Chapter 6

22 6 0
                                    

VI.

Kanina pa ako atat na atat na lumabas dahil alam kong nag hihintay si Zachary sa labas. Tulad ko ay vacant din ng iba at napag usapan naming mag kita kita na lang sa tree house.

"Sorry nag extend si maam." sabi ko pag ka labas. Sinalubog ako ni Zachary ng isang ngisi.

"Oo nga pala ng text si Hazel sakin pinapabili tayo ng pagkain."

"Okay sige."

Sabay kaming naglakad papunta sa seven eleven upang bumili ng ilang makakain para saaming pito.

"Hey Gab!" nagulat pa ako ng akbayan ako ni Jack. Hindi ko napansin ang pag dating niya.

"Hey!" I greeted him back.

"After this on the way na kayo sa hide out?" he asked.

"Oo, Ikaw ba papunta kana doon? sabay sabay na tayo." sabi ko habang namimili ng mga chitchirya.

"Sure. Matanong lang inutusan din kayo ni Hazel bumili ng mga pagkain 'no?"

"Oo e, ikaw din na?"

"Grabe talaga si Hazel inutusan na pala kayo tapos inutusan din ako." kinamot pa nito ang batok niya.

Biglang dumating si Zachary pero hindi na sya nagulat ng makitang kausap ko si Jack.

"Yo!" nakipag brofist pa ang dalawa.

Napansin kong puro can goods, cup noodles at kung ano anong pwedeng mastock sa tree house ang dala ni Jack.

"Miss lost soul gusto mo ng mugo-mugo?" tanong nito sakin.

"Sige lang,"

"Okay lagay ko na dito." ngumiti ako ng ipakita niya pa sakin ang isang malaking mogu-mugo bago niya nilagay sa basket na hawak niya.

Sabay sabay lang rin kami natapos at nagkita kita sa counter para magbayad. Nag hati hati kami sa pera.

"Ako na diyan miss lost soul," kinuha ni Zachary ang isang plastic ng chitchirya na balak kong dalhin.

"Kaya mo? magaan lang naman yan kaya ko na." I assured.

"Okay lang ayaw kitang nakikitang nahihirapan." naka ngisi nitong sabi sabay kindat. Ngingiti-ngiti akong umiling bago sumunod sakanya. Nauna na si Jack sa labas.

Maya maya pa ay pumara na kami ng jeep at nag kanya kanyang sakay.

"Kuya isang dyosa at dalawang adik." saka ko inabot ang bayad.

Ang sabi kasi ni Hazel ay dapat gano'n daw ang sabihin namin kapag mag babayad. Kaming mga girls ang laging nakatoka sa pamasahe lalo na kung sama sama.

"Nako natututo na si Gabrielle sa pagiging lalaitera ni Hazel," tumatawang sabi ni Jack kaya pati ako ay natawa.

"Mana mana lang yan!" tila proud na sagot ko.

"Brads binabalaan kita ilayo mo na si Gabrielle kay Hazel." tumatawa nitong sabi kay Zachary na tinawanan lang din siya.

"Inom ka muna." natigilan pa ako ng makitang iabot sakin ni Zacahary ang mugo-mugo.

"Salamat." ininom ko ito ng huminto ang jeep.

"Manong para po!" si Zachary na ang sumigaw.

Pag baba namin ay agad kaming sinalubong ni Emma at Hazel.

"Si Grant nasan?" tanong ni Zachary.

"Nasa bahay kasama si Kaiden hindi sila pinapalabas pero tatakas na lang daw sila." medyo nababakas ang pag aalala sa boses ni Hazel ng banggitin niya iyon.

Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon