IX.
Kasalukuyan akong nasa cafeteria dahil may one hour lunch break kami. Ang usapan namin nila Zachary ay dito mag kikita kita.
Ilang minuto din ay natanaw ko na agad si Zachary sa bungad ng cafeteria. Ngumiti ito ng malawak ng makita ako at dahil sobrang ganda ng pag kakangiti niya ay nahawa ako.
"Tara na?" saka niya kinuha ang kamay ko.
Nangunot ang noo ko bago nag pahila sa kanya. "Saan punta natin?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan palabas ng school.
"Hindi ba may suprise ako." ayan na naman yung signature grin niya at ang mga mata niyang sobrang gandang pag masdan dahil bukod sa kulay nito ay tila napaka raming emosyon ang naroroon.
"Oo nga...pero sila Grant, nasan?" tanong ko habang nag aabang kami ng masasakyan.
Hinarap ko ito ng hindi niya sinagot ang tanong ko. "Don't mind them, ako kasama mo e," nangunot ang noo ko.
Okay..."Gust ko lang naman malaman kasi ang usapan sa cafeteria ang meeting place."
"On the way na yung mga yun, medyo na trap lang sila," pinauna ako nitong pinasakay sa jeep bago siya sumunod.
Alam ko kung saang daan itong tinatahak namin, papunta kami ngayon sa hide out at mukhang hindi nga nag kamali si Zachary dahil nandito na ang lahat.
Nakasimangot silang lahat ng makalapit kami. Nagugulat man dahil sa mga itsura nila pero natuwa parin ako dahil nandito na uli ako sa bahay ko...sa bahay namin at ang katotoohanang mag kakasama na naman kami.
"Sa wakas dumating din kayo, jusmiyo marimar!" sambit ni Grant kabang naka paymewang pa.
"Nabuti naman at naisipan niyo pang dumating? iiwan na sana namin kayo e," si Hazel na nakataas pa ang isang kilay habang nakangiwi ang bibig nito.
"Akalain mo nga naman hindi kayo late." si Jack na halatang sarkastiko ang pag kakasabi.
"Sus! parang 'di pa kayo nasanay kay Zachary," si Emma na nakapulupot ang braso kay Hazel.
"At mukhang hindi lang si Zachary ang laging malelate sa groupo from now on." napatango tango pa si Kaiden na para bang sinasang ayunan niya ang sariling sinabi.
Nangiti ako bigla dahil mukhang kanina pa nga nila kami hinintay dahil narin sa ilang kalat ng sitsirya sa basurahan malapit samin.
"Sorry na...ang sabi niyo kasi sa cafiteria ang meeting place," pag lalambing ko saka ako pumagitna kila Hazel at Emma.
Sa huli ay ngumiti din silang dalawa at nauna na kaming nag lakad dahil ang mga boys ay nag babangayan pa sa likuran bahang nag lalakad kami papasok sa mini gubat kung tawagin ko. Dito din kami nag punta ni Zachary noong nag basag kami ng napakaraming plato.
Hanggang ngayon ay wala akong alam kung anong gagawin namin dito at saka pangalawang beses pa lang ako nakakapasok dito.
Hindi ko alam pero tila nanibago ako sa paligid. Alam ko kasi ay nasa banda dito ang daan kung saan kami pumasok ni Zachary noon pero nakakapag takang wala na ito dito. Gustuhin ko mang mag tanong ay hindi ko na lang ginawa dahil baka nagkamali lamang ako.

BINABASA MO ANG
Lost Souls
Teen FictionGabriella Alcantara the girl who lost, weak, useless, trash, stupid, worthless, nothing, trying to prove herself to anyone, lack of selflove, comparing her to someone, separating herself from the others. She's hurt. She's left out in the dark. She'...