STORY #81: Lover's Quarrel

2.9K 204 94
                                    


DEDICATED TO: DavezkieStaromana2 (Dave)

DEDICATED TO: Leikeu (Lyca)

DEDICATED TO: Leikeu (Lyca)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.






“HAPPY first weeksary, bebe ko! Blow mo na, bebe ko!”

Tumirik ang mata ni Lyca sa sobrang kilig sa sinabing iyon ng boyfriend niyang si Dave. Nasa bahay siya nito ng gabing iyon para i-celebrate ang first week ng kanilang relationship na nag-simula sa pagiging chatmate sa Messenger. Parehas lang silang seventeen years old.

Hindi makapaniwala si Lyca na nagce-celebrate sila ng weeksary ni Dave. Sumakto pa na walang tao sa bahay nina Dave kaya nagawa nilang mag-celebrate dito. Um-order sila ng isang bucket ng friend chicken at spaghetti sa isang sikat na fastfood restaurant. May maliit na chocolate din na may kandila sa gitna.

“Hala! Anong ibo-blow ko, bebe ko?” Kunwari ay inosenteng tanong ni Lyca. Napahagikhik siya na akala mo ay kinikiliti ang singit.

“Itong candle, bebe ko. Ano ka ba?” sagot ni Dave. Dala kasi nito ang cake nila.

“Ay, oo nga, 'no!” Hinipan ni Lyca ang kandila. “Akala ko kasi ay kung ano ang ibo-blow…”

“Bebe ko, bata pa tayo. Hindi pa tayo pwede sa blow na iniisip mo. Nag-aaral pa tayo, 'di ba?” Paalala ng boyfriend niya sa kaniya.

“Alam ko naman iyon, bebe ko. Tine-testing lang kita and you passed! Ang bait-bait mo talaga, bebe ko. Hindi ako nagkamali na sinagot kita after three days mo akong ligawan sa Messenger. 'Wag na 'wag mo akong lolokohin, ha?” Naglalambing na tumabi si Lyca kay Dave sa upuan at inihilig ang ulo sa balikat nito.

Nasa salas kasi sila at doon nila naisipan na mag-dinner habang nanonood ng TV. Netflix and chill, kumbaga.

Inilapag muna ni Dave ang cake sa center table. Hinalikan siya sa ulo at kinabig pa. “Oo naman, bebe ko. Hindi kita lolokohin. Promise ko iyan sa iyo! Hindi ako manloloko!” Kinilig na naman si Lyca.

“SS sa atin, bebe ko!”

“SS?”

“Stay strong ibig sabihin no’n. Para forever na tayo!” “Pero sabi nila, walang forever, bebe ko…”

“Hmp! May forever, bebe ko. Tayo, bebe ko!”

“Asus! Oo na, forever na tayo, bebe ko!”

Magsasalita pa sana ng sweet message si Lyca para kay Dave nang biglang bumukas ng malakas ang main door. Kapwa sila napasigaw sa takot at gulat nang may pumasok na isang lalaki na may dalang kutsilyo. Nanlilisik ang mga mata nito. Makapal ang bigote at balbas. Maging ang buhok nito ay makapal at wala sa kaayusan. Nakasuot ito ng kulay itim na rain coat kahit walang ulan sa labas.

“Mga putang ina ninyo! Papatayin ko kayong dalawa! Ang cringey ng mga pinagsasabi ninyo!” Umuusok sa ilong na sigaw ng lalaki. Galit na galit na tila gustong manakit.

Mas lalong napasigaw silang dalawa.

“Sa kwarto tayo sa itaas, bebe ko!” Hinila siya ni Dave. Halos makaladkad siya nito paakyat sa hagdan.

Pumasok sila sa isang kwarto at isinara ang pinto. Pinagtulungan nilang itulak ang aparador para iharang sa pinto. Takot na takot si Lyca. Wala siyang ideya kung sino ang lalaking iyon ngunit sigurado siyang papatayin silang dalawa nito!

“A-anong gagawin natin, bebe ko?!” Umiiyak na tanong ni Lyca. Kinapa niya ang cellphone sa bulsa niya. “Shit! Naiwanan ko sa ibaba iyong phone ko. Paano tayo tatawag ng tulong, bebe ko?”

“H-hindi ko rin alam, bebe ko!” Bakas sa mata ni Dave ang takot.

