VII.
Pumasok akong balot na balot kahit hindi naman malamig. Nag suot din ako ng wristband para takpan ang ilang tanda na nagawa ko na namang saktan ang sarili.
Ayokong makita nilang Zachary at ng iba pa ang sugat na ito, natatakot ako sa pwedeng sabihin nila sakin at mas lalong natatakot akong malaman nila na hindi ako okay at kahit kailan hindi ako magiging okay. Sa totoo lang ngayon lang ako natakot sa possibleng maging reaction ng isang tao kapag nakita nila ang mga bagay na hindi nila akalaing magagawa ko sa sarili.
"Okay ka lang Miss Lost Soul? ang init bakit naka hoodie ka?" puna ni Zachary sa sout ko.
Nandito kami ngayon sa hide out namin dahil pare-pareho kaming may vacant na two hours.
"Wala lang, trip ko lang saka... uso 'to ngayon." sambit ko pilit inilalayo ang topic doon.
Umiling siya. "Kailan pa nauso ang ganyang sout kung kailan malapit na ang summer?"nakangiwi niyang tanong.
Napaisip ako, tama siya. "Hay nako gawin mo na lang yang ginagawa mo!" tumatawa kong sagot dahil mukhang interisado talaga siya kung bakit ganito ang sout ko
Sorry kailangan kong mag sinungaling para takpan ang lahat ng sugat ko hindi lang sa physical kundi pati emosyonal.
"Guys kain muna tayo, nagugutom na ako eh," nakangusong sambit ni Hazel bago inilapag ang sketch pad nito at sumandal sa sofa.
Tila ngayon lang din namin naramdaman ang gutom dahil sa sobrang focus namin aa ginagawa.
"Ako na kukuha," I insist. Tumayo ako at nag punta sa stock room kung tawagin namin.
Pinag babato ko ang ilang sitsirya sakanila. Nangiginti naman ako dahil nasasapo nilang lahat iyon. Nawala lang ang mga ngiti ko ng kay Zachary ko na ibabato ang favorite niyang loaded, nakakunot kasi ang noo niya at salubong din ang kilay.
"Zach oh!" bitano ko iyon sakanya na nasapo niya naman. Pero hindi nakalagpas sakin ang mga paningin niya sa palapulsuhan ko. Nag panic ako ng mapagtantong sa kaka taas ko ng kamay ay nakikita na pala ang ilang bandiad na nilagay ko para takpan ito.
"Uso ba talaga yang pormahan na ganyan?" sa tono ng pananalita niya ay alam kong nag hihinala na ito.
Busy ang kasama namin sa kakakain at sa kakabangayan habang si ako ay pilit iniiwas ang paningin ni Zachary sa palapulsuhan ko.
Hindi ko nagawang sumagot dahil ayoko nang dagdagan ang kasinungalingan ko sakanya.
Tumayo ako at sinabing lalabas muna ako para ipagpatuloy ang pag guguhit hindi naman nila ako qinuestion pero sa mga tingin nila halatang kahit sila ay na bobothered sa sout ko.
Naupo ako sa duyan at pinakalma ang sarili. Gusto kong mag sabi, gusto kong ikwento ang lahat sakanila--sakanya, gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko sa mundo, sa sarili at sa mga magulang ko. Lahat gusto kong sabihin sakanya pero natatakot ako na baka madamay siya sa problema kong hindi ko alam kung pano susulusyonan. Natatakot akong makita niya ang mahinang ako at mas lalong natatakot akong malaman niyang hindi ko na kaya...
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko, ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.
"Totoo ngang nakakapuwing ang hangin sa labas, ano?" nag narinig ko ang familiar na boses niya ay mabilis kong pinahid ang ilang takas na luha. Kailan pa siya nandyan?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Nainip ako sa taas kaya naisipan kong bumaba para asarin ka," nakangisi niyang sagot.

BINABASA MO ANG
Lost Souls
Teen FictionGabriella Alcantara the girl who lost, weak, useless, trash, stupid, worthless, nothing, trying to prove herself to anyone, lack of selflove, comparing her to someone, separating herself from the others. She's hurt. She's left out in the dark. She'...