STORY #96: Last House On That Street

3.5K 223 30
                                    


DEDICATED TO: YseliPyscho (Allysa)

DEDICATED TO: YseliPyscho (Allysa)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






NAKASANAYAN na ni Allysa ang mag-jogging tuwing umaga pagkagising niya. Iyon na ang ehersisyo niya dahil kapag pumasok na siya sa kaniyang trabaho bilang receptionist sa isang kilalang hotel ay hindi na siya nakakapag-exercise. Gabi na kasi siya umuuwi sa bahay nila. Tutulog na siya sa ganoong oras. Madalas ay sa may park lang nag-jo-jogging si Allysa dahil iyon ang malapit sa kanilang bahay. Umiikot siya ng lima hanggang walo sa kabuuan ng park at saka siya tumitigil.

Isang umaga, gaya ng palagi niyang ginagawa ay lumabas siya ng bahay upang mag-jogging sa park. Alas kwatro y media pa lang ng umaga kaya madilim pa ang paligid ngunit sumisilip na ang araw sa silangan. Isinuot muna niya sa tenga ang bluetooth earphone at nag-play ng music mula sa cellphone na iniligay niya sa bulsa ng suot niyang sports pants.

Nagsimula na siyang mag-jogging papunta sa park ngunit ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang sarado ang park dahil sa on going na construction na ginagawa doon. Iyon ang nabasa niya sa malaking karatula sa gate ng park.

Bumagsak ang balikat ni Allysa dahil sa nalaman. Hindi pwedeng hindi niya ituloy ang pag-jo-jogging ngayong araw at sayang lang ang paglabas niya.

Naisip niya na libutin ang ibang bahagi ng subdivision habang na-jo-jogging. Wala na rin naman siyang choice kundi ganoon ang gawin. Isa pa, magandang pagkakataon na rin ito upang makalibot siya sa kanilang subdivision. Sa limang taon na silang nakatira dito ng pamilya niya ay hindi pa niya napupuntahan ang ibang bahagi niyon.

Sinimulan na ni Allysa ang pagtakbo nang mabagal. Kung saan-saan siya lumikong kalye hanggang sa huminto siya dahil sa malaking pader na nilulumot na ang nakita niya sa kaniyang pupuntahan. Iyon na yata ang pinaka dulo ng kalyeng napuntahan niya. Pero imbes na bumalik ay dumiretso pa rin siya sa direksiyon ng pader. Sa tabi ng pader ay may nakita siyang maliit na bahay na yari sa bato. Bungalow-type iyon at mukhang walang nakatira dahil sa mga patay na halaman sa paligid. Iyon na ang nag-iisa at huling bahay na nakikita niya sa street na iyon.

Hindi niya maintindihan o baka dahil sa curiosity ay nilapitan niya ang bahay.

Tumayo si Allysa sa tapat ng pinto na gawa sa makapal na uri ng kahoy. May peephole ang pinto. Itinaas niya ang kamay para kumatok ngunit bago pa iyon lumapat sa pinto ay nagulat siya nang may isang papel na kulay pula ang lumusot sa maliit na espasyo sa ibaba ng pinto.

Kunot-noong dinampot iyon ni Allysa at binasa ang nakasulat: TULUNGAN MO AKO!

Mas lalong kumunot ang noo niya sa nabasa. Kung ganoon ay may tao sa loob at humihingi ng tulong? Ano naman kayang klaseng tulong?

Doon na nagdesisyon si Allysa na pihitin ang door knob. Hindi iyon naka-lock kaya nagawa niyang buksan at pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa siya nang kusang sumara ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang malansang amoy sa loob ng bahay. Naduwal siya pero walang lumabas sa kaniyang bibig.

Walang kahit na anong gamit sa loob. Walang ilaw kaya wala siyang halos na makita.

Hawak pa rin ang papel ay iginala niya ang mata sa kabuuan. Parang may naririnig siyang umiiyak at sumisigaw. Hindi niya sigurado kung hangin ba iyon o kung ano. Bigla tuloy nagtaasan ang balahibo niya sa braso. Na-sense din niya na parang may hindi magandang mangyayari at mali na nasa loob siya ng isang bahay na hindi niya kilala kung sino ang nakatira.

Tumalikod na si Allysa para umalis. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi na niya magawang mabuksan ang pinto. Sinipa, itinulak, hinila at tinadyakan niya iyon pero hindi iyon natitinag kahit ano ang gawin niya.

Sumisigaw na siya. Pinagpapawisan at natatakot.

Sumilip siya sa peephole at bumangon ang pag-asa sa dibdib niya nang may makita siyang isang lalaki sa labas na nakasakay sa bisikleta. Nakatingin ito sa lumang bahay kung saan siya nakulong.

Sinigawan niya ang lalaki. Halos maputol na ang ugat sa leeg niya. Nakakapagtaka na parang hindi siya nito naririnig. Kahit pinagsusuntok na niya ang pinto ay wala pa ring reaksyon ang mukha ng lalaki. Ngunit natuwa siya dahil iniwan nito ang bisikleta at naglakad palapit sa bahay. Hindi niya inaalis ang pagkakasilip sa peephole upang makita ito.

Nang nasa harapan na ng pinto ang lalaki ay sumigaw nang sumigaw si Allysa pero hindi talaga siya nito naririnig. Doon niya naalala ang hawak na pulang papel na may nakasulat na “TULUNGAN MO AKO!”. Inilusot niya iyon sa maliit na espasyo sa ibaba ng pinto at agad na sumilip sa peephole. Laking pasasalamat niya nang kuhain ng lalaki ang papel at binasa.

Binuksan ng lalaki ang pinto pero bago pa ito makapasok ay isang kulay itim na anino ang humila kay Allysa palayo sa pinto at dinala siya sa madilim na bahagi ng bahay.

Nagwala siya at ginawa ang lahat para makawala ngunit hindi siya nagtagumpay. Masyadong malakas ang anino na nakayakap sa kaniya.

Gusto niyang bigyan ng babala ang lalaki para umalis na ito at humingi ng tulong kaya lang kahit ang magsalita ay hindi na niya kayang gawin. Wala siyang ideya sa nangyayari pero isa lang ang sigurado siya… Hinding-hindi papayag ang kung anumang elemento na meron sa bahay na makalabas siya doon.

Palinga-linga ang lalaki sa kabuuan ng bahay. Nagtatanong ito kung may tao. Hawak nito ang kulay pulang papel na kanina ay nakuha niya rin.

Sa pagsara ng pinto ng bahay nang nasa loob na ang lalaki ay tila alam na ni Allysa ang mangyayari dito…






THE END

















ABANGAN ANG HULING APAT NA KWENTO!

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon