Chapter eighteen-whatever -.-
"Wag mo akong lokohin!" Asik ni Thea sa akin
Tumawa naman ako sa reaksyon nya. Biniro ko lang naman kasi sya na lilipat na ako ng University. Lilipad na ako ng States mamaya at bigla na lang sya umiyak.
"Nakakainis ka naman e!"
"Bakit? Anong ginawa ko?" Inosente kong tanong.
"Zari!"
"Boy!"
Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang pangalan ko.
"Oh! mga Boy!"
Nang makalapit na sila ay niyakap nila ako ng mga babae.
"Oh, Hi Thea." Bati nila.
"Hello!"
Napatingin naman ako ngayon kay Rich na nasa harap ko na ngayon.
"Hm. Hi?"
Nabigla ako ng bigla syang yumakap sa akin.
Nagkantyawan naman ang mga tropa ko.
"Uh...Rich?"
Napatingin ako kay Charlie. Umiwas naman sya ng tingin."I miss you." He whispered.
"Ah...eh..."
"Tama na yan hoy!" Sabi ni Alli sabay hila kay Rich.
"Ang tagal nating hindi nagkita ano yun may bago ka ng tropa?" Masungit na sabi ni Alli.
"Busy lang."
"Namiss ka namin! Hindi na tayo nakakalabas! Kelan ka ba free?" Singit naman ni Joy.
"Pwede siguro mamaya?"
"Sabi mo lilipad kana mamaya sa states!" Singit ni Thea na napalingon sa kanya ang mga ka tropa ko.
"Ano sabi mo?!" Sabay nilang sabi.
Sabay na naman silang tumingin sa akin. Bumunghalit ako sa tawa ng nakita ko ang mukha nila.
Pati si Rich at Charlie nalaglag ang panga dahil sa narinig.
"Lilipat na daw sya ng University!" Dugtong ni Thea.
"Love, say it that's not true." Isang pamilyar na malamig na boses ang narinig ko sa aking likuran.
Napalingon naman ako sa aking likuran. Nangantog bigla aking mga paa dahil sa kanyang madilim na tingin.
"Love?!" Sigaw ng sa likuran ko.
"Henry my labs!!!" Sigaw ni Kiera naman.
Nagpalipat lipat ako ng tingin.
"Ah. Yeah that's not true."
Sabay ko sa kanila."Loko ka pala! Mahihimatay ako dito pag totoo!" Sabi ni Joy.
"Malulungkot ang mga suitor mo kapag nagkataon." Biro ni Tina.
Napalingon ako ngayon kay Henry na ngayon ay naglalakad na paalis.
Akmang aalis na ako ng hilain ako ni Charlie.
Dahil sa bigla nyang paghila napasubsob ako sa kanyang dibdib.
"Anong meron kayo nun?" He whispered.
Tumayo na ako ng maayos. Tinignan ko naman sya. May bahid ng sakit ang kanyang mata. Pero agad ding nawala at napalitan ng walang emosyon.
"None of your business."
Tumingin ako sa mga tropa ko na nag kwekwentuhan. Kausap din nila si Thea.
"Aalis na ako."
Napabaling naman sila sakin pati si Thea.