Tip #3

110 14 4
                                    

Ito ay para sa mga kabataan na gustong magreview, pero hindi afford ang review center or ayaw magreview center, na lagi namang hawak ang cellphone at nagbababad sa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, Netflix, etc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ay para sa mga kabataan na gustong magreview, pero hindi afford ang review center or ayaw magreview center, na lagi namang hawak ang cellphone at nagbababad sa Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, Netflix, etc.

Tama na muna yang panonood mo ng kdrama/koreanovela, anime, jdrama, at iba pa.

Tama na muna yang Mobile Legends, Rules of Survival, Call of Duty, PlayerUnknown's Battlegrounds, Sims Freeplay, whatsoever games na nilalaro mo.

Tama na muna yang Wattpad mo.

Oras na para magreview tayo.

Pero paano yung iba na walang phone, laptop, tablet, or other gadgets?

Paano yung iba na walang internet connection?

Don't lose hope, dear. Just skip this and proceed to the next tip.

Why should you visit social networking sites?

Una, maraming tao ang active sa social media kaya makakahanap ka ng groups tulad sa Facebook na pwede mong salihan.

Sa group/s na yun, marami kang makikilala na kapareho mong gusto ring mag-take ng LET/board exam o kapareho mong mag-tetake din ng board exam kaya makakapagtanong ka sa kanila ng mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa exam.

Sa group/s din na yun, may mga nagbibigay ng tanong na pwedeng lumabas sa board exam. Ang kailangan mo na lang gawin ay mag-take down ng notes at aralin yung mga tanong na pwedeng lumabas sa exam.

Pangalawa, hindi lang ito tungkol sa social networking sites.

Dahil sa panahon ngayon, mas uso na ang mag-search sa Google kaya bakit hindi ka rin mag-Google ng topics na kadalasang lumalabas sa board exam?

Pwede ka ring mag-search sa Google ng iba pang tips na magagamit mo sa board exam.

Dati, kahit na nagrereview center ako, lagi pa rin akong si search sa Google para mas marami pa ang malaman ko for some specific topics na hindi ko maintindihan.

Nandyan din ang Youtube na pwedeng tumulong sa'yo lalo na yung mga mahilig dyan na manood ng vlogs.

Kung tinatamad kang magbasa sa Google, e di manood ka na lang ng videos sa Youtube. Pwede ka ring makinig lang sa video kung ayaw mong manood.

How I Passed the Licensure Examination for TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon