Zyraj Monique Castañeda-Vaughan
We didn't too much all day, parehas lang kaming nagkulong sa kwarto. Sinabihan ko na din yung mga nanny ng anak namin na sila muna ang magasikaso dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Napansin ko na buong araw lang siya lingat ng lingat sa telepono niyo parang kinakabahan.
Halatang may tinatago...
Nagpanggap ako na parang normal lang ang lahat, kahit alam kong ginagawa niya din iyon ay halatang halata na ingat na ingat siya sa mga sasabihin niya o ikinikilos niya.
Hindi niya alam na mas lalo lang nahahalata na may kakaiba dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ko, maaawa o maiinis. Hindi pa din nagproproseso sa akin ang mga nabasa ko kanina.
I need to do something to know if Exequiel is cheating on me.
But am I prepared to know what is the answer to my question?
-
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong wala sa tabi ko si Ej, tinignan ko kung anong oras na sa wall clock dito sa kwarto.
It's 2:23 in the morning...
Sinong kausap niya?
Pinakiramdaman ko lang ang paligid at pinakinggang mabuti kung anong sinasabi niya. Nasa balcony siya ng Bahay pero nakabukas ang pinto kaya naririnig ko pa din ang sinasabi niya.
"Let's just discuss this tomorrow, I'm going out for lunch."
So he's trying to be slick huh? What game are you playing Ej?
Hindi ko ineexpect na makukuha ko agad ang mga sagot sa tanong ko. Siguro pinapaburan din ako ng tadhana...
Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Ej at kung paano niya dahan dahang isinara ang pinto. Nagkunwari akong natutulog at pinapakiramdaman ko lang siya. Ingat na ingat siyang wag makagawa ng ingay kahit pa paghiga niya sa kama dahan dahan lang.
Whatever happens tomorrow, I need to be prepared.
-
Medyo late na kong nagising dahil alas kwatro na ata ako nakatulog, hindi ako pinapatulog ng utak ko. Naiisip ko padin kung anong ginagawa ni Ej kasama ng ibang babae.
Alam ko na ang sagot, pero ayaw kong mailarawan sa isip ko. Parang dinudurog ang puso ko kapag naiisip kong may iba pa siyang hinahalikan bukod sakin.
Andaming tumatakbo sa utak ko, ano kaya kung wag ko na lang alamin? Sa ganoong paraan hindi ako masasaktan pero hindi naman matatahimik ang utak ko sa dami ng tanong ko sa sarili ko. Kapag naman inalam ko ang katotohanan hindi ko alam kung kakayanin ko ba.
Lalo na ngayon na may supling sa sinapupunan ko.
Napahawak ako sa tyan ko at dun na lumabas ang mga luhang kahapon pa hindi lumalabas,
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil magdadagdag pa ako ng isang bata sa mundo na maniniwalang maayos ang magulang nila pero hindi naman talaga.
Bakit ko ba kasi ginusto magkaroon pa ng isang anak? Pakiramdam ko kasalanan ko to. Magdadagdag lang ako ng isa pang problema. Bakit ngayon pa Ej? Bakit ngayon pa kung kelan pinagbubuntis ko ang anak mo?
Hinimas ko ang konting umbok sa tyan atsaka humagulgol lalo ng iyak.
"I'm sorry child, your mom messed up."
Sobrang sikip ng dibdib ko, nahihirapan akong huminga. Alam ko naman na may kasalanan din ako kung bakit to nangyayare sakin. Kung hindi ko lang sana pinabayaan si Ej hindi mangyayare to. Kasalanan ko kung bakit ako niloloko ng asawa ko ngayon, kasalanan ko kung bakit ganto ang sitwasyon ko. Pati mga anak ko pwedeng madamay dahil sa katangahan ko,
Titiisin ko na lang lahat ng sakit basta ayaw kong masira ang pamilya namin.
Kung niloloko man ako ni Exequiel hindi ako magdedesisyon ng ikakasira ng pamilya ko.
-
"Mildred is Ej at the office?"
"No, boss told me he's going to lunch with his friends."
I scoffed. Friend huh?
"Did he told you where?"
"I made a reservation at the Valley. Do I need to call him? Is there something important you want me to say?"
She asked concerned.
"No! D-don't tell him I asked. I want to surprise him."
I said half lying. I am going to surprise him and tell him I know he's cheating.
I hung up the phone and applied lipstick on my lips. Hindi naman masyado malayo ang valley sa office niya kaya hindi ako mahihirapang puntahan yun. Sinabihan ko na yung driver na aalis kami ngayon.
Ano kayang pinaguusapan nila ngayon?
"Claus can you hurry up?"
I said anxiously and the driver nodded as an answer, kanina pa daw umalis si Ej sa office. Sana maabutan ko pa.
-
After 30 minutes nakarating na rin kami sa valley agad akong bumaba sa sasakyan at tinignan kung nandoon ba sila sa loob ng restaurant.
Mukhang huli na ata ako...
Papasok pa sana ako ng saktong lumabas si Ej kasama ng isang babae, medyo matangkad siya kumpara sa akin, kayumanggi ang balat, mahaba ang buhok, halatang inaalagaan din ang katawan. Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib at tila inaatake ang aking puso.
Mas lalong nadurog ang puso ko ng makitang naghalikan silang dalawa.
Mukhang nagulat si Ej nang makitang andon lang ako sa harapan nila dahil naitulak nito ng bahagya yung babae...
Kumpirmado ang hinala ko, hindi na dapat ako nasasaktan ng ganto pero iba pa rin pala kapag naiisip mo lang kaysa Nakita mo ng personal.
Gusto kong magwala, gusto kong sabunutan yung babae dahil kahit alam niyang may asawa na si Exequiel ay kinalantari niya padin, gusto ko sumigaw sa galit, gusto ko umiyak sa sakit. Pero hindi ko magawa.
Para akong estatwa, parang napako ang paa ko sa lupa...
"Who is she Ej?"
I asked, nilakasan ko na ang loob ko.
"Don't fucking lie to me."
I cursed, I looked at the girl and she can't even look at me in the eye. If you're going to tolerate cheating at least have the guts to look at me in the eye.
"This is Elaine... My submissive."
"I'm sorry Zy."
That's all he could manage to say. This guy had the nerves huh? Wala man lang kahihiyan sa katawan.
I was left dumbfounded, when he said the truth to me...
I didn't know how I managed to stay calm after everything. I didn't know I was capable of handling the truth.
Natauhan ako ng may naramdaman akong mainit na likido sa aking hita. Tumungo ako para tignan kung ano iyon at nandilim ang paningin ko ng makita kong...
Dinudugo ako.
BINABASA MO ANG
The Dominant
General FictionI am Exequiel, you know me as EJ and this is my side of the fucking story. - This is already the second book, basahin nyo po muna yung 'The Submissive' and then you can read this. Thank you! xx