JAZER CALVE portrays two faces in his life, being a normal guy and a secret hitman. Jazer belongs to a society that hunts down people for a good cost. He flew to Thailand after accepting one mission that later on changes his whole plan.
Jazer though...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kinabukasan....
HAZEL'S POV
" WAAAAhhhhhh!! "
AGAD akong napa mulat nang marinig ang sigaw na yun sa kabilang kwarto. Dali dali agad akong bumalikwas sa pagkaka higa at tumayo upang puntahan ang kwarto ni Ilyza.
" Ilyza?! "
Bungad ko ng mabuksan ang pinto ng kwarto niya.
" Huhuhu~~ "
" Iyesha? "
Kunot noo na usal ko.
" Ate~~ nasa'n 'yung mga gummy worms ko dito~~ huhuhu~~ "
Pagmamaktol niya. Naka salampak siya ngayon sa sahig habang pumapadyak padyak at umiiyak. Nahagod ko na lang ang sariling buhok kasabay nang pagsandal sa pinto saka bumuntong hininga ng naka pikit.
" Ate... nahihilo ka na naman ba? "
Muli ko siyang tinignan sabay ngiti. Inosente itong naka tingin sa'kin habang may butil parin ng mga luha ang pilik mata nito, ang ilong ay mamula mula rin pati ang bandang ibaba ng mga mata.
Kitang kita ang mga ito dahil sa maputing balat ng kapatid ko at dahil na rin sa pagiging isip bata kung umiyak kaya ganyan nalang ang kinalalabasan sa tuwing iiyak siya ng ganon. Naglakad ako palapit sa kanya saka umupo sa kama niya.
" Ok lang ako "
Mahinahon na sambit ko kasabay nang pagsuklay sa buhok niya gamit ang mga daliri ko.
" Bibili na lang ulit ako, ok? "
Sambit ko habang inaayos ang buhok nito. Tumango naman siya sabay upo ng nakatiklop ang parehong paa papasok.
" Na-ikuwento sa'kin ng kaibigan mo, na may muntik nang kumuha sayo kahapon, totoo ba? "
Mahinahong tanong ko habang tinatali ang buhok niya.
" Kaibigan? "
Tanong pa niya.
"Mm, hinatid ka niya dito kahapon"
Humarap siya sa'kin sabay patong ng babà niya sa hita ko saka ngumiti.