Chapter 8

38 3 0
                                    

VIII.

Lumunok muna ako at pinakalma ang sarili bago sinagot ang tawag.

"Hello Emma,"

Nakarinig ako ng ingay sa kabilang linya na para bang nag tuturuan sila kung sino ang sasagot.

"Akin na nga ako kakausap," rinig kong sambit ni Zachary sa kabilang linya.

"Hello Miss Lost Soul!" tulad ng inaasahan kay Zachary ay masigla at masaya ito.

"Bakit kayo napatawag?" nag punta ako sa balcony ng kwarto ko at sinara iyon at naupo sa pasemento.

Nakatingala lang ako sa itaas kung saan napakaraming bituin. Muli na namang bumalik sakin ang sinabi ni Dad kanina.

"Mag open ka sa facebook Miss Lost Soul may ipapakita kami sayo!" wala sa sariling ngumiti ako bago kinuha ang laptop at naupo muli sa pasemento.

Nanatiling on-going ang linya naming pareho. Pag ka open ko palang ay mabilis na nag pop up ang ilang picture nila Zachary, Grant, Kaiden at Jack na sout ang pambabaeng damit. Mahina akong natawa ng kasunod nun ay ang tila behind the scence kung saan inaayusan sila ni Emma at Hazel. Tuluyan na akong ngumiti at natawa bagama't mahina lang. Wala sa sariling na save ko ang mga iyon.

"Ano na Miss Lost Soul? ayos ba?" tumatawa niyang tanong. Dahil sa sarap ng tawa nila ay nahawa na ako kaya naman pare-pareho na kaming tumatawa kahit sa phone lamang kami nag uusap.

"Ang panget mo Zach!" rinig kong pang aasar sakanya ni Grant at ayon narinig ko na lang na sumigaw si Hazel dahil may something na nahulog dahil malamang sa kakulitan ng dalawa.

Muli akong tumingin sa itaas kung saan mas lalong dumami ang bituin. Salamat guys...alam kong kahit hindi nila sabihin ay ginawa nila iyon para pasayahin ako at hindi sila nabigo dahil totoong sumaya ako sa dahil sa mga picture na iyon.

"Pwede na akong sumali sa pagent sa darating na Intrams diba Hazel?" si Grant.

"Edi sumali ka!" singhal sakanya ni Hazel at kahit hindi ko sila nakikita ay alam kong nag hahampasan na naman ang dalawang iyon.

"Miss Lost Soul tulong!" maya mayang sigaw ni Zachary habang tumatawa.

"Sinong nang aano sayo?" kunwaring handa akong ipagtanggol si Zachary.

"Si Grant baby hinahalikan ako!" muling sumbong nito.

Wala akong naging tugon bagkus ay natawa na naman ako ng mahina. Dahil sa kakulitan at kaingayan nila ay nawala ang bigat sa puso ko na halos kanina ay inaatake ako.

Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa nag kaayayaan ng matulog dahil maaga pa kami bukas.

Kung kanina ay sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon naman ay sobrang lawak ng pag kakangiti ko bago makatulog.

____

Nabutan ko sila Hazel at Grant at pareho silang nakatanaw sa bullitin board kung saan nakapaskil ang isang anusyo para sa gaganapin na intrams nitong friday.

"Sali tayo babe?" si Grant.

"Ayoko! wala akong hilig diyan! saka tigilan mo ako sa kaka babe mo hindi ako baboy!" singhal sakanya ni Hazel bago pinag gugulo ang buhok ni Grant.

"Zup!" bati ko na kinahinto nilang dalawa.

"Gabby sa tingin mo kapag sumali kami ng babe ko diyan mananalo kami?" tanong ni Grant sabay akbay kay Hazel pero kinurot lang siya nito sa tagiliran.

"Why not? maganda si Hazel at..." sinadya kong mag isip kunwari para asarin si Grant.

"Gabby please don't do this," pag mamaka awa niya na tinawanan lang naming dalawa ni Hazel.

Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon