Author's Note

93 10 6
                                    

Ciaossu!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ciaossu!

Okay, so hanggang tip #5 lang ang maibibigay ko sa inyo sa ngayon.

Pero kung counted din tong mga sasabihin ko sa inyo, much better.

Always remember na kailangan niyo ring manood at magbasa ng balita. Kailangan updated kayo lagi sa current events sa bansa natin dahil lumalabas din yan sa board exam.

Wag kayong masyadong maniwala sa mga sabi-sabi at sa mga ginagawang pamahiin bago mag-take ng board exam.

WAG NA WAG KANG MAGBUBURA NG SAGOT MO. Kahit pa nagkamali ka, never erase your answer dahil ang una mong isinagot ang babasahin ng machine.

Halimbawa, letter A ang shineydan mo pero binura mo dahil mali ang sagot mo kaya ginawa mong letter D. Yung letter A pa rin ang mababasang answer ng machine na mag-checheck ng exam mo.

Taas-baba lang dapat ang pag-shade mo sa answer sheet. Hindi left to right or kahit na ano pang pag-stroke ng lapis mo. TAAS AT BABA lang.

NEVER ANSWER LETTER E. Mali ka na agad pag yan ang sinagot mo. A, B, C, D lang ang pagpipilian mo, wag E.

ALWAYS READ THE INSTRUCTION FIRST kung ayaw mong magkamali. At hindi mo gugustuhing magkamali sa board exam.

Dear, one time exam lang to, maghihintay ka pa ulit ng isang taon bago ka makapag-exam ulit kaya wag sayangin ang chance.

ALWAYS LISTEN TO THE ASSIGNED PROCTOR. Pwedeng ma-invalid ang exam mo kapag mali ang ginawa mo sa instruction ng proctor. And again, hindi mo gugustuhing magkamali.

BRING AN EXTRA PENCIL AND BLACK BALLPEN. Kailangan mo yan kung sakali mang maputol ang lapis mo. Sayang sa oras kung magtatasa ka pa kaya palitan mo na lang dahil may time limit ang exam.

At kailangan din ng black ballpen dahil may fifill-up-an kayo sa answer sheet niyo. Please, yung magandang ballpen naman ang dalhin niyo. Yung magandang isulat. DONG-A Fine Tech pen ang gamit ko noon. Pero kung may pang G-Tech ka, go lang.

Ikondisyon mo ang katawan mo bago dumating ang araw ng exam. Mahirap magkasakit. Health is wealth.

Pwedeng magdala ng pagkain at tubig sa classroom kaya magdala ka para hindi ka magutom. Nakakabobo raw pag gutom. Char.

Basahing mabuti ang tanong dahil nasa tanong mismo ang sagot.

PRAY BEFORE AND AFTER THE EXAM.

Tanging hiling ko lang na sana ay nakatulong kahit papaano ang mga tip ko sa inyo. Goodluck, dear. Kaya mo yan! 😊

How I Passed the Licensure Examination for TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon