Chapter twenty two
(PRESENT)
"Nakabili na ako ng tickets para sa concert ni Zari guys Uwu..."Sigaw ni Josh. Nagtatalon talon pa ang gago.
"Aba aba sikat na solo artist na sya gad!" Komento naman ni Joy na lumalamon parin. Buti na lang at hindi pa sumasakit ang tiyan nya. Magtatakbo yun papunta sa banyo kung sakaling sumakit ang tiyan nya.
Tumawa naman ako.
Walang masyadong tao ngayon dahil pinareserba namin. So kami kami lang nandito. And yup malaki ang binayad namin.
Two years from now at isa na akong successful solo artist. Kasama ko ngayon ang mga katropa ko nandito kami sa Starbucks. Namiss ko din sila matagal tagal din hindi ko sila nakasama.
"Nakapagpractice kana ba?" Tanong sakin ni Rich.
"Uhm hindi pa. Mamayang gabi nalang siguro bukas na din yun kaya itotodo ko na mamaya." Ngiting sabi ko.
Nilinga linga ko ang ulo ko pero hindi ko makita si Charlie.
"Saan na ba yung hinayupak na yun? Yung pinabibili ko sakanya ang tagal nya." Inis na sabi ko.
"Ayon oh." Turo ni Ted sa papasok na lalaki.
"Ito na madame." Sarcastic na sabi nya.
"Ang tagal tagal mo!" Reklamo ko.
"Aba! Mahirap hanapin yang pinabili mo sa akin. Buti nga nahanap ko yan doon sa isang Mall e."
Natawa naman ako dahil nakabusangot na ang mukha nyang nakaharap sa selpon nya. Siguro nAg aaway ang sila ng jowa nya. Sorry naman.
"Ano? Puntahan mo na si Cheska. Nakabusangot pa mukha mo dali na." Sabi ko.
"Sure ka? Sigurado na yan?" Tanong nya.
"Oo. Sige na. Send my regards to Cheska."
Agad syang tumakbo palabas.
Masaya ako nakahanap na sya ng kapareha nya. 8 moths na sila. naka move na sya sa akin kaya wala ng awkwardan. Si Rich ayon stay single parin. Naka move on na din sya sa akin. Pero hula ko may pinupormahan ito e.
"Gago ka akin na yang pagkain ko Josh!" Sigaw ni Kiera.
"Utot mo kumuha ka na lang ng iba akin ito eh. Inagaw mo lang."
"Akin na!" Inis na sabi nya.
Nakita kong dinilaan ni Josh ang kinakain nya. Yuck!
"Ayan na ohh!" Sarcastic na sabi nya. Inabot nya pa kay Kiera.
Si Kiera naman ay sumisiksik na sa upuan para lang hindi nya malapit sakanya ang inaaabot na pagkain ni Josh.
"Yuck ka talaga Josh! Order ka nga ng bago!" Inis na sagot ko. Binato ko sya ng tissue. Nakailag naman ang gago.
"Isang chocolate cake na din ah." Sabi ni Tina.
"Ano pa ipapaorder nyo? Treat ko dahil si Josh na bumili ng tickets nyo."
"Ayon oh!" Sabay sigaw nila.
Sinabi na nila kay Josh lahat ng gusto nila. Sumandal ako sa kinauupuan ko. Hindi ko parin sya makalimutan. Namimiss ko na sya. Wala akong galit sakanya dahil walang kami nun pero nasaktan parin ako.
Sinulyapan ko ang mga kasama ko. Si Tina ay naguusap sila ng kanyang kapatid na si Summer. Kumakain na din sya ng Ice cream habang kausap nya ang Ate nya. Buti at pinapakain na sya ng Ate nya ng Ice cream. Ang naaalala ko ay bawal sakanyang kumain ng Ice cream. Si Josh at Kiera nag babangayan nanaman hindi ko alam pero parang may something sa dalawang ito. Si Ted at Kian ay nagtatawanan ewan ko ba sa dalawang ito maka tawa parang walang katapusan. Si Dash at Rich simple lang naka headphone silang pareho. They'll look find cute.
Tumingin na ako sa labas.
Nakatitig ako ngayon sa lalaking nakasandal sa kotse.
Nakahoodie sya kaya medyo kita ang mukha. Parang nakatingin sya sa direction ko. Nang tinitigan ko ay napahawak ako bigla sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na uminit ang sulok ng mata ko. Agad akong lumabas. Hindi ko sila pinakinggan ng tinawag ako ng mga kasama ko.Nang makita ko sya ay malayo na syang naglalakad. Agad kung binilisan ang pag takbo ko.
"HENRY!"
"Henry! Stop!"
But he didn't stop.
I run fast as I can. Napatigil ako ng tumigil sya. Agad akong tumakbo patungo sa kanya. Walang atubiling niyakap ko sya ng mahigpit patalikod.
"Henry..." I murmured.
"Si Zari ba yun? Yung sikat na solo artist?"
"Pero sino yung niyayakap nya?"
"Ewan, Boyfriend nya siguro."
Napatingin ako sa nagsabi nun. At nabigla ako ng ang dami nila. Mukhang grupo sila.
"Sya nga!" Sigaw nila.
"Oh my Gosh!!!"
Agad silang tumakbo papunta sa akin.
Agad naman akong nagpanik.
Papaano si Henry? Hindi. Hindi ko sya iiwan. Napatingin naman ako sa pulsuhan ko ng hilain na ako ni Henry patakbo.Ako naman ay nagpahila na rin. Pero nakakapagtaka bakit ang takad nya at mukhang lumaki ang katawan. Ni hindi pa sya nagsalita. Hindi nya ba ako namiss?
Nang makalayo na kami ay tumigil kami sa isang kotse. Mercedes Benz. Mahilig talaga ito mag palit ng kotse hays. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Sumakay naman ako, tsaka nya na sinara ang pinto. Umikot sya at sumakay na sa driver seat. Sinara nya na din ang pinto.
Walang nagsalita.
Nabigla naman ako ng inalis nya ang hooding suot nya.
He smiled.
"I know na susundan moko." He simply said.
Magkamukha sila ni Henry...Wag mong sabihing Kuya nya ito?
"Yes. I'm his eldest Brother, I'm Harry."
Mind reader ba ito?
Hindi parin ako nagsasalita. Nalilito parin sa nangyayari.
"To be honest, I don't know about you. Lagi kang kinikweto ni Henry sa akin."
"You know..." he cracked his voiced.
Napakunot ako.
"When the day he left you...he always keep saying sorry because...iiwan ka na nya. He might not open his eyes again. Lagi nyang sinasabing mahal na mahal ka nya. And that time bumagsak sya sa sahig sa kalagitnaan ng aming pag kwekwento."
I frozed.
"He's in coma. He has a brain tumor. But they said that can be surgically cured. Hindi daw malignant yung tumor so hindi daw sya cancerous. Okay naman yung mga vital sign nya. But he needs to undergo surgery as soon as possible. Kailangan nya magising..."
Napahikbi na ako sa narinig. Bakit hindi ko alam ang bagay na yun?
I remember the time na sumakit ang ulo nya. Lagi kong nasisilayan kung paano nya pinipilit wag sumigaw dahil sa sakit. Tinatanong ko sya kung okay lang ba sya. He always keep saying he's okay. Even if it's not.
The medicine on his compartment...
"Kuya Harry...where is he?" Tanong ko.
"States..." He simply said.
Napapikit ako ng marinig dahil kung bakit mas lalong tumulo ang mga luha ko.
"Kaya kita pinuntahan dahil alam kung gusto kang makita ng kapatid ko..."