Ang awkward ng nararamdaman ko, parang may kakaiba eh.. tsk…
Tinignan ko ang cellphone ko pero wala namang mga text galing kay daddy pati kay parekoy..
Bumukas na yung entrance ng resort namen, nakarinig naman ako ng malakas na tugtog, siguro nagsimula na yung dinner party..
Nasa lupa na yung kotse namen pero di parin humihinto….
Hanggang sa huminto ito at may nagbukas ng pinto ng sasakyan namen at inalalayan akong makababa..
Nakatayo ako ngayon sa isang red carpet na kapag sinundan mo ng lakad ay makakarating ka sa dulo at iyon ay isang stage?? Asan na nga pala si Jem??, bakit ako lang ang nandito..
Wait!! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! ANG GANDA DITOOOOOOOOO!!!
Di ko maiwasang mapangiti at magandahan sa nakikita ko, isa syang bonggang party na may tema na white at yellow.. pati mga bulaklak ganon ang kulay… di ko maaninag kung sino yung mga nasa stage…
Napapitlag naman ako sa pagsuri ng paligid ng magsalita yung isang babae at lalaki na nasa stage.. emcee siguro..
Good Evening ladies and gentlemen, this the time that we are waiting for. Tonight is the night that we were celebrating the 16th birthday of Mr.Tan daughter. She’s a greatest and wonderful girl. Beautiful, smart, consistent girl, and a happy person. She’s a good character to us. A person wanted to succeed all of her beautiful dreams who believe that her future is belongs in it. And now, may we introduce to all of you. That girl is none other than, Ms.Gabriella Tan.
Atsaka nagpalakpakan ang mga tao, ang dami nila, halos lahat ata ng business partners ni daddy nandito, may mga schoolmates din akong nandito..
Nakatutok sa akin yung spotlight at dahan-dahan akong naglakad papunta kila daddy na nasa stage, andun nadin si Jem..
Hindi ako makapaniwala, naalala pa pala nila ang birthday ko. Ni ako mismong may kaarawan hindi ko alam..
Masyado akong natuwa sa hinanda nilang party para sa aken.. lahat ng mga nasa paligid ay ang mga bagay na gusto ko.. mga balloon, flowers na puro white at yellow ang kulay…
Nakarating na ako sa stage at inalalayan ni daddy na maka-akyat..
Niyakap ko sya, gayon narin sina mom at Jem..
Let us all welcome, Ms.Gabriella Tan..
Sabi nung babaeng emcee..
Pinaupo ako sa isang upuan na akala mo pang mahal na prinsesa ang peg.. may tarpaulin na malaki at may nakalagay na Happy 16th Birthday Gabriella Tan, may mga picture ako don na syempre pangbabae ang dating..