Kisses POV
Late nako nagising. Kasi parang pagod na pagod ako, ang sakit sakit ng katawan ko. Ewan?
Bumangon na ako agad. Baka sakaling andito pa sila nang may nakita akong note.
'Kisses nauna na kami my emergency kasi eh
--Besty Izza'
-___- nauna na pala. Eh ano namang emergency yan? Bakit hindi ako ginising.
Mabilia akong kumilos papunta sa school. Late nako eh. Tapos wala pa akong kadamay. Nakarating naman ako agad. Malapit lang kasi eh.
Pumasok na ako napansin ko na ang daming design ng paligid. Tapos nakita ko sila Izza at Nate malapitan nga.
"Anong emergency pinag sasabi mo?" Tanong ko sakanya.
"Wala tara. Oh rose nga pala" sabi ni Izza saka bigay saken ng Rose. Tomboy ba'to?
"San mo nakuha to" tanong ko.
"Wag kang maraming tanong" aba sya pa mag sungit.
Pumunta naman kaming garden. Nakita ko sila. Sky at Sam.
"Rose for you Kisses" sabi ni Sky. Tinggap ko naman pinandilatan ako ni Izza eh. Tapang neto ngayon ah?
Saka lumabas na kami wala bang pasok? Yes. Buti nalang pag labas naman namin nakita namin si Hans at Rex.
"Kisses may nag papabigay sayo" sabi Hans. Pati sya tomboy na? O___O syempre tinggap ko nanaman.
San kami pupunta? Teka nga daan sa park to ah? Oo nga sa park nga. Habang nasa daan nakita ko naman namin sila Carl at CJ.
"Good morning Kisses roses for you" masiglang sabi ni Carl.
Saka nakarating na kami ng Park pero bago maka pasok ng park nakita namin sila Hans at Migs.
"Roses" O___O pati pagbigay ng roses one word lang? Kelan kaba mag babago Hans -__-
May nakita ako mini stage dun sa gitna at kapansin pansin na puro ka schoolmates ko at classmates ko ang nandito. Lahat sila nasa gilid. At ako nasa gitna.
O___O GITNA? Teka kanina nasa entrance palang ako ng park ah?
Lumapit saakin sila Tim at Jill para bigyan ako ng roses.
"Rose delivery" sabi ni Tim saka ngumiti. Saka piniringan ako si Jill naman nakahawak sa kamay ko.
--
Ian POV
Alam ko naiinis na yan sa set up na ginawa ko. Tinitext kasi ako ni Izza kaya alam ko. Palagi daw nag mamake face si Andrea kapag binibigyan sya ng flowers.
Eto na yun. Handa nako.
--
