Tip #4

65 8 0
                                    

Kung masipag kang magsulat at mag-jot down ng notes nung college, sana lang talaga ay hindi mo pa naibasura o naitapon ang notebooks, libro, lectures, powerpoint presentations, o handouts niyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung masipag kang magsulat at mag-jot down ng notes nung college, sana lang talaga ay hindi mo pa naibasura o naitapon ang notebooks, libro, lectures, powerpoint presentations, o handouts niyo.

Kung ikaw ay nagcocollege o magcocollege pa lang ngayon, itago mong mabuti ang notes mo, libro, lectures, handouts, at iba pa dahil matutulungan ka niyan sa pagrereview mo balang araw.

Malaking bagay at malaking tulong kung nasa sa'yo pa ang mga yan.

Nung nasa college pa kasi ako, nagtatapon na kaagad ako ng notes or handouts kada tapos ng isang semester. Naka-imbak lang kasi sa bahay at dagdag kalat lang naman. Kaya kung kailan kailangan ko ng reviewer, wala na akong mapag-reviewhan dahil itinapon ko na lahat.

Hindi ko rin naman hilig ang magtapon ng mga libro. Ang kaso nga lang, hindi na kasi masyadong uso ang libro sa amin nung college ako. First year college lang ata ang may kumpleto akong libro tapos puro minor subjects pa. Ang galing di ba? Yung major at specialization ko pa ang nawalan ng libro.

Kaya sinasabi ko sa inyo, sobrang importante ng mga notes na yan lalo na sa part ng exam na may specialization mo at major mo.

For example, Bachelor in Secondary Education major in Mathematics ang course ko kaya ang specialization ko ay ang lahat ng Math subjects ko nung college ako (College Algebra, Contemporary Mathematics, Advanced Algebra, Plane Trigonometry, Plane Geometry, Set Theory and Math Logic, Number Theory, Analytic Geometry, Solid Geometry, Linear Algebra, Abstract Algebra, Differential Calculus, Modern Geometry, Statistical Inference with SPSS, Integral Calculus, Elementary Differential Equation) at ang major ko naman ay ang lahat ng major subjects ko nung college ako (Educational Technology, Developmental Reading, Educational Systems and Current Issues in Education, Child and Adolescent Development, Field Study, Ethics and Social Responsibility, Principles and Strategies of Teaching, Philosophy of Education, Introduction to Curriculum Development, Measurement and Evaluation, Principles of Guidance and Values Education, The Teaching Profession).

Tulad nga nang sinabi ko, lagi pa rin akong si Google kahit nag-rereview center na ako noon lalo na sa part ng Philosophy of Education. Bwisit na bwisit kasi ako sa mga progressivism, pragmatism, essentialism, idealism, realism, existentialism na yan. Basta lahat ng may -ism, nakakabwisit. Nakakalito kasi kung ano-ano ang ipinagkaiba nila sa isa't isa tapos hindi ko rin naman minsan maintindihan yung mga pinagsasasabi ni Google.

Kaya kung naitabi mo at maitatabi mo ang notes mo, maswerte ka dahil maaalala mo at maaaral mo ang mga topic na related sa specialization mo at major mo.

Paano kung hindi naman BSED ang course mo?

Well, same situation and same reason pa rin naman kahit na ang course na pinili mo at pipiliin mo ay walang specialization at major.

Same situation dahil mag-tetake ka rin naman ng board exam at same reason na matutulungan ka ng notes mo sa pagrereview.

How I Passed the Licensure Examination for TeachersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon