Chapter 7

14 5 0
                                    

Chapter seven

Ang sakit sakit ng ulo ko. Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Umupo ako at hinawak ko ule ang ulo ko.

Napadilat ako at napansin kung hindi ko ito kwarto! What the hell!? Agad kong tinignan ang damit ko at WAHHH! Hindi ko na damit ang suot ko!!! Shit! Dahan dahan akong tumayo dahil nahihilo pa ako.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko ang isang engot na naka topless naka talikod sya at nagluluto.

"Hoy! Anong ginawa mo sa akin?!"bungad ko sakanya na nagpatalon sakanya.

Humarap sya kaya naman hindi ko napigilan tignan ang paiwasan nyang abs! Aish Agad akong tumingin sa mukha nya.
"Ha? Sinasabi mo? Ganyan kaba mag good morning?" Taas nyang kilay na sabi.

"Abat! Sinong magiging Good ang morning kung pag kagising ng umaga wala ako sa kwarto ko at iba na ang suot ko!!!" Sigaw ko.

Napanganga sya sa sinabi ko. Mukhang nabigla sya sa sinabi ko at namula ang kanyang mukha tsk manyak!!!

"Gusto mo malaman ang nangyari?" Mukha pa nga syang nandidiri.

"OO!"

Flashback
Henry's PoV

"Haynako ka naman babae ka. Mahihimatay pa sa gitna ng daanan."

Binuhat ko sya ng bridal style hanggang makarating kami sa parking lot. Isinakay ko sya sa backseat para makahiga sya.

"Inom pa more hindi naman kaya." Sabi ko sakanya Sabay iling.

Sumakay na ako sa driver seat at pinaandar ko na ang Ferrari ko.

Ihahatid ko na sana sya ng hindi ko alam kung saan sya nakatira kaya tinignan ko sa bulsa nya ang kanyang selpon ang kaso lowbat. Napasapo na lang ako ng noo.

"Oh god help me." I whispered.

Wala akong nagawa kaya no choice ako.

Agad na akong bumaba at umikot para buhatin ule itong babaeng to.

Hays buti na lang at wala ng tao sa hallway kung may tao man pagtitinginan pa ako psh.

Agad kong tinap ang card ko at pumasok sa loob ng condo ko.

Dahil ang bigat nya ay dinala ko na sya sa guest room.

Dahan dahan ko syang nilapag sa kama. Nabigla ako ng umupo sya ng nakapikit at nagsuka sya! What the fuck!? Pag katapos ay hinubad nya ang kanyang jeans! Dahell!? Agad akong umiwas. Lumingon ako sa mukha nya ng hindi ko makita ng tuluyan ang nasa baba buti na lang at hindi ko in-on ang ilaw. Nakahiga na sya. Kaya lumabas muna ako at kumuha ng bimpo at palanggana. Bumalik ako at umupo ule sa tabi nya.

"Ganyan ba talaga ang epekto ng alak sayo? Kakaiba." Sabi ko sakanya at sinimulan ko syang punasan sa mukha, nakasuot parin sakanya ang kanyang sumbrero kaya dahan dahan kong inalis at nilapag sa lamesa.

Hindi ko mapigilan ang tumitig sa kanyang mukha ang anghel ng dating mahahabang pilik mata makapal na kilay makinis na mukha at mapupulang labi. Naisip ko yung nangyare kanina ang lambot psh. Napailing ako.

Kasunod kong pinunasan ang magkabila nyang kamay.

Napansin ko ding basa ang kanyang damit dahil sa kanyang pagsuka kanina.
halo halong alak aish.

Lumabas ako at inilapag ang bimpo at palanggana sa kusina.

Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap ng bago at malaking t shirt ng matakpan din ang nasa... ah basta!

Behind His SingingWhere stories live. Discover now