------------------14

39 1 0
                                    

Pagka-uwi ko, umakyat agad ako sa kwarto,tanggal sapatos, tanggal medyas, tanggal polo at pants, pati narin ang wig..

Nakasuot lang ako ngayon ng jersey na short, yung pangvolleyball?? Player kasi si Jem ng volleyball, syempre hiniram ko yung jersey nya. Tas nakasando lang ako.. para hindi mainit..

Maalala ko nga pala!, yung papel sa locker ko??

Dali-dali kong binalikan yung pants ko at kinuha yung papel na nasa bulsa nito, humilata ako sa kama at binuksan ito…

Letter?? Hmm. Para saan?? Baka parents meeting… pero bakit may mga heart?? Hmmm…..binasa ko nlang ito..

Dear Gab,

 Akala ko nung una wala na, akala ko yun na yung huli. Pero nagkamali ako gab, isang araw nalang pag-gising ko naisip ko na hindi ko pala kaya, ayoko palang bumitaw kasi mahal na mahal kita at ayokong magsisi na bibitawan ko ang taong nagbibigay buhay sa akin. Ayokong bitawan ang taong nagbibigay ng lakas sa akin. Ayokong bitawan ang taong nag bibigay ng ngiti at saya sa akin.

 Ngayon ko lang naramdaman ung ganitong pakiramdam. Ibang iba ang LOVE sa TRUE LOVE, para sa akin true love na ung nararamdaman ko dahil kahit may 100 dahilan para iwanan at iwasan kita meron paring isang dahilan para alagaan kita gab. Ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon eh hindi kita susukuan, ay yung tinatawag na pagmamahal. Gab, Kung panaginip man ito, ayaw ko ng magising. Dahil sobrang saya ng pakiramdam ko pag kasama kita. Sana habang-buhay tayong magkasama. Mahal na mahal kita gab. Kahit na alam kong bawal, itutuloy ko, kahit maghirap ako mapasagot lang ang mahal ko, handa kong tanggapin kung ano ka ngayon, kahit sino kapa, iba ka talaga sa ibang taong nakilala ko. Binigyan mo ng kulay ang dating madilim na mundo ko. Ngayon, ang nais ko lang na malaman mo. Na ikaw lang ang pinakamamahal ko. At ako’y umaasa na sana’y ganon din ako sayo. Ang sarap pala ng pakiramdam ng magmahal.Pero wala nang hihigit pa sa ligayang dulot na ikaw ay mahalin ng taong mahal mo din. Sana maunawaan mo ang nais kong iparating sayo gab, kung magpakilala at magpakita man ako sayo, hindi ngayon dahil baka hindi ka pa handa, sana matuto kang makiramdam dahil ayokong maging manhid ka sa mga paratang na ibinibigay ko sayo, sana mahalin mo rin ako, SANA GABRIELLA TAN tanggapin mo ako.. mahal na mahal kita at sana

.

.

MAHAL MO RIN AKO! :(

Boyish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon