ℙ𝕣𝕠𝕝𝕠𝕘𝕦𝕖 🌹,

417 79 29
                                    

Chimon Wachirawit
As your
Jazer Nash Calve

Chimon WachirawitAs yourJazer Nash Calve

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⚘ PROLOGUE ⚘
⏱ 5: 30 pm

JAZER'S POV

LUMALAKAS na ng bahagya ang ulan kaya saglit muna akong pumasok sa isang maliit na department store para bumili ng sigarilyo. Namulsa ako at saglit na napahinto nang pumasok sa isip kong bumili na rin ng maiinom, naglakad na ako at dumeretsyo sa may likuran para tumingin doon.

" Beer in a can? "

Sa isip-isip na kuwestyon ko sa sarili, nagdadalawang isip kung ito ba ang bibilhin o kape na lang. Nagbuntong hininga ako at kukuha na sana ng beer nang biglang may marinig akong ingay sa pwesto ng cashier. Mabilis akong humakbang paatras para itago ang sarili sa shelf nitong mga paninda at saka sumilip para tignan ang nangyayari sa harap.

“ Bibilisan mo o pasasabugin ko ulo mo?! ”

Bulyaw ng isang armadong lalaki habang tinututukan ng shutgun 'yong babaeng kahera na ngayon ay takot na takot na binubuksan ang kaha. Umyos ako nang tayo at ibinaling ang tingin sa isang convex mirror na nasa itaas. Nakita kong may dalawa pang customers na nakatayo sa bandang kanan kung saan nakapuwesto ang ice cream machine, isang matandang lalaki at batang babae. Kinapa ko ang sarili at mga bulsa para maghanap ng pwedeng gamitin, pero brass knuckle lang ang nakapa ko.

“ Akin na ang wallet at cellphone mo. ”

Bahagya akong sumilip sa kabilang shelf habang isinusuot sa kamay 'yong knuckle. Doon ay may isa pang lalaking may takip ang mukha, tinututukan ng kutsilyo ang isang babaeng customer at nambabanta, dahilan para hindi ito pumalag at sumunod na lang sa sinabi ng lalaki. Kinuha ko ang panyo sa bulsa saka 'yon itinakip sa bibig at ilong ko, napatingin naman ako sa isang chiller at kumuha doon ng isang malaking soft drinks. Naglakad ako ng natural palapit sa pwesto ng mga candy at kumuha ng mentos.

Dahil sa pagkilos kong 'yon ay nakuha ko ang atensyon ng mag lolo. Kumindat ako sa bata saka sumenyas nang 'wag itong maingay, tumango naman ito sabay ngiti habang nakayap pa rin sa lolo nitong buhat- buhat siya.

" Haays "

Usal ko kasunod nang bahagyang pag iling at tahimik na natawa matapos lumikha ng tunog ang soft drinks dahil sa pagkakabukas ko rito. Agad akong tumingin sa convex mirror, inaantabayanan ang pagkilos ng lalaki sa kabilang shelf matapos nitong matunogan ang presensya ko, saglit naman akong napatingin sa gawi ng kasamahan nitong nasa harapan na abala pa rin sa pangungulimbat ng mga pera.

" All I want is a pack of cigarette and a can of beer. "

Sa isip-isip ko habang binabalatan ang isang balot ng mentos. Saglit naman akong napahinto nang makita ang repleksyon ng lalaki sa hawakan nitong chiller na nasa harapan ko. Marahan kong ibinaba sa sahig ang hawak na soft drinks, saka ko sinalubong sa pag liko ang lalaki sa pagpapunta nito sa kinatatayuan ko.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now