Zyraj Monique Castañeda-Vaughan
This past few weeks, I noticed that my husband has been doing a lot of meetings outside the company. It's not likely him, to be honest.
Hindi niya dinadala ang trabaho sa labas ng opisina. Lagi niya kasing sinasabi sa akin n ang trabaho ay dapat sa opisina lang.
I'm just staying silent but I'm not dumb. Anong akala niya sa akin? Tanga?
Ayaw kong magsuspetsa agad hangga't wala akong nakikitang ebidensya. Baka naman kasi totoo yung mga meeting niya outside the company. Pero wala namang company meeting na umaabot ng alas dyis ng gabi?
Ilang araw ko na naiisip to, nung una binabalewala ko lang kasi ngayon lang naman niya ginawa tong mga gantong bagay. Pero nung nakaraang linggo napapansin ko napapadalas na yung paguwi niya ng gabi.
Napahinga ako ng malalim, ayaw ko na mastress masyado. Ilang gabi na kong hindi nakakatulog tinititigan ko lang siya habang mahimbing siyang natutulog.
Pano niya nakakayanang gawin sakin to? Manhid ba ko sa paningin niya? Ganun ba ko katanga para sa kanya? Sa tanang pagsasama namin ngayon lang naman siya naging ganto. At alam ko na kung ano ang dahilan...
Kung tama ang hinala ko, hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Tanga na kung tanga pero ayaw kong lumaki ang mga anak namin na magkahiwalay ang magulang. Hindi ako pinalad sa pagkakaroon ng may magandang samahan sa magulang--- o sa inaakala kong magulang.
Hindi ko gagawin sa mga anak ko yon. Kung kinakailangan kong pagtiisan tong kahibangan ni Exequiel gagawin ko, wag lang masira ang pamilya namin. Hindi ko din ipapakita sa mga anak namin na may problema kami, alam kong mataas ang tingin nilang lahat sa ama nila.
Noong nakaraang araw tinanong ko si Mildred kung bakit madalas nang umuuwi ng gabi si Exequiel at ang tanging sagot nya lang sakin ay:
"Sabi niya sa akin, sabihin ko daw sayo na may meeting siya. Bukod don wala siyang sinasabi."
Bilib din ako sa kasinungalingan niya...
Consistent.
-
I woke up feeling nauseous, and my head hurts like crazy.
Palagi na lang akong ganito tuwing umaga... I know it's the morning sickness because I'm pregnant. Hindi ko pa sinasabi kay Ej dahil gusto ko sanang surpresahin siya kaso mukhang ako pa ang balak niyang surpresahin.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa likod ko kaya medyo napapitlag ako.
"Are you alright?"
Tanong niya sa akin. Mukha ba akong okay sa lagay na to? Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lamang ako sa sink para magsipilyo.
"I noticed you're not feeling the last couple of days. Why won't you come to the doctor later?"
Sambit niya habang nakatingin lang sa akin. Tinapos ko na ang pagsisipilyo ko at saka sinagot siya...
"No, I'm okay."
Pagpipilit ko, alam kong hindi siya naniniwala sa akin dahil nakikita ko sa mga mata niyang gusto niyang magpumilit na papuntahin ako sa doctor kaso hindi na lang niya pinilit. Ayaw na sigurong makipagtalo sa akin dahil nakikita niya kung gaano katamlay ang itsura ko.
"Do you want to come to Mexico with me?"
Bigla niyang tanong sa akin, bakit biglaan naman? Kapag gantong bagay pinagpaplanuhan naming ilang araw bago kami umalis. Isa siguro ito sa mga paraan niya para maging maayos ulit kami. Alam ko namang ginagawa ni Ej ang lahat para maisalba ang kasal namin kaso masyado akong nagmamataas. Hindi ko pinapansin ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin.
Isa siguro yun sa gagawin niyang rason sa akin kaya naisipan niyang mambabae? Gaya ng sabi ko hindi ako tanga.
Palaging tama ang kutob ng mga babae kaso nagbubulag bulagan lang tayo dahil mahal natin ang isang tao.