Napasigaw na naman sila nang banggain ng lalaki ang pinto. Mabuti at meron silang iniharang na aparador doon kundi ay kanina pa nakapasok ang killer at napatay sila.

Itinuro ni Dave ang bintana. “Tumalon tayo doon!”

Tinakbo niya ang bintana. Pagsilip niya ay nahilo siya. “No way…” Umatras siya palayo sa bintana. “Ayoko. Hindi ako tatalon diyan. Masyadong mataas, bebe ko!”

Walang tigil ang lalaki sa pagbangga sa pinto. “Papatayin ko kayong dalawa oras na makapasok ako!” sigaw nito sa nakakatakot na boses.

Iginala ni Lyca ang mata sa kabuuan ng kwarto. Umaasa siya na may makikita siyang bagay o kung ano na magagamit nila para makaligtas sa sitwasyon nila ngayon. Ayaw pa niyang mamatay. Marami pa siyang pangarap. Saka paano sila magiging forever ni Dave kung mamamatay sila o ang isa sa kanila? SS nga, 'di ba? Stay strong.

Wala. Wala siyang nakitang makakatulong sa kanila.

Hanggang sa dumako ang mata niya sa shorts ni Dave. May nakaumbok sa isang bulsa niyon sa unahan. Sa hugis ng umbok na parihaba ay alam niya kung ano iyon. Cellphone!

“Ano iyan, bebe ko? Cellphone?” Kahit alam na ni Lyca kung ano iyon ay tinanong niya pa rin si Dave.

Namutla si Dave. “O-oo. P-pero w-walang signal.” Parang nagsisinungaling ito. Nanginginig ang pagsasalita, e.

“Anong wala? Ipinagmalaki mo pa kanina sa akin na 25mbps ang speed ng internet ninyo! Akin na iyan, bebe ko! Tatawag ako ng help!”

Nakipag-agawan pa si Lyca kay Dave sa cellphone nito. Ayaw nitong ibigay sa kaniya. Ngunit wala na itong nagawa nang makuha niya ang cellphone. Lumayo siya ng kaunti kay Dave dahil kinukuha nito ang cellphone nito sa kaniya.

“Bebe ko, ako na lang ang tatawag—”

“Ako na, bebe ko! Nakakaduda ka na, ha! Anong password nito?”

“Ako na sabi, bebe ko!”

“Teka nga… Bakit ba parang may itinatago ka at ayaw mong ipakita sa akin itong phone mo? Umamin ka nga, bebe ko!”

“Wala, bebe ko! Ang sa akin lang naman, ako na ang tatawag ng—”

Mabilis na itinapat ni Lyca ang screen ng cellphone sa mukha ni Dave. Nag-unlock iyon gamit ang face recognition. “Akala mo, ha…” Nakangising sabi ni Lyca.

Pagtingin niya sa screen ng cellphone ni Dave ay natigilan siya. Sumikip ang dibdib niya.

Huminga siya nang malalim. Ibinulsa niya ang cellphone.

“Bebe…” May takot sa boses na tawag ni Dave.

Mag-isa niyang inalis ang aparador sa pintong binabangga pa rin ng killer. Hindi niya alam kung paano niya iyon nagawa. Dahil siguro sa matinding emosyon. Binuksan niya ang pinto at itinulak palabas si Dave.

“Bebe ko!” Palahaw ni Dave nang isarado at i-lock niya ang pinto.

Sumandal siya doon at pumikit. Dinig na dinig niya ang pagkadurog ng laman at buto na sinasabayan ng kalunus-lunos na iyak ni Dave. Akala mo ay isang baliw na humahalakhak naman ang lalaki.

Tiningnan niya ulit ang cellphone. Napakasakit na makitang hindi siya ang wallpaper ni Dave doon. Kundi picture nito at ibang babae. Naka-collage pa kaya ang dami. Nasa gitna pa iyong magka-lips to lips ang mga ito.

Kaya mas mabuti pang ipain niya si Dave sa killer na iyon para magkaroon siya ng oras na tumawag ng tulong…

“Shit! Na-lock ko!” Nanlamig si Lyca nang mapindot niya ang button sa gilid ng phone at mag-lock ulit iyon.

SS, Lyca… SS lang… aniya sa sarili.


THE END

100 Tales Of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon