Gab POV’
Ako si Gabriella Tan, lakas makababae ng pangalan ko no? Gab ang tawag ng marami sakin, kesyo isa kasi akong tomboy.. 15 years old, maputi, maliit, at syempre POGI! :) ano angal ka??
Damit lalaki ang lagi kong sinusuot, di ko hilig magp*ke short na akala mo kita na ang kaluluwa at mga girly accessories. No way!! Simple lang ako manamit, laging nakapantalon basta lahat ng mga pang-ibaba na nasisiguro kong hindi makikita ang binti ko, laging nakat-shirt na panlalaki at ang favorite accessories ko? Hindi hikaw, hindi kwintas, kundi cap at relo lang.. Sa school din panlalaki ang uniform ko, pero hindi porket panlalaki lahat ng ginagamit ko, panlalaki narin ang gupit ng buhok ko, mahaba ang buhok ko, straight ito pero gumagamit ako ng wig sa tuwing papasok ako sa school..
Andito kami ni parekoy sa hallway ng school namin. Nagcutting classes kasi kami at sya ang lagi kong nakakasama sa kalokohan. Siya si James Andrew Chua, mayaman yan, matangkad, gwapo, sikat, san kapa? Matagal ko na siyang bestfriend simula pa nung grade 1 kami, meaning 6 years old palang kami nung nagkakilala kami. Kapatid ang turing ko sa kanya, kapatid din nman ang turing nya sa akin at nagtutulungan din kami sa lahat ng bagay na alam naming matutulungan namin ang isa’t-isa.Sya lang ang nakaka-alam ng lahat ng estado ko sa buhay, syempre alam ko din yung kanya, bestfriend kami eh, wala nang makapaghihiwalay sa pagiging magkaibigan namen..
‘Oy parekoy, gusto mong mantrip? Tanong nya na nagpalawak ng ngiti ko
papakiligin nya kasi yung babaeng bibiktimahin namen at ako naman ang gagawa sa pinakamadaling trabaho,
yun ay ang kuhaan ng litratoang reaksyon ng babaeng pagtitripan namen.
‘Sige ba parekoy, basta dating gawe, kapag hindi nakakatawa ang nakuha kong litrato, ikaw ililibre ko pero pag nakakatawa ako naman ililibre mo’ taas noo kong sabi sa kanya habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa.
‘Deal with it, :) sabi nya at tumayo na sa sahig..
Tumayo nadin ako at kinuha ang cellphone sa bag ko
Naglalakad kami sa hallway ng maispot naming ang isang babaeng maputi, maganda at sh*t napaka-amo ng mukha, teka lang, parang bagong student ata dito sa GreenField Academy yan ah… Mukhang Masaya tooooooooooooooooooo!! *EVIL SMILE*