VIOLET'S POINT OF VIEW
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ni Stephanie. Marahil siguro ay sa garden. Ewan, pero sa tingin ko ay asa loob parin kami ng Campus.
"Kamusta?" 'Di ko pansin napataas ang kilay ko sa tanong niya. Gusto ko siyang barahin pero maayos naman kasi ang pakikipag-usap niya. Matino pa naman akong tao.
"Ayus lang, ikaw?" Sagot ko kahit na ang totoo eh, nahihilo parin ako.
"Fine, here drink this. Kailangan ka daw sa DT. Sabi ni Shine" sabi niya at nag abot ng gamot.
Kinuha ko iyon, sabay lunok. Nag-abot siya ng tubig sa akin. Kinuha ko at agad na inubos. Pagkaubos ko ay yinupi ko iyon at saktong pagkabato ko ay nahulog sa basurahan.
"Sharp shooter ka talaga eh no." Bilib ang asa tono ni Step.
Nakangiti pa siya niyan habang nakatingin sa akin. Napangisi ako.
"Ano ba yun?" Takang tanong ko na sa kanya.
"Iuuwi mo na ba yung pana at palaso mo? Sayo naman iyon eh." Ang tinutukoy niya ay yung ginamit ko kanina.
"Siguro."
"Sige, pero kung ayaw mong iuwi ako nalang muna, pero may gagamitin ka ba para sa Interhigh?" Napabuntong hininga ako sa tanong niya.
Sa totoo ay wala akong problema sa paglalaro ng Archery. Ang problema ko ay kung ano ang pwedeng mangyari sa Interhigh o sa Intramurals.
"Iuuwi ko nalang." Kita kong Napangiti si Stephanie sa naging sagot ko.
"Na Miss kita." Bigla ay sabi niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang na asa bulsag\ ng Jogging pants ang dalawang kamay.
Ngayon ay papunta na ako sa room ng DT. Dahil nga raw may meeting. Habang tinatahak ang daan papunta roon ay nakita ko pa sila Tatsumaki kasama ang iba pang players ng Basketball.
Hindi ko na sila pinansin at deretyo lang ang aking pagalakad papunta sa room ng DT. Ng marating ko ang room namin ay nag eensayo na sila.
'Akala ko ba ay meeting lang?' (O__o)??
Kumatok ako pintuan. Natigil sila sa pagsasayaw ay lahat sila ay Napalingon sa akin.
"Dela Vega!!!" Alam kong si Shine iyon. Sa tinis ba naman ng boses ay alam mo ng siya yun.
Siya si Shine ang leader ng DT. Pero ako ang President ng Cultural Group. Hindi ko alam kung paano nanyari yun. Trip siguro ni Miss Remedios na pahirapan ang buhay ko.
Hindi naman talaga ako into sa music. Mahilig lang talaga akong mag Piano. Napansin ako ni Miss Remedios kaya ayun sinali ako kahit na hindi ako ng try-OUT.
Si Shine, morena, may katangkaran narin. Pero mas matangkad ako. Section A1 siya, dati kong kaklase. Matangos ang ilong, malaki ang mata, sakto lang ang bibig. Ganito isipin niyo si Galiza de Castro na umitim ng bahagya at medyo tumangkad at sa galaw ay sumisigaw siya ng MAYAMAN AKO!! Oo mayamn siya. Ganoon, ganoon ang itsura niya. Kaso maganda na sana, maingay nga lang at chismosa.
Wala atang chismis na hindi niya pinalampas.
Patakbo talagang lumapit sa akin si Shine. Pagkalapit niya ay siya ring paghawak niya sa balikat ko at ani mo'y naiiyak na natatae na na ewan. Napaliyad ako dahil bigla nalang niyang hinaplos ang balikat ko.
(—___—) 'Letche, ano nanaman bang pumasok sa utak ng babaeng ito?' Langaw na ata'
Bigla-bigla ay inakap niya ako. Ang mga ka group member ko ay pawang mga natatawa na. Ako nahihiya na ako sa mga kinikilos niya.
BINABASA MO ANG
He's my right Way (On-Going)
Ficção AdolescenteIsang Hambog na babae na maganda, maputi, matangkad, matalino lahat na ata ng hahanapin ng lalaki sa isnag babae ay asa kanya na. At isa pa isa siyang magaling na estudyante lahat kayang sagutan. Palaaway sapagkat hindi naging maganda ang kanyang na...