Chapter fifteen
Nagising na lang ako sa sinag ng araw sa bintana. Teka? Bakit ang lambot ng hinihigaan ko? Agad akong bumalikwas ng bangon.
"Ow. Gising kana pala." Bungad sa akin ni Engot.
"Papanong napunta tayo dito?!" Nagkusot pa ako ng mata para lang maniwala ako na isa itong katang isip pero hindi! Totoo nasa malambot akong kama at nakasandal naman si Henry sa pintuan.
"Tsk. Nag sleep walking ka." Tsaka nya ako iniwan. Engot talaga! Ayos na kaya sya? Tsk. Isip pamore.
Tumayo na ako at pumunta ng cr para maghilamos. Lumabas na din ako pagkatapos. Napansin kong iba na ang damit ko. Isa ng pantulog pambabae. Kelan pa sya nagkaroon neto? At Hello kitty pa!
"Tsk. Obviously I bought for you."
Hindi ko namalayan nasa dining area na pala ako at nag hahanda naman si Engot para makakain na kami.
Umupo na kami at nagsimulang kumain.
"Hobby muna ako palitan no?" Basta nandito ako sa condo nya. Ganun at ganun ang mangyayare.
Nabulunan naman kagad sya sa sinabi ko. Kakasubo palang nabulunan na kagad? Nagsalin naman ako kagad ng tubig at inabot sakanya.
Kinuha nya kagad yun at ininom. Sinamaan nya ako tingin. Syempre tiklop naman ako.
"Ayaw ko ng natutulog ng nakapang alis ang damit." Ano naman kinalaman ko dun?
"Kung sino makikita ko pagsasabihan ko. Pwera na lang kung tulog tsk. Don't worry wala naman akong nakita, nakapikit ako." Inismiran nya ako at nagtuloy na sa pagkain.Aba! Natanong lang naman ako. Minsan may saltik tong Engot na to. Parang babaeng dinalawan lang kagaya ko.
"Sungkitin ko kaya mata mo? Aga aga para kang kinuhanan ng candy!" Ismiran naman ako ng maaga. Sapakin ko kaya ito ng magising sya na nanliligaw sya sa akin.
Napatigil naman sya sa pagkain. Tsaka sya tumingin sa akin. Ako naman kumakain parin pake ko sayo!
"Look. I'm sorry. May bumisita kasing unggoy kanina."
"Paki hanap ng pake ko." Manigas ka kala mo ha! Nagtuloy lang akong kumain.
"Love..."
Shit! Ano yun?! Tumindig na lang bigla ang balahibo ko. Taena naman kase! Ang rupok mo talaga Zari!
Hindi parin ako nagpahuli. Nagpatuloy lang akong kumain.
Agad syang tumayo at umupo sa tapat ko para magkapantay kami. Hinarap naman nya ako bigla sakanya kaya. Hindi ko nakuha yung bacon! Sinamaan ko sya ng tingin. Si engot hindi naman nagpatinag. Lumapit naman sya sa mukha ko! Anak ng pitongpung kabayo naman oh!
"A-anong ginagawa mo?!" Hindi na ako mapakali. Kainis niloloko ako ng engot na to.
Tumawa sya. "Masakit parin ulo ko." Tsaka sya umiwas ng tingin. Kumunot naman ang noo ko. Hindi parin sya magaling...
"Kelangan ko ng kisspirin." tsaka sya ngumisi.
Nalaglag talaga ang panga ko sa sinabi nya! Takte huli na ako! Hindi pa ako kinikiss e. Kung ikikiss ko sya. First kiss ko na sya! Ay tanga! aksidente halik na putanginamers nga naman oh! Naalala ko pa ang katangahan ko last time. Grabe namang buhay to. Basta pag nandito ako sa condo ni Engot iiba ang atmosphere ampota!
"Behlat sayo!" Kala mo ha hindi ako mahuhulog sa mga pakulo mo.
"Uminom ka ng gamot...please?"
Napatitig sya sa akin ng ilang minuto bago sya tumango.
