Paglipas ng panahon

121 2 1
                                    

Nakita ko lang to nakaipit sa dating libro ko. Since I was a child,hilig ko na talaga gumawa ng tula . Kaya eto ipopost ko nalang .
******

Simula ng ika'y makilala
Ang mundo ko'y nag-iba
Laging masaya 'pag ikaw ay nakikita
'Pag ang mga mata'y biglaang nagtama

Ang pintig ng puso ay 'di maipaliwanag
At ang mga mata'y nagliliwanag

Akala ko ito ay paghanga
Ngunit ito'y pag-ibig na pala

Iniibig kita ng hindi mo alam
Minamahal kita ng 'di mo ramdam

Para kang langit at ako ay lupa
Malayo ang agwat sa isa't-isa

Kinikilig sa matatamis mong salita
Ngunit ito'y panandalian lang pala

Sana'y 'di mo pinakilig
Kung luha lang ang kapalit
Masakit na umasa ako

Akala ko ito'y love story
Yun pala toy story lang sayo

Naisip kong sumuko na
Pero sabi ng puso ko ipaglaban ko pa
Minamahal kita kahit sobrang sakit na

Sana sa una palang pinigilan ko na ang nararamdaman ko sayo

Pero hindi eh! Ang puso pwede mong sugatan at saktan
Pero 'di mo pwedeng turuan
Ito ay patuloy na titibok,patuloy na magmamahal

Kaya 'di ko na napigilan pa
Dahil huli na ang lahat
Ako'y iyong napaibig
Ako'y nahulog at di mo sinalo

Palihim na lumuluha nang dahil sa sakit
Masaya ka na kasama mo siya
Masaya ka sa piling niya
Masaya ka na nakahanap ka ng iba
Pero di ka pala akin ,kahit nung simula

Di ko alam na ang sakit na ito
Ay makakatulong sa paglimot sayo
Puso ko'y napagod ng dahil sa sakit
Mga mugtong mata ng dahil sa luha

Mapapawi ng 'di inaasahan
Nagising nalang na wala na ang pag-ibig ko sayo
Siguro dahil nagpakatanga at nasaktan ako

Sana sa susunod,maging masaya ako
Sana hindi ko na maramdaman ulit ang sakit at pighati

Hindi ako natatakot na magmahal muli
Natatakot ako na masktan muli.

******^
Grabe naman pinaghuhugutan ko nung bata ako . Ang lalim besh!
Anyways isang clap para sa batang ako^–^

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon