kabanata 26

288 9 0
                                    


Nakangiting pinagmamasdan ko ang mga litrato namin ni Neiji kanina. May kumukuha pala sa amin ng litrato at walang iba kundi si Domenic. Nakakahiya...

Pagdating namin ng bahay ay lumabas si Neiji saka ako pinagbuksan ng pinto.

Hinarang pa ang kamay nito sa taas ko baka ma-untog ako. Hihihihi... Dala ko ang flowers Bouquet at yung ibang balloons habang siya naman ay dala dala yung malaking manika at iba ring balloons.

"Ate??"

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Camilla na tulalang nakatingin kay Neiji na nginitian ito saka tumingin sa akin.

"Good Evening" bati nito sa kapatid ko na sa wakas ay nasa tamang huwesyo na at dali daling lumapit at tinulungan akong dalhin ang balloons.

"Magandang Gabi rin po-----boyfriend ka po ba ni Ate?" Siniko ko agad si Camilla at nahihiyang tumingin kay Neiji na malaki ang pagkakangiti.

"Yes, finally.."

Magsasalita pa sana si Camilla pero tinakpan ko na ang bunganga nito at itinulak ito papasok ng gate.

"Dalhin mo yan sa kwarto ko ah!-----a-ahihihi... Pasensya ka na sa kapatid ko. May pagka-madaldal eh-----akin na yan, gabi na, may pasok pa tayo bukas" saad ko rito at kinuha yung malaking teddy bear at kukunin na sana ang balloons pero hinawakan na lang nito ang kamay ko.

Eeeehhh??

"I can't believe that you're finally mine, Yam prez. I'm afraid that I'll wake up tomorrow and realized that it was just a Dream." Kitang kita ko ang takot at pag-aAlala sa mga mata nito. Pati nga rin ako ay hindi makapaniwala na talagang kame na. Parang nuong una ay makita ko lang ang ngiti nito ay na-iinis o na-aasar na ako pero ngayon ay gustong gusto ko makita ang mga ngiti niyang iyon at embes na ma-asar o ma-inis ay bumibilis ang tibok ng puso ko at natutuwa rin ito.

Ngumiti lang ako rito at embes na abutin ang balloons ay sa ulo niya lumanding ang kamay ko. And i pat his head.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi----nakuha mo naman yung cellphone number ko diba?, itext mo ako kapag naka-uwi ka na" saad ko rito na kinangiti naman nito.

Binigay na nito sa akin ang Balloons at binaba ang bisekleta ko at akala ko ay papasok na ito sa kotse pero nabigla ako ng yakalin ako nito at hakikan ang ulo ko.

"I'll miss you... See you tomorrow" sabi nito saka sumakay sa kotse niya at umalis.

Kung makapagsalita naman ito ay parang matagal kaming hindi magkikita eh bukas na bukas din ay magkikita naman kame.

Hihihi.. Na excite tuloy akong pumasok hahaha..

Pumasok na rin ako sa bahay at iniwan sa labas ang bisekleta ko saka ako pumunta sa kwarto at nakita ko si Camilla na nakangiting nakahiga sa kama ko habang ina-amoy amoy ang bulaklak na bigay sa akin ni Neiji.

"Waaahh!!! Ang kyuut!!" Sabi niya at inagaw ang Teddy bear na hawak ko at saka ito niyakap yakap.

Nilapag ko ang balloons sa gilid ng mga kasama nito at nilapag sa desk yung bag ko saka ko kinuha yung Flowers at kumuha ng lalagyan sa baba at duon ko ni arranged yung Tulips na iba iba ang kulay at pumunta ulit ako sa kwarto at tinabi sa study lamp ang bulaklak.

Para segurado akong pag gising ko ay ito ang bubungad sa akin kapag titignan ko kung anong oras and to remind myself na hindi panaginip ang lahat ng ito.

Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit katabi nang pinto ko sa banyo at naligo.

After 30 minutes ay lumabas na ako at nagbihis ng pantulog at umupo paharap sa salamin saka ko kinuha ang suklay.

Hindi sa pagmamalaki pero may pagka manika ang mukha ko lalo na't kapag wala akong emosyon. Kapag ngumiti o tumawa na man ako ay lilitaw yung biloy ko sa magkabilang gilid nitong pisngi ko.

Naka-uwi na kaya si Neiji? 7:57 pm na.

Kinuha ko ang selpon ko saka tinignan kung may text ba ito at Oo nga, may tatlong text ito.

From: Nieji 6:51 pm

I'm Home. We've been together lately but i feel like I'm missing you so much prez.

From: Neiji 6:59

Are you busy?. Don't pressure yourself Baby, you might get sick.

Ang lakas lakas ng tibok nitong puso ko at ngayon ay alam ko na yung feeling nung nga babae kapag kinikilig sila. Ahahahaha..... Hindi ko alam kung kikilabutan ako o matutuwa sa pagtawag niya sa akin ng 'Baby' pero may kakaiba akong nararamdaman. Yun bang parang may paro-paro na naglalaro sa tiyan ko. Hahaha..

Tumingin ako sa salamin at muntikan pa akong mahiya sa sarili ko ng makita kong ang laki ang pagkakangiti ko at mamulamula rin ang pisngi ko.

From: Neiji 7:24 pm

Good night and sweet dreams Yam prez. I Love You, i can't wait to see you tomorrow.

Hahahaha.... Hindi ko talaga mapigilan ang ngiti ko, natatawa na rin ako ng konti.

Matapos kong magsuklay ay nilagay ko ito sa drawer ko at saka humiga na sa kama saka ko nilagay ang selpon ko sa tabi ng alarm clock ko at pinatay na ang ilaw.

Tulog na kaya si Neiji? Baka nga, may pasok pa kame bukas haynaku.... Bukas na lang ako mag rereview, hindi naman ako pagod pero parang gusto ko lang matulog ng maAga ngayon dahil Aaminin ko na namimiss ko na rin si Neiji kahit kakakita lang namin kanina at hinatid pa ako. Ganito ba talaga kapag i-i-in love? Parang gusto kong bumilis ang oras ngayon nang sa ganun ay makita ko na ito.

Mas mabuting pilitin ko na lang ang sarili kong matulog kesa sa mag-isip, baka magka insomnia ako.

___________________

Umaga na ng mabilis akong gumalaw dahil late na akong nagising. Nag-madali akong naligo, mag-bihis, at saka kinuha yung bag at selpon ko at hindi ko na nasuot yung blazer ko.

"Magandang Umaga!" Bati ko kina Mama at Camilla na naghahanda ng Almusal.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin anak?" Natigil ako sa pag-nguya ng pandesal dahil sa tanong ni Mama.

Tinignan ko naman ang kapatid ko na nakangising nakatingin sa akin habang tinataas taas pa ang kilay at saka sa akin pinakita ang kamay niya na ginawang heart.

Huwag niyang sabihin na!?!

SINABI NIYA KAY MAMA?!?

Na-iilang akong ngumiti at tinignan si Mama na humihigop ng kape niya saka ako tinignan.

"Ma, m-m-may b-b-b-b-boy f-riend po a-ako" saad ko saka binaba ang tingin ko.

Juicecolored! Pagagalitan ba ako nito??????????????????

"Kelan namin siya makikilala?"

Agad kong na-iAngat ang tingin ko at napapangiti akong niyakap si Mama at hinalikan sa pisngi.

"Kakausapin ko po siya" masayang sabi ko at kita ko ang pagngiti ni Mama ganun din ang kapatid ko.

Maraming salamat God! Akala ko mahihirapan ako at ma-uuwi kame sa complicated relationship kagaya nung nasa teleserye pero Hindi. Yiiiiieeeeee!!!!!!

Ang Saya Ko!!!

_______________

Vote!

You Are Mine Miss PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon