Tip #2

119 28 1
                                    

This is optional

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is optional.

Kung ikaw ay likas na tamad mag-aral katulad ko at afford mong mag-enroll sa review center, then go for it.

Kung ikaw ay masipag mag-aral pero gusto mong mag-review center at afford mo naman, then go for it.

Kung gusto mo at afford mong mag-enroll sa review center, then go for it.

Kung wala ka sa nabanggit, you better skip this and proceed to the next tip.

So paano mo nga ba malalaman o masasabi kung "the best" ba ang isang review center?

Una, i-search mo ang choice mong review center. I-check mo kung maganda ba ang feedback sa kanila nung mga tao na nag-enroll na sa kanila. I-check mo kung marami ba ang pumasa at nag-top sa board exam out of how many students na nag-enroll sa kanila. By doing that, malalaman mo kung worth ba ng pera mo ang review center na napili mo.

Pangalawa, piliin mo ang review center na pinakamalapit sa inyo pero may magandang feedback lalo na sa mga nagtatrabaho pero gustong mag-review at the same time. Pagod ka na nga sa trabaho mo tapos pipili ka pa ng malayo sa bahay niyo? Ayaw naman nating mangyari yun. Hangga't maaari, yung review center sana na malapit sa inyo at may magandang feedback.

Pangatlo, piliin mo ang review center na may magandang feedback at swak sa budget mo. Syempre, hindi naman natin basta-basta lang kinukuha ang pera. Pinaghihirapan at pinagtatrabahuhan yan ng mga magulang mo o ikaw din kung nagtatrabaho ka na.

Nung kapanahunan ko, nag-review ako sa Carl E. Balita Review Center o CBRC. I guess marami na sa inyo ang nakarinig na kay Dr. Carl o sa CBRC.

Bakit nga ba CBRC ang napili ko noon?

Una, katulad nga ng sinabi ko, yun lang kasi ang pinakamalapit sa bahay namin.

Pangalawa, affordable naman kahit papaano. Nasa 5k-7k ang enrollment fee nila noon.

Pangatlo, maganda ang feedback ng CBRC. Maraming estudyante ang pumasa sa LET at may mga nag-totop pa sa board exam na sa kanila nag-enroll.

Pang-apat, every Saturday at Sunday ang schedule namin noon kaya pwede sa tulad ko na nagtatrabaho noon bilang isang teacher na may working schedule na Monday to Friday.

Sana ay nakatulong sa inyo ang tip #2 ko. 😊

How I Passed the Licensure Examination for TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon