Chapter sixteen
"Wake up! Hey! Gumising kana dyan!" Niyugyog pa ako ni kuya para lang magising.
"Hm. Kuya! Magtigil ka nga." Nakapikit ko paring sabi.
"Gumising kana dyan. or else... ipapagrounded kita."
Agad akong bumalikwas ng bangon. Kahit nakapikit pako at antok na antok, pinilit kung imulat ang mga mata ko.
Argh! One week passed by quickly. Pasukan nanaman hays.
"Kuya naman! Sabi ko wag ka pumasok dito e!" Binato ko sya ng unan.
Nakita ko syang nakapang suit. Papasok na sya sa office.
"Kala mo naman parang gusto kong pumasok dito. Sumusunod lang ako kay Mom." Tsaka nya tinalikuran. Bastos jok mahal ko padin yun kahit may saltik.
Agad na akong bumangon at inayos ang tinulugan ko. Kinuha ko na ang twalya ko saka na ako pumasok sa banyo. Pagkatapos ko maligo, pumasok na ako sa Walking closet ko. As usual nag fitted jeans na ako at nag v neck shirts na lang ako. Wala akong pake kung hindi bagay eh kesyo dun ako comfortable eh. Nagsapatos na rin ako pagkatapos ay nagsuklay na din ako hindi na rin ako nag cacup ewan ko ba. Bumaba na din ako pagkatapos.
"Hi?"
"Ay tanga!" Sa gulat ko ay napatalon ako. Napalingon ako kung sino ang nagsalita. Anak ng!
"Henry!?"
"Good morning, love."
"Tseh!" Tsaka na ako dumiretso sa dining area buti na lang at nandito sa dining area si Mom.
"Oh. Anak kumain kana at tawagin mo na din si Henry dito."
Uupo na sana ako ng marinig ko ang pangalan ni Engot.
"Ano?!"
"Kanina kapa nyan hinihintay. Ang tagal mo magising late na kayong dalawa." Pinanlisikan pa ako ni Mom. Kainis parang kasalanan ko pana na late yung Engot na yun.
Padabog akong bumalik sa sala kung na saan si Henry.
Tumayo naman sya ng makita nya ako.
"Kumain kana ba?" Tanong ko sakanya.
"Uh...-"
Hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Hinila ko na sya papunta ng dining area.
"Oh. Maupo na kayo." Sabi ni Mom.
Umupo na ako at kumuha na ako ng makakain ko.
Tinignan ko si Henry na nakatayo pa rin kaya hinila ko sya paupo."Kumain ka." Sabi ko.
"Ayaw mo ba luto ko Henry?" Paawa effect naman si Mom.
Parang ewan."Ah...Hindi po kakain na nga po ko e." Tsaka na din sya kumuha ng kanyang makakain.
"Saan si Dad, Mom?"
"Bumalik na sya ng US. May aasikasuhin pa daw sya doon." Sabi ni Mom.
"Agad Agad?" Ngumunguya ko pang sabi.
"Anong gusto mo tagal tagal?" Pambabara naman ni Kuya.
Sinamaan ko sya ng tingin. Kanina lang ang tahimik nya. Sumabat na sya ngayon.
"Magtigil ka kuya. Babatuhin kita ng tinapay."
Tumawa naman sya ng malakas. Nagkatinginan naman kami ni Henry. Mukhang naintindihan nya naman dahil tumango sya.
Kala ni kuya hindi ko kaya ah. Let's see.
Kumuha ako ng dalawang pandesal. Sinubo ko yung isa para hindi halata.
