Seriously?? Ganon ganon nalang yon? Pagkatapos ko syang antayin papapasukin nya lang ako? Di ba kami magcucutting? Tsk
Para akong timang na kung anu-ano ang iniisip, nakatanga at naguguluhan, pagkatapos ko syang tulungan, parang walang nangyari lang sa kanya?
Lunch time na namen at pumunta nalang ulit ako sa music room para maggitara, mukang di ko yata kayang kumain…
Papasok na sana ako ng higitin ni parekoy yung braso ko
Hoy, ano ba? Ano kaylangan mo? Sabihin mo na at tutugtog pa ako.. ‘ tsaka tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin..
Bawal kang pumasok dyan.. sabi niya
At bakit??’ tsaka ko sya pinandilatan ng mata
Haharanahin ko kasi si Ivy eh.. tsaka sya nagkamot ng ulo
Ah diba sabi ko di na uso yon?? Ah siya nga pla, parekoy aayain sana kitang magmovie marathon sa bahay?? ..’ payag yan tsak lagi naman kaming magkasama sa mga ganyang bagay eh..
Ah, parekoy hindi kasi pwede eh, pupunta kasi si Ivy mamaya sa bahay gustong Makita nila daddy, gusto mong sumama?? :-( ngayon lang siya tumanggi saken..huhu
Ah sige, take your time and goodluck nalang…. ‘ di ko na narinig yung sunod na sinabi nya basta ang alam ko lang nilisan ko na yung lugar na yon at tumakbo ng mabilis para makaalis
Andito ako sa hallway at inaayos ko ang locker ko, nilagay lahat ng libro para hindi mahirapan magbuhat at wait, Ano to??
Kung idedefine ko sa inyo, isang puting papel na may mga heart na design, letter siguro
Nilagay ko yon sa bulsa ko at nagpunta sa cafeteria.. mamaya ko nalang siguro titignan sa bahay..
Burger at juice lang ang inorder ko, di naman ako kasing takaw sa inaakala nyo.. mamaya pala may practice kami ng sayaw.. kasali ako sa Mapeh Society dito sa school namen, Isa ako sa mga singer dun, dancer, painter at ako nga pala ang Captain Ball ng Mapeh Society, meaning I’m the president in that club..
*auditorium*
Andito kami sa auditorium para magpractice ng sayaw na ipepresent sa marriage anniversary ng may ari ng school nato.. imbis na umarkila pa sila ng sasayaw at magbabayad pa, kami nalang ang kinuha tutal insentives lang naman sa grade ang ibibigay na kapalit…
Ako ang nasa unahan at leader ng grupo nato..
Maya-maya pa ay tumugtog na yung sasayawin namen,
Unang part mabagal lang ang pagsayaw namen, hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina sa music room, ano kaya naging kalabasan ng panghaharana ni parekoy??
ARGGGGHHH magsasayaw nalang ako….
Hanggang sa pabilis ng pabilis yung tugtog, nanonood sa amin yung koryo namen at nangingiti… nagandahan siguro , tatlong babae lang kasi ang kasali dito haha dalawa lang pala, diba nga lalake ako?? :p
Natapos ang sayaw na halos lahat kami hingal na hingal, ng biglang may narinig kameng pumalakpak ng malakas sa kaitaas-taasan, tsaka sumigaw nang,
Kaya mahal kita gab!! Iba ka talaga!!
Sino yon??