Nakakatawa no? Andami nating handing isakripisyo dahil sa pagmamahal, ultimo respeto sa sarili natin kakalimutan natin.
"I don't know Ej. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. I just want to rest."
Sagot ko sa kanya habang pinipilit na magpanggap na normal. Ilang araw na akong ganto hindi niya manlang napapansin na nagpapanggap lang akong hindi nasasaktan.
-
"I took the day off, so I could be with you and take care of you."
"You shouldn't have done that I'm okay."
Sagot ko, totoo naman kasi ilang araw na akong ganito ngayon niya lang naisipan na samahan ako? Naiintindihan niyo ba ako? Gumagawa siya ng paraan para magkaayos kami pero hindi niya alam kung anong gusto kong ipahiwatig sa kanya.
I just want him to be sensitive about my feelings, he doesn't even notice my mood swings or my morning sickness. He should be attentive with what's happening with his wife.
Ilang beses na kong nabuntis, he should know the signs by now. Siguro kasalanan ko din kasi lalaki siya at hindi niya maiintidihan ang mga sentimyento ko. Kailangan pa sabihin sa kanya lahat.
Hindi ko namalayan na lumabas na pala si Ej ng kwarto dahil sa mga iniisip ko. Hinawakan ko ang tiyan ko. I haven't gone to any doctors appointment but I've taken a few pregnancy tests. And it all shows positive...
How should I tell him, is it the best time to say this? Kung naghihinala akong may babae siya.
*beep
Napatingin ako sa bed side table ni Ej ng may tatlong text na sunod sunod.
Hey are you at work?
I miss you already...
Message me when you want to see me okay? Take care. I hope you enjoy mexico with your wife. xx
My heart dropped, tinignan ko yung pangalan "E" yun lang ang nakalagay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mabasa ko yung message.
Dinelete ko na lang para hindi malaman ni Ej na nabasa ko yung message.
Mexico? Binanggit niya lang sa akin yun kanina ah. Pinlano na pala yung trip. Anong parte ko dun? Alam din ng babae na may asawa na si Ej? Hindi ako makapaniwalang tama ang hinala ko. Gusto kong maiyak kaso walang luhang lumalabas sa mata ko. Hindi ko magawang magbigay ng reaskyon dahil gulat na gulat ako.
"Hey..."
Tila nabalik ako sa mundo nang marinig ko ang boses ni Ej,
"I brought you this, and some freshly squeezed orange juice."
"Thanks."
Pinilit ko lamang na sumagot sa kanya kahit ang sakit sakit na ng lalamunan ko kakapigil ng aking emosyon.
"Tell me, what's bothering you?"
Bigla niyang sinabi sa akin, ano gusto niyang sabihin ko na nalaman ko na tama ang hinala ko? Alam ko na hindi dapat ako gumawa kaagad ng mga konklusyon dahil text palang naman ang nakikita ko, pero kailangan kong makumpirma ang hinala ko. Kailangan kong malaman ang lahat.
"I told you, I'm fine Ej."
"You're lying..."
"Oh, and you're not?"
Hindi ko napigilang sambitin, kitang kita ko kung paano nawala ang kulay sa kanyang mukha.
"What do you mean?"
Kinakabahang tanong niya sa akin.
"I'm just kidding, gosh."
Pagpapalusot ko, alam namin parehas na naghuhulihan lang kami. Sa tagal ng pagsasama namin, alam na namin kung paano magisip ang isa't isa.
Kailangan kong malaman kung sino ang babae mo Ej.
Bakit ngayon mo pa naisipang magloko?
Sabagay kung lolokohin ka ng isang tao, wala yan sa tagal ng relasyon. Nagawa niya na sa akin ito noon.
Ano pa bang bago?
BINABASA MO ANG
The Dominant
General FictionI am Exequiel, you know me as EJ and this is my side of the fucking story. - This is already the second book, basahin nyo po muna yung 'The Submissive' and then you can read this. Thank you! xx