Konting introduction lang muna about me. Wala akong pake kung wala kayong pake basta gusto ko munang mag-intro. Hahahahaha.
Ciaossu, minna-san!
Ako si *insert name*, LPT. Kung taga-Santa Rosa, Laguna kayo, malamang baka nagkakasalubong na tayo dyan sa daan. Maliban nga lang ngayon dahil may COVID-19 pandemic kaya nasa bahay lang ako simula nang mag-lockdown.
I took Bachelor in Secondary Education major in Mathematics when I was in college. Yes, "was." Past tense na dahil grumaduate na ako.
Grumaduate ako sa Polytechnic University of the Philippines — Santa Rosa Campus wayback April 2017. Malay mo magka-batch pala tayo. Kaway naman dyan sa mga proud ka-PUPian ko! 👋🏻
Wala talaga sa plano ko ang mag-BSE, kaso favorite ko kasi talaga ang Math nung high school ako kaya gorabels na ako basta maka-graduate lang ng college.
Nag-take ako ng Licensure Examination for Teachers or LET that same year, September 2017, sa Manila — Colegio de San Juan de Letran.
Nag-oath taking ako sa Cuneta Astrodome nung December 2017.
I passed the LET at the age of 20 and became a Licensed Professional Teacher sa isang take lang ng exam.
So, ito na nga, paano nga ba ako nakapasa sa LET sa isang take lang?
BINABASA MO ANG
How I Passed the Licensure Examination for Teachers
Kurgu OlmayanTips on passing the board exam in one take. Highest Ranking in 2020: #4 - math #4 - professional #6 - exam Date Started: July 4, 2020 Date Finished: July 24, 2020 All Rights Reserved. ©2020