KINABUKASAN
⏲ 8:48 am
JAZER'S POV
MAAGA ulit akong umalis sa hotel para mag ikot-ikot at kabisadohin ang bawat iskinita na malapit dito sa hotel. Dala ko pa rin ang sariling kamera para kumuha ng iilang litrato sa daan, pwede kong magamit ang mga ito bilang palatandaan. Sa ilang oras na pag iikot ko ay nakarami na rin ako ng mga nakuhanan ng litrato, kaya mas pinili ko na lang muna ang pagmsdan ang buong paligid gamit ang mga mata ko at tahimik na maglakad.
Napahinto naman ako at tinigan ang suot na relo, nang makita ang oras ay agad na kumalam ang itsyura ko dahil sa gutom, napabuntong hininga naman ako sabay pamewang at nagpa linga- linga sa paligid, naghahanap ng kainan, pero mga bahay lang ang nakikita ko kaya napag disisyonan ko na lang na bumalik na sa hotel para doon kumain ng agahan. Habang naglalakad ay inaliw ko muna ang sarili , muli kong binuksan ang kamera upang tignan ang bawat litratong nakuha ko kanina.
" Mài yàk pài! Óyy! Chûay dûay! Chuay duay, pròt khá! "
( I'm not going! Ouch! Help me! Help me, please! )I was about to turn left when I suddenly heard a female's voice yelling from afar, my whole body paused as I started listening carefully, trying to figure out the exact location of the woman. Mabilis akong humakbang palapit sa isang pader at nagtago nang mapagtanto kong papalapit ang mga ito sa direksyon ko.
“ Bilisan niyo! ano ba?! ”
“ Wait a second... ” I mumbled while furrowing my brows.
Marahan akong kumilos upang silipin ang mga ito sa kabilang iskinita kung saan lilikuan kona dapat kanina. And I was stunned when I saw a very familiar face of a woman.
“ Ayaw ko nga, eh! bitawan niyo na po ako, please?? Wala po akong pera na kay ate po, siya na lang po kunin niyo, please, kuya? ”
“ Iyesha, ” mahinang usal ko kasunod nang muling pagtago sa likod ng pader. “ What the heck? ”
“ 'Wag kana kasi pumalag! ” Bad man- 1
Muli akong napasilip sa direksyon ng mga ito. Nakita kong may tatlong lalaki na nakapalibot ngayon kay Iyesha at mga armado ito.
“ Eh, Ayaw ko nga po sumama! Ang bingi mo naman, eh! ”
“ Gago pala 'to eh, pasabugin kona kaya ulo nito? ” BM- 2
“ Kalma lang pre, kailangan natin 'yan ng buhay. ” - BM- 3
Napatiim bagang ako at akmang kikilos na sana nang mapagtanto kong wala pala akong dalang kahit na anong armas.
" Anak ng... "
Wala akong nagawa kundi ang magtago ulit at mag isip muna ng paraan kung paano umataki nang hindi ako o si Iyesha ang dihado.
34_days_ left...
“ Hali ka na. 'Wag mo nang hintayin na magdilim pa ang paningin sa'yo nitong kasama ko. ” BM- 3
“ Hindi! Dito lang po ako. ”
Napa iling na lang ako dahil sa pag yakap ni Iyesha sa isang poste habang nakasimangot at bahagyang umiiyak. Naglakad ang isang lalaki para pilitin si Iyesha na kumawala doon pero mas lalo lang itong lumingkis sa pader. Muli akong nagtago at sumandal sa pader, pumikit at saka nagbuntong hininga.
" Delikado kung basta-basta lang ako susugod. May mga armas sila at mahal ko pa ang buhay ko. Mas mabuting planuhin ko muna 'to ng mabuti. "
Muli akong humugot nang paghinga saka ko tinignan ang paligid para maghanap ng mga bagay na pwede kong ibato sa mga lalaking 'yon. Sakto naman na may nakita akong mga bitak ng simento na nakatambak sa isang tabi. Dali-dali akong naglakad palapit doon, saka ako dumampot ng dalawang bitak na sakto lang ang bigat at laki para maibato sa pwesto ng mga ito. Muli kong sinilip ang dereksyon nila Iyesha.
YOU ARE READING
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐁𝐞𝐭𝐰𝐞𝐞𝐧 𝐁𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭𝐬 ( UNDER REVISION )
AcciónJAZER CALVE portrays two faces in his life, being a normal guy and a secret hitman. Jazer belongs to a society that hunts down people for a good cost. He flew to Thailand after accepting one mission that later on changes his whole plan. Jazer though...