dahan dahang tumingin sa likod. Saka ilang na nakangiti kina Domenic na papalapit sakin hanggang sa tuluyan na silang makalapit.

"Good Morning prez. How are you feeling?" Neiji.

"Good Morning miss pres" bati ni Rohan.

"G-good morning din. Anong kelangan niyo?" Kunyari may kinakalikot ako sa Cellphone ko na lowbat naman. Hindi ko rin sinagot ang pangangamusta ni Neiji dahil na-aasar ako sa pagkakangiti niya sakin. Ewan ko ba.

"Balita namin may event na magaganap next week. Required ba na lahat ng students makapunta?" Tanong naman ni Domenic.

Tinigil ko na ang ginagawa ko saka tumingin sakanila ng deretso.

"Yes. Anyway, malalaman niyo rin bukas kung bakit required kayo na pumunta. Mag-ipon kayo ng lakas ha------- ah nalimutan ko kayo ipadala sa detention kahapon dahil marami akong pinagkakaAbalahan," saad ko at kita ko naman ang pagngiti nilang dalawa. Silang dalawa lang dahil kanina pa nakangiti si Neiji.

Pansin ko lang ha. Palagi kasi nakangiti ang sakin ang isang to sakin na para bang may nakalagay sa mukha ko na once na makita mo ay mapapangiti ka.

"Don't worry.. Hindi ko na pala kelangan ipatawag kayo mamaya dahil andito rin naman kayo kaya sasabihon ko na ngayon sa inyo. Write An Apology letter at least 5000 words. Mamayang ala-una ko lang iyon hihintayin or else, maglilinis kayo ng boys Comfort room."

"Eeeeehhhhh.... You're so cruel pres" hiyaw ni Rohan.

"President naman! Pasasakitin mo ba ang kamay namin?----- huwag nalang pleasseeee" saad naman ni Domenic saka nagpacute pa ang loko na kinatawa ko.

"Hahaha... Loko. There's no exception Mr.Steens" saad ko at sumeryoso ng mabalingan ko ng tingin si Neiji na nakakunot na ang noo.

"You too Mr.Steinberg.... Geh have a good day!" PagpapaAlam ko sakanila saka umalis gamit ang bisekleta ko.

Pagdating ko sa bahay ay nag-almusal muna ako bago pumunta sa taas at naligo saka nagbihis ng isa ko pang uniform. Tatlo ang uniform ko. Yung isa nasa school at yung isa ayun sa dumihan suot ko yun kanina at itong suot ko yung pangatlo.

Sinuot ko na rin yung long black sock ko saka pinatuyo ang buhok ko. Nag charge na rin ako at ng matuyo na yung buhok ko ay nahiga ako sa kama ko.

Haayy.... Isang araw ko lang to hindi nahihigaAn na miss ko Agad.

________________

Pagdating ko sa SSG office ay nakita ko ang mga kasamahan ko na busy sa kaniya kaniyang trabaho.

"Pasensya na pres kung hindi kita nasamahan. Nasamahan ko kasi si Mama sa isang event eh" nahihimigan ko sa boses ni Jason ang senseridad nito. Mukha atang nabalitaAn niya ang nangyari kahapon sa labas ng gate.

"No problem Jason----magtrabaho ka na" saad ko rito at pumunta sa table ko at naupo.

Nakita ko ang 3 letters na nakalagay sa mesa ko. Mabuti naman at sinunod nila ako. Akala ko hindi nila to gagawin.

Babasahin ko na sana ng magsilapitan sakin ang mga kasama ko at saka pinatayo at tinignan ako mula ulo hanggang pa na para bang makikita nila ang laman ng katawan ko.

"Pres!! Patawarin mo kame!!!!" Sigaw nila sakin at halos mawalan ako ng balanse ng dumugin nila ako at niyakap.

"H-h-hihihi h-hindi a-ko maka-h-hinga" halos hindi na talaga ako makahinga dahil sa yakap nila. Nangunguna na ang mga babae na members.

Nakahinga ako ng maluwag ng kumalas sila at halos mabingi ako sa pangangamusta nila.

"Okay na ako! Okay na ako, Salamat sa concern niyo, saka huwag niyo na isipin iyin dahil alam ko na busy kayo sa kaniya kaniya niyong trabaho." Nakangiting saad ko sakanila at nagkwentuhan pa muna kame kong tapos na ba yung pinapagawa ko sakanila. Sinabi ko na rin kay Michelle na nilagay ko sa lamesa niya kaninang umaga yung list ng lahat ng naka passed na ipopost niya sa labas ng gate. Saka bumalik din kame sa kaniya kaniyang trabaho.

Binuksan ko ang letter ni Rohan at halos matawa ako sa pinagsusulat nito. 5000 words na dapat apology letter ay naging story telling tungkol sa improvement ng school na ito. Pero sa last last ay may nakalagay na "I'm very sorry Miss President".

Pangalawa ko namang binuksan yung kay Domenic at halos lahat ay complement sakin at sa someone i love daw na kong magkatuluyan kame ay siya daw ang ninong. Hahaha. Patawa talaga ang isang to. The half of the letter ay lahat "I'm SORRY"

Huli ko na binuksan yung kay Neiji at halos sumakit yung ulo ko ng makitang "YAM MISS PRESIDENT" lahat ng nakalagay sa letter saka sa huli ay "GÒA Ài Lí Prez." Heto nanaman ang iba niyang lingguwahe. Well bahala na. Baka minumura lang ako nito sa ibang lingguwahe.






------------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon