Chapter 17

9 3 0
                                    

Chapter seventeen

"Ma! Ayaw ko nga e!"

"Whether you like it or not! Pupunta at pupunta ka sa prom mo!" Asik ni Mom sakin.

Nakakainis ha. Kakauwi ko lang ganto bungad sa akin ni Mom ko. Nagtanong pa kasi si kuya sa event namin e! Ako naman nahuli ko na narealize na nabanggit ko yung prom na yun! Paano ba nalaman ni Mom na ilang araw na lang ay magaganap na ang prom? Kaloka.

Tinawagan ko si Kiera. Sya lang kasi ang magsasabi kay Mom kapag tinanong neto e, walang preno bunganga nya.

Naglakad lakad ako at hinihintay ang sagot ng tawag ni Kiera.

(Hello teh?)

"Kiera..."

(Bakit? May problema ba?)

"Ikaw ba nagsabi kay Mom na malapit na prom natin?" Tanong ko lang yun pero pati ako nahalata kung may bahid na ng inis.

Katahimikan.

"Hello?"

(Sorry na teh! Nasabi ko kasing may gusto lang ako tignan na gown sa Walk in Closet mo. At nagtanong kasi si tita kung ano ba titignan ko sa WiC mo sabi ko ipangpapare ko sa suot natin sa gaganaping prom...Kasi naman hindi ka namin nakakasama sa mga gantong event. Hindi kana nga umattend nung last year. Pagbigyan mo na ako!)

Sya lang ang pumupuslit sa WiC ko. Kung ano gusto nya hihingin nya syempre ako hindi ko ibibigay. Ano sya? Swerte?

"Tsk. C'mon, how can I forgive you?"

(Teh naman eh! Libre kita! Kahit anong gusto mo bibilhin ko.)

"Like books?"

(Oo naman! Kahit ano pa yan bibilhin ko.)

"K. Sabihan na lang kita kung kelan tayo bibili."

(Bati na tayo?)

"Nah."

(Wahhh! Sabi mo kapag bibilhan kita ng gusto m-)

I ended the call.

Nakakainis naman to! Makati kaya mag suot ng gown! Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Nagmartsa na ako papunta sa kwarto ko.

Kinuha ko ang twalya ko at tumuloy na sa banyo. Pagkatapos kung maligo ay ginawa ko ang night routine ko. Pinunasan ko na din ang buhok ko at tsaka sinuklay. Kelangan ko na sigurong magpa gupit. Haba na at isa pa naiinitan na din ako.

Knock knock knock

"Papasok na ako Zari."

"Oh. Bakit kuya? May kelangan kaba?"
Sumalampak na ako sa kama. Nandoon sa kama ko ang laptop ko kaya binuksan at si-nwitch kuna ang laptop ko.

Umupo sya sa sofa ko.
"Nandito na sya sa Pilipinas."

Kumunot naman akong tumingin sa kanya.

"Sino?... wag mong sabihin kuya na nandito na si Ate Zia?!" Pangalawa sa panganay.
Bunso ako hihihi. Si kuya ang panganay.

Si Ate Zia ay isang istrikta pero mapagmahal. Aguy penge chocolate ate! Jok. Kasama nya si Dad sa US. Bale si Kuya ay May ganap na din sa company namin pero dahil may independent din syang trabaho dito ay kay Ate na lang binigay ang kay kuya. Ako? Tumutulong pa kaunti unti.

Next year ay mag cocollege na ako. Gagraduate na ako. Ang kinuha kung course bale HRM. Business is business.

"Susunduin na natin si Amazona sa airport bukas."

"Anong oras?" Saka na ule ako bumaling sa laptop.

"Sunduin na lang kita bukas sa campus nyo."

Behind His SingingWhere stories live. Discover now