Chapter 3

47 14 4
                                    

VIOLET'S POINT OF VIEW

Maayos ang gising ko. Kahit na nag trabaho kami ni Mimah kahapon ay Ayus lang dahil unti ang costumer. Sabay kami ni Mimah papasok ng School at sa harapan palang ay may mga kumpulan. Particular na doon sa announcement TV. Oo TV dito hindi bulletin board. Ganoon sila kayaman, ganoon kayaman ang eskwelahan na ito.

Inirapan ko lang ang hangin at tyaka lalagpasan ko na sana ang mga tao na yun ng may tumawag sa akin.

"Sister!!" Sigaw ni Zeny. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad. 

"Ay mga Teh! Hindi niyo naman ako inform sumali ang Violet dear sa Archery." Natigil ako sa paglakad ganoon din si Mimah. 

'Anong pinagsasabi niya?' 

Kunot noo ko siyang Tinignan, hindi nakawala sa mata ko ang pagbaba niya ng tingin.

"Ano?" Tanong ko kay Zeny, na ngayon ay napapalunok na.

'Lintik na bading' (—___—)

"Sumali ka sa Archery Diba?" Tanong niya sa akin. Lintik! Hindi ako mag a-ala Superman para sumali sa Archery. Kainis. At isa pa, marami na akong gagawin, may practice na sa dance troup.

"Ah Zeny baka fake News yan?" Tanong ni Mimah ng hindi man lang magtapon ng tingin sa akin. 

"Naku Teh, hindi kaya nga maraming tao roon kanina, dahil ang Violet ang Center of attraction." Sabi ni Zeny. Seryoso siya, hindi nagbibiro. Lintik! Paniguradong si Tatsumaki ang may pakana nito.

'Lintik ang walang ganti! '

Naikuyom ko ang dalawa kong palad. Nangangalit ako sa inis, at galit. 

'Ano ba ang ginawa ko sa payatot na yun? O sadyang may laging demonyo ang isnag yun. Tsk~~~ ang sarap sipain papunta sa Bermuda triangle para hindi na siya makabalik.'

Pumihit ako pabalik sa lobby. Nang makita ako ng mga estudyante ay lumihis sila. Na ani mo'y natakot sa expresyon ko. Binasa ko ang nakasulat roon. Oo, nga tama si Zeny. Nakasulat roon ang pangalan ko at ang maganda pa riyan ako ang sa solo at team. (>>____<<)!!

'Gagong Jhonson wag ko lang makita at baka mapasama siya' at mamatay ng di oras, patawarin nawa ako ng panginoon.'

Umalis nalang ako roon, nakakuyom parin ang mga palad, at kunot noong nakatingin sa aking di nadarama. Bawat hakbang ko ay mabibigat. Maski sila Mimah ay hindi sumabay sa akin sa paglakad. Hanggang sa may naramdaman akong tao ang tumabi sa akin sa paglakad. 

'Anong gusto niya? Asaran? Magaling ako riyan.'

"Sumali ka pala?" Tanong ni Step. Oo si Stephanie Cardoval ang kumausap sa akin. Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ang aking paglakad. 

"Hey...hey... masyado kang hot." Sabi niya. Kainis ang babaeng ito. 

"Bakit?" Nawawalan na ng pasensyang tanong ko. 

"Alam ko naman na hindi ka sasali, halika punta tayo kay Coach, sabihin nating alisin ka." Bigla ay nagliwanag ng kahit papaano ang mundo ko.  Nauna na siyang maglakad kaya sumunod nalang din ako sa kanya, ngunit mabagal lang ang aking paglakad. Nagiisip na pwedeng iganti kay tatsumaki.

'Nangangalit talaga ako sa inis, humanda sa akin ang tatsumaki na yun. Babalian ko siya ng paa, para hindi na siya makapasok.'

Walang pasabi ay agad niya akong hinila, hindi na ako tumutol. Sila Mimah ay marahil hindi sumunod sa amin, at baka pumunta narin sa room. Lakad, takbo ang ginawa namin para lang makapunta sa faculty, at walang pasabing pumasok sa Office ni Coach.

He's my right Way (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon