ℂ𝕙𝕒𝕡𝕥𝕖𝕣 2 🌹,

134 67 9
                                    

JAZER'S POV

" Ladies and gentlemen, We're about to land at Chiangrai Thailand private transport. Local time is 9: 15 in the morning, our temperature is 34°C, as we are preparing to land please-- blahh, blahh, blahh... "

TUMAYO na ako at iniligpit ang mga dukomentong binasa ko simula pa kanina.

" Have a great travel, sir. " nakangiting paalam sa akin ng flight attendant bago ako tuluyang bumaba dito sa eroplano.

Malalim ang paghugot ko ng hininga kasunod nang pagmamasid sa buong paligid. May nakita akong maliit na bayan sa di kalayuan, isinukbit ko ng maayos sa balikat ang bag na bit-bit saka ako nagsimulang maglakad patungo sa direksyon na 'yon. Saglit naman akong napalingon sa gawi ng eroplano matapos nitong lumipad paalis.

" Simula na nang trabaho "

Hindi pa man ako nakakalabas dito sa paliparan ay muli na naman akong napahinto ng biglang mag vibrate ang telepono ko sa bulsa. Dinukot ko ito sa bulsa ng jacket ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

( Dad's calling... )

" Dad, "

( " Alam kong nakarating kana, kaya ako na ang tumawag, hindi kasi mapakali itong mommy mo. " )

" Tss, nice guessing dad. "sambit ko saka bahagyang natawa.

( " Syempre, alam ko namang tatlong oras lang ang byahe papunta ng Thailand galing dito sa Philipinas. " )

" So... you've been here, huh? " naka ngising tanong ko kasabay na rin ng pag iiba sa usapan.

( " Well yes, memorable pa nga para sa'min ng mommy mo ang bansa na 'yan... dahil dyan ka namin ginawa. " )

Napa irap ako ng wala sa oras dahil sa sinabing 'yon ni Dad, mukhang pagsisisihan ko ata na naitanong ko pa 'yon sa kanya.

" Ok dad, I have to go--- "

( " Huy! hindi pa natin napag uusapan ang tungkol sa mommy mo. " )

" Dad, diba Kakatapos lang natin mag usap kanina? "

( " Ang tungkol sa mommy mo ang pag uusapan natin ngayon, Jaze. " )

Wala na akong nagawa at napa buntong hininga na lang. Hindi ko rin naman matatalo si Dad pagdating sa ganitong usapin, lalo na kung si mommy ang subject.

( " Ibibigay ko sa mommy mo itong telepono, gusto kong kausapin mo siya at suyuin... Sumubok na 'ko kanina pero hindi maganda ang kinalabasan kaya ikaw na. " )

Napa buntong hininga ako kasabay nang pagkakamot sa sariling batok. Ito palagi ang nagpapahirap sa bawat misyon ko tuwing lalabas ng bansa, mas mahirap pa ata itong pa ulit- ulit na pagsisinungaling ko kina mommy kesa sa misyon ko.

" Fine. "

Walang magawa na tugon ko habang patuloy parin sa paglalakad. Saglit na tumahimik sa kabilang linya, ilang minuto din ang lumipas bago ko ulit marinig si Dad na magsalita.

( " Oh, kausapin ka ng anak mo. "

-- " Can you stop bothering me! you're
making me asar! "

-- " Hon, kakausapin ka nga ng anak
mo. "

-- " We already talked kanina diba? "

-- " May sasabihin daw sayo, hindi mo ba pagbibigyan? " )

Wala sa sarili na lang akong napa ismid kasabay nang pag iling dahil sa pagiging matampuhin ni mommy.

( " Hello? " )

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬  ( UNDER REVISION )Where stories live. Discover now