STORY #71: The One In The Middle

3.3K 241 45
                                    

DEDICATED TO: queeniecaramel (Queen)

DEDICATED TO: LemonCee2 (Gwen)

DEDICATED TO: MissPiggy20 (Cheska)

DEDICATED TO: MissPiggy20 (Cheska)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BEST OF FRIENDS. Ganiyan masasabi ang tatlong magkakaibigan na sina Queen, Gwen at Cheska. Simula pagkabata hanggang sa mag-aral at ngayong nasa edad na sila ng twenty eight years old ay magkakaibigan pa rin sila. Nasa iisang kumpanya sila nagtatrabaho bilang encoder.

Sa kanilang tatlo, si Queen ang pinaka angat sa lahat ng aspeto. Ito ang pinaka maganda at matalino. Maganda naman silang tatlo ngunit sadyang mas lamang si Queen. Dahil sa angking ganda ni Queen ay hindi na nakakapagtaka na niligawan ito ng gwapo at mayamang anak ng may-ari ng kumpanyang kanilang pinagtatrabahuhan. Makalipas ang isang buwan na panliligaw ay sinagot na ni Queen ang lalaki at ngayon ay magdadalawang taon na ang kanilang relasyon.

Ngunit hindi nga yata ipinagkakaloob ng Diyos ang lahat sa isang tao. Si Queen man ang nakakaangat sa kanilang tatlo ay meron naman itong sakit sa puso. Mahina ang puso ni Queen at kung minsan ay nagkakaroon ito ng heart attack kaya madalas itong isinusugod sa ospital.

-----ooo-----

ISANG gabi, nasa rooftop bar silang tatlo at umiinom ng alak. Friday night kaya nagagawa nila iyon. Wala kasing pasok kinabukasan. Nasa gitna sila ng pag-uusap nang ipakita ni Queen ang kaniyang kamay na ang isang daliri ay may suot na diamond ring.

“OMG! Don’t tell me…” Hindi maituloy-tuloy ni Gwen ang sasabihin.

Masayang tumango si Queen. “Yes! Nag-propose na sa akin si Joshua and I said yes. We’re engage! Pinaplano na rin namin ang wedding dahil nagmamadali na ang parents niya na magkaroon ng apo.” Masayang balita niya sa dalawa na ikinatahimik ng mga ito. “Bakit parang hindi kayo masaya sa sinabi ko?” tanong niya.

Umiling si Cheska. “H-hindi naman sa ganoon. Nakakalungkot lang na ikakasal ka na soon. Ibig sabihin ay mababawasan na ang oras mo sa amin ni Gwen.” May himig ng lungkot nitong sagot.

“Kaya nga. Alam mo naman na hindi kami sanay na hindi ka kasama sa mga lakad natin gaya nito. Pero happy kami para sa iyo, Queen. Alam ko kung gaano mo kamahal si Joshua. Maswerte siya sa iyo.” Nakangiting turan ni Gwen.

“Thank you! Pero wala kayong dapat ipag-alala dahil kahit kasal na kami ay magtatrabaho pa rin ako sa kumpanya nila. Napag-usapan na namin iyan ni Joshua. Kahit kasi ako ay ayokong hindi kayo makitang dalawa sa araw-araw.”

“Tama na nga iyan! Let’s celebrate kasi engage ka na!” Kinuha ni Gwen ang baso nito. “Cheers?”

“Cheers!!!” sabay-sabay nilang sigaw at pinagbunggo nila ang kani-kanilang mga baso. Masaya nilang inubos ang alak na laman niyon.

-----ooo-----

KINABUKASAN ay nagtungo sina Queen sa isang private resort sa Pansol sa Laguna para makapag-celebrate ng maayos sa pagkaka-engage niya kay Joshua. Gusto kasi nina Gwen at Cheska na mag-celebrate sa isang resort kaya nag-book na ang mga ito.

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon