VIOLET'S POINT OF VIEW
Maaga talaga akong nagising. Kinapa ko ang noo ko, ayus 'di na kao mainit. Tumayo na ako sa pagkakahiga at agad na naligo. Pagkalabas ko ng kwarto ay 'ni anino ni Mimah ay wala kaong nahagilap. Kaya ako na nag nagsara ng bahay at pumunta na ng school.
Seven ng maga ay asa School na ako at nakikita ko na kaagad pagpasok ko palang ang baseball players ng girls na naglalaro. Nakita ko sa 'di kalayuan ay si Pat na may hawak na libro at pawang nanood sa mga manlalaro.
Ayus yan....
Si Pat ang pinaka ayaw kong babae sa lahat ng nakilala kong tao. Nakasama ko na siya minsan sa section ng mag A1 ako last year. Napunta lang naman kasi ako sa A2 dahil kay Chowchow. Tyaka Bakit ayaw ko si Pat, madali lang yan.
SOBRANG INGAY
SOBRANG YABANG
KULANG SA PANSIN
at higit sa lahat.........
SOBRANG TAKAW!!
'Tsk~~~~'
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at pumunta na ako sa gym. Nakita ko roon sila Mimah at Nina na nag wa-warm up na kasama ang mga rookies.
Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung sino ba yung bagong saldang senior daw na player.
'Bakit hindi nalang siya ang naging captain? tsk~~~ pa pahirapan pa nila ako'
Tinignan ko naman lahat ng rookies at ayus naman silang maglaro.
"Vi!!" Tawag saakin ni Nina kaya lumapit na ako sa kanila. Pagkarating ko sa posisyon nila ay nakita ko lahat ng rookie. Buti nalang at pagdating sa volleyball ay may RESPETO sila sa akin, pero pag labas ko ng gym ewan ko nalang.
"Start, five laps tayo." Sigaw ko sa kanila. Binaba ko lang ang bag ko at nagpauna na akong tumakbo palibot ng gym. "Mukhang ikapapayat mo na ito Violet ah." Bulong ni Mimah sa akin. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. Kita ko pang napalunok siya ng ilang beses bago siya bumagal at tumabi sa Rookies.
Ako? Hindi naman ako mataba eh. Nagpabaya lang pero fit parin ang timbang. Makasabi, masarap kumain kapag maraming isipin. Nakababawas lungkot rin ang pagkain.
Matapos ang five laps, nag start kaming mag stretching. Matapos ang stretching ay sa drills na kami. Ball handling, Ball pass, toss, spiking, blocking at receiving. Matapos lahat ng yun ay may inabot sa aking folder si Nina. Doon ko sinulat ang mga may potential sa first line up.
I-che-check pa naman ito ni Coach Allan.
"Oh......" at inuntog ko sa ulo ni Nina yung folder, nakatulala eh. "Aray naman." Sabay irap sa akin, at hinablot ang folder. Ako ay naglakad na sa bench para uminom ng tubig at kinuha ko na ang bag ko. Pumunta na akong locker room at doon na nagshower at nagbihis ng uniporme.
Iba pa ang locker sa locker room. Ang locker ay yung mga nakikita lang sa hallway, lalagyanan ng mga abubot. Ang locker room ay asa gym, yung ang room kung saan pwede magbihis ang mga manlalaro.
Pagkalabas ko ng locker room ay may mga makalibot na lalaking naka tuxedo na panay itim. Kita ko ang pin na asa bandang kaliwa kapag ikaw ay nakaharap sa kanila. Mukhang mamahalin iyong pin nila kahit na ahas lang iyon.
Napansin siguro ng isang lalaki na nakatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip dahil naka salamin siyang itim.
'Isa lang ang nasisiguro ko, mayamang tao ang asa loob ng clinic ngayon kaya ganyan.'
BINABASA MO ANG
He's my right Way (On-Going)
Fiksi RemajaIsang Hambog na babae na maganda, maputi, matangkad, matalino lahat na ata ng hahanapin ng lalaki sa isnag babae ay asa kanya na. At isa pa isa siyang magaling na estudyante lahat kayang sagutan. Palaaway sapagkat hindi naging maganda ang kanyang na...