-------------------6

40 1 0
                                    

James POV’

Bakit parang hindi ako pinapansin ni parekoy?? Haist, tanga ka ba talaga james? Malamang hindi ko siya napansin kaninang umaga, pano inuna mo pagtitig kay ivy!! Tsk…

Nakikipagkaibigan lang naman ako kay Ivy eh pero hindi ko naman sinsadyang hindi mapansin si parekoy,

Kanina nga tinanong ko sya kung kumain na sya, eh napatingin sya bigla kay Ivy kasi kasama ko sya kanina, sabi nya tapos na daw siya tsaka sya nagpaalam saglit.. sinundan ko sya at nakita ko syang pumasok sa Music Room, anong gagawin nya don??

Simple lang, kinalabit yung gitara nang kung anu-anong chords na di mo malaman kung anong kanta ba yung tinutugtog nya… pero bigla itong umayos sa pagtugtog at narinig ko ang boses nya, kinanta nya yung themesong naming dalawa..

Pero di ko alam ang gagawin ko nang Makita kong may tumulong luha sa mga mata nya, pupuntahan ko sana sya kaso biglang nagvibrate ang cellphone ko.. nagtext si Ivy at kinakailangan nya daw ang tulong ko nung oras ngayon…

Wala akong nagawa kundi umalis sa Music Room at puntahan si Ivy, pero gagawa ako ng paraan para dina magtampo sa akin si parekoy at magsosorry nadin ako sa kanya..

Hay BUHAAAAYY!!! -_-

Gab POV’

Andito ako ngayon sa kwarto ko dahil umuwi nalang ako kanina pagkatapos kong magpunta sa music room..

Naiinis ako kay parekoy, hindi na nya ko pinapansin minsan at lagi nalang yung Ivy yung kinakausap.. di na sya nangungulit at di na kami nagtatawanan katulad ng Gawain namin dati…

Natulog nalang ako at baka sumama pa pakiramdam ko..

----- nagising ako sa lakas ng kalabog ng pinto ng kwarto ko….

ATEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!! …’ Sh*t Jem mapapatay na kitang bwiset ka!!, bakit ba hilig nya laging sumigaw, babae ba talaga yan??

Binuksan ko ang pinto at akmang kokotongan sya pero agad syang umiwas at tumawa ng malakas.. biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising..

Ano ba kailangan mo!! Bwiset natutulog yung tao oh?? Ang epal mo!! Sermon ko sa kanya habang nag-uunat

Peram hair blower.. ‘seriously?? Ginising lang ako ng gagang to para humiram ng blower.. ? humanda ka sakin Jen Michelle Tan… you’ll pay for what you’ve done

Damn Jem, Gusto mong mamatay?? Tanong ko sa kanya..

Joke lang sis, ito naman hahaha btw andyan si kuya james kanina pa nag-aantay sayo palibhasa kasi tulog mantika ka!! Hahahahahahaha tsaka siya tumakbo, alam nya sigurong babatukan ko sya.. at nang-asar pa ang gaga, tulog mantika your face..

But WHAT?? Si parekoy andyan??

Naghilamos lang ako at nagtoothbrush, di na ako naglagay ng wig, si parekoy lang nman yan eh..

Boyish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon