STORY #28: Twin Sister

4.6K 320 51
                                    

DEDICATED TO: cjameseustaquio (Christian)

DEDICATED TO: cjameseustaquio (Christian)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





ITINAAS ko ang zipper ng aking pantalon. Habang ginagawa ko iyon ay may yumakap sa akin mula sa likuran. Hinalikan niya ang likod ko. “Kailan ulit tayo magkikita, Christian?” tanong ng babaeng nakayap sa akin.

Marahan kong inalis ang braso niya na nakapulupot sa akin. “Sandali, ha. Nagbibihis kasi ako,” iwas ko. Dinampot ko ang t-shirt ko sa sahig at isinuot iyon.

Nasa isang mumurahing hotel kami ng babaeng kasama ko. Nagkakilala kami sa Tinder at pagkatapos ay nag-meet after ng halos isang linggong pag-cha-chat. Kumain sa labas at pagkatapos ay dito na kami dumiretso.

Three hours lang. Short time.

Pagkatapos ng second round ay umayaw na ako at sinabi na kailangan ko nang umalis. Pinigilan pa nga niya ako. Mag-extend pa daw kami kahit siya na ang magbayad. Saka umaga pa lang daw kaya pwede pa kaming magkasama ng matagal. Pero hindi niya ako napigilan. Nangatwiran ako na kailangan ko na talagang umuwi ng bahay.

Ganito kasi talaga ako pagdating sa babae. Madaling magsawa.

Maliban na lang sa girlfriend ko. Sa kaniya lang ako hindi nagsasawa. Iyon nga lang ay masyado siyang conservative kaya ayaw pa niyang magpagalaw sa akin. Kahit pa limang taon na kaming magkasintahan at five months mula ngayon ay ikakasal na kami. Maghintay daw ako hanggang sa unang gabi namin kapag mag-asawa na kami.

Lalaki lang ako. May pangangailangan. Kaya naging takbuhan ko ang mga dating app gaya ng Tinder para makakilala ng babaeng makaka-sex ko ng isang gabi lang. Nag-iingat naman ako. Palagi akong gumagamit ng condom kapag nakikipag-sex ako sa ibang babae.

Kumbaga, pampalipas-oras ko lang ang pakikipag-meet at sex sa iba. Ang talagang mahal ko ay ang aking girlfriend.

“So, kailang ulit tayo magkikita? Can I have your number?” Humarang ang babae nang akmang lalabas na ako ng kwarto. Nakatapis lang siya ng tuwalya.

“I-me-message ko na lang sa Tinder. Okay? I have to go!” Nagmamadaling nilampasan ko siya.
“Christian!” tawag pa niya pero hindi ko na siya pinansin.

Diretso ako sa elevator. Inilabas ko ang aking cellphone at bli-nock ang babaeng naka-meet ko. Kapag kasi gusto pang umulit ay ginagawa ko iyon. Ayoko sa mga madaling ma-attach. Baka mahirapan akong kumawala, e. Baka malaman pa ng girlfriend ko ang ginagawa kong ito. Siguradong hihiwalayan niya ako kapag nangyari iyon. Ayokong hiwalayan niya ako dahil mahal na mahal ko siya.

Paglabas ko ng motel ay sumalubong sa akin ang matinding sikat ng araw.

Kailangan ko pang maglakad papunta sa sakayang ng jeep.

Habang naglalakad ako ay biglang tumawag sa akin ang girlfriend ko. Sinagot ko iyon agad para hindi siya magduda.

“Honey! Napatawag ka?” Masiglang bungad ko.

“Honey, nasaan ka na ba? 'Di ba, monthsary natin ngayon. Nagluto ako ng kaunting handa. Dito ka na mag-lunch. Okay?”

“Yes, honey. Malapit na ako. Bye, honey. I love you!”

“I love you too. Ingat ka!”

At doon na natapos ang maikli naming pag-uusap.

Nang malapit na ako sa sakayan ng jeep ay may biglang kumalabit sa likuran. Kinabahan ako dahil baka sinundan ako ng babaeng iniwan ko sa motel. Pero mas lalo akong kinabahan nang paglingon ko ay nakita ko ang girlfriend ko.

Seryoso ang mukha niya. “H-honey!” Kanda-utal na bulalas ko. “A-akala ko ba ay nasa bahay ninyo ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Hindi ako ang girlfriend mo. Kakambal niya ako!”

Tiningnan ko siya nang maigi. Kamukhang-kamukha nga siya ng girlfriend ko. Wala silang pinagkaiba. “What? Paanong nangyaring kakambal ka niya? Hindi niya nabanggit sa akin na meron siyang kakambal—”

“Nakita kita. Lumabas ka sa motel. Pumasok ka doon na may ibang babae!”

Namutla ako. Nanlamig. Umurong ang dila ko. Hindi ko alam kung paano lulusot.

“Alam ko din na matagal mo nang niloloko ang kakambal ko, Christian. Napaka hayop mo. Walang ginagawang masama sa iyo ang kakambal ko para gawin mo iyan sa kaniya! Manloloko!” Mariin niyang sabi.

“S-sorry… H-hindi ko na uulitin. Huwag mo akong isusumbong sa kaniya. Please!” Pagmamakaawa ko.

Ngumisi siya. “Hindi, Christian. Sasabihin ko sa kaniya ang kawalanghiyaan mo. Hindi ako papayag na niloloko mo ang kakambal ko!” singhal niya.

“Okay. A-ako na lang ang magsasabi sa kaniya. Hayaan mong ako ang magsabi sa kaniya…”
“Talaga? Kaya mong gawin?”

“Oo! B-baka mas masaktan siya kapag sa iba niya malaman.” Wala na rin kasi akong malulusutan kaya mas mabuting ganito na lang ang gawin ko.

Tumaas ang isa niyang kilay. “Mabuti kung ganoon dahil kapag ako pa ang gumawa niya ay sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makikita ng kakambal ko!” May himig na pagbabantang saad niya. Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko siya sa isang kanto at hindi ko na siya nakita.

-----ooo-----

LABIS ang kabang nararamdaman ko habang papasok ako ng bahay ng girlfriend ko. Dahil sa hindi na ako iba sa pamilya niya ay dumidiretso na lang ako sa pagpasok. Sa salas ay sinalubong na agad ako ng aking nobya ng halik at yakap.

“Na-miss kita, honey!” Masaya niyang sabi pagkatapos.

Tulala akong nakatingin sa kaniya. Naisip ko ang kakambal niya na nakilala ko kanina.

“Honey, m-may kakambal ka ba?” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko.

“Meron.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin, honey?”

“Sorry, honey. Actually, balak ko nang sabihin sa iyo ngayon. Death anniversary niya kasi ngayon, e.”

Kumunot ang noo ko. “A-anong sinabi mo? Death anniversary? Tama ba?” Naguguluhan kong tanong.

“Oo. Ten years na siyang patay. Ayaw kong sabihin sa iyo ang tungkol sa kaniya kasi naaalala ko lang kung paano siya pinatay…” Nag-crack ang boses niya. Parang maiiyak siya.

Nanlamig nang husto ang buong katawan ko. Kasunod niyon ay ang pagtataas ng balahibo sa aking magkabilang braso.

“Teka, paano mo nga pala nalaman ang tungkol sa kakambal ko?” tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niyang iyon. Ngunit sa pagtingin ko sa likuran niya ay nakita ko doon ang kakambal niya na kumausap sa akin. Matalim ang mga mata niya sa akin. Maputla ang kaniyang mukha at maitim ang labi.

Nanlabo ang paningin ko. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa sobrang takot!









THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